Chapter 21

182 7 0
                                    


Kita ko parin ang gulat sa mukha  ni Cyrus. At parang ang lalim ng iniisip mula ng makita niya sa Tv si Thunder at sinabi ko ang buong pangalan nito. Bakit kaya?

"Hey, I'm asking you?" sabi ko sakanya.

Napabiling ito saakin, nakita ko pa itong bumuntong hininga bago ibinaba ang kanyang kutsara at kinidor. Nandito na kasi kami ngayon sa dining area. Pero malalim parin ang iniisip niya.

"Yup, Ano na naman yung tanong mo?"

" kilala mo ba siya?" kunot ang noo kong tanong at napabuntong hininga pa.

Napansin ko na namang umiba ang expression ng mukha niya.

"Ah, nope. Kamukha niya lang siguro?"

"Who?"

"Si Ivan. "

Napatango na lang ako. Sino naman kaya si Ivan? Kapatid niya? Baka pinsan? O dika kaibigan? Hay ano ba yan pati tuloy ako napaisip.

Natapos kaming kumain ng walang imikan. Kasi pati ako napaisip sa sinabi ni Cyrus. About kay Ivan?

Ako na rin mismo ang naghugas sa  hapag kainan namin. Habang siya nakaupo at hinihintay ako.

"Cyrus, ok ka lang ba?" tanong ko ng matapos kong maghugas.

Nakita ko pa itong busy sa pag-pindot sa Cellphone niya. Lalapitan ko na sana siya at tignan kung ano ang ginagawa niya. Pero agaran niya itong binaba.

Diko tuloy maiwasang taasan siya ng kilay.

"Sino yang katext mo?"

"Wala."

"anong wala"

"Haist. Wala nga."

"ok" tanging sagot ko at iniwan siya.

Kabanas, parang may tinatago siya saakin kainis naman e.

Oh my god Cassandra, you act like a childish again.

Humiga na lang ako sa kama ko at napatitig sa kisame. Then, I realize kami ba talaga kay Cyrus? Kasi naman hindi siya nanligaw saakin. Pero itong inaasta ko, parang kami ganoon naman kasi siya. Mamaya nito nahuhulog lang pala ako sa mabulaklak niyang bunganga.

"Mahal ko, galit ka ba?"

Napabangon ako ng marinig ang boses ni Cyrus.

Nasa pintuan siya nakatayo at titig na titig saakin. Tanging pag-irap ang nagawa ko sakanya. Narinig ko pa siyang napahalakhak at lumapit saakin sabay upo sa tabi ko.

"Nagseselos ka ba?" seryoso niyang tanong at bumulong saakin.

Napakibit ako ng balikat at di siya sinagot.

"Mahal ko, nagseselos ka ba? Galit ka ba mahal?" sweet niyang sabi.

Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong nakiliti sa bulong niya. Lumapat pa ang labi niya sa tenga ko. Tapos yung boses niya e. Ang ganda pakinggan lalo na't sweet ang pagkasabi niya.

Errr.,., huwag mo siyang pansinin huwag ka mahuhulog sa mga mabulaklak niyang sabi.

"CYRUS" sigaw ko ng ihiga ako nito.

Kaya ngayon bumagsak ako sa dibdib niya. Tsk. Ang tigas naman ng katawan nito.

"Shhh... Matulog muna tayo" bulong niya.

Naramdaman ko pang lumapat ang labi niya sa noo ko.

Napatingala ako sakanya at kita ko itong nakapikit. Psh, bakit ba ang gwapo niya?

When A Man Fall In Love (Isabela Boy Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon