Chapter 39

166 6 3
                                    

Napaupo ako sa lapida ni daddy at sinindahan ang dalawang kandila sabay lapag sa bulaklak na dala ko.

"Hellow dad, Sorry kung ngayon lang ako dumalaw." nakayukong sabi ko.

"Ah, may ibabalita pala ako sayo dad."

Muling sabi ko at napabuntong hininga.

"Isang buwan na kaming nagsasama ni Cyrus sa iisang bubong dad. Yeah! kasal na kasi kami, sa harap ng abugado nga lang at kontrata lang yun. Ginawa ko yun para lang bumalik ang karanyaan ng Company mo. So, ayun nga dad, bumalik na nga. Bumalik na yung mga kasosyo mo pati yung mga dati mong empleyado." pilit kong ngiti at tinuon ang attention ko sa mga puno.

"You know dad, ang yaman na ni Cyrus. Ang laki ng bahay niya. Andami niya ring katulong at bodyguard . Ang layo ng narating ni Cyrus daddy. Hindi ko na nga siya kayang abutin e. Yung sinabihan mong Cyrus na ginagamit ako noon ayun dad nasa mataas na position ngayon. " madaldal kong sinabi at mapait na ngumiti.

"I don't know dad if you're happy for me. Kasi ako dad, hindi. Hindi ako masaya lalo na't ang Cyrus na kasama ko ngayon ay nabalot ng poot at galit saatin. Totoong nagsasama kami sa iisang bubong pero, parang ang layo parin namin sa isa't isa. Yun bang lagi kaming magkatabing matulog sa iisang kama pero parang ang layo parin namin. It's so hard to pretend dad, ibang-iba na kasi yung Cyrus na kilala ko noon sa ngayon. Nahihirapan na ako sa sitwasyon ko ngayon. Simula kasi nung lumipat ako doon. Ipinaparamdam niya saakin na kahit kailan hindi na siya magiging akin. Yun bang nakadepende talaga siya sa kontrata samantalang ako gusto kong umasta bilang isang tunay na asawa. Pero hindi ko magawa." halakhak ko.

Sa loob kasi ng isang buwang pagsasama namin ni Cyrus ay para lang akong hangin sa paningin niya. Hindi ko ba alam kung bakit niya ako pinatira doon, kung tratuhin niya lang naman akong hangin. Minsan ko rin siyang tinanong kung bakit kailangan ko pang tumira sa bahay niya sumagot naman ito...

"Bakit may nakita ka na bang mag-asawang magkahiwalay ng tirahan?" sarcastic  nitong tanong.

Kaya ayun wala akong ginawa kundi sundin ang kagustuhan niya. Kung noon ako ang nasusunod saamin dalawa. Ngayon wala akong magawa dahil sa kontrata.

Kaya eto ako ngayon tiklop. Si Cassandra Reyes na dating sikat na Singer ay sunodsunuran na. Nakakatawang isipin. Pero ang sakit sa pakiramdam.

Nabalik lang ako sa realidad ng maramdaman ko ang pagbuhos ng ulan. Kaya agaran akong napatayo at muling yumuko.

"Dad, kaya ko pa. Kung oras na para sumuko gagawin ko yun. Pero sa ngayon kaya ko pa." ngiting sambit ko bago tuluyang umalis.

 

Nang makarating ako sa bahay ni Cyrus. Sumalubong saakin ang mga katulong at kita ko ang pagalala nila saakin.

Gabi na rin kasi ng makarating ako dito. Tumambay  pa kasi ako panaglitan sa loob ng kotse ko at hinintay na tumila ang ulan. Bago umuwi.

"Yes?" tanong ko.

"Nako, ma'am bakit ngayon ka lang ?" tanong ng isang katulong.

"Huh? Umulan e. Hinintay ko pa kasing tumila ang ulan kanina." ngiting sambit ko.

Actually, close ko lahat ng mga katulong dito e. Mababait kasi sila at masayang kasama. Kaya minsan sakanila ako nakikipagkwentuhan.

"Kasi ma'am, si Sir po nasa loob nagwawala." nagaalangang sambit ni Isha.

"H-huh? Bakit?"

"hindi po namin alam." muling sagot nila.

"uhm, ganun ba." tanging naisagot ko.

When A Man Fall In Love (Isabela Boy Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon