Chapter 3

366 11 0
                                    

Cyrus's POV

Napabalikwas ako at sa kasamaang palad tumama ang likod ko sa sahig. Nahulog ako mula saaking kama.

"Kuya Jhon gumising ka jan tanghali na alas 3 na ng hapon, akala ko ba aalis ka ngayon papuntang maynila." sigaw ni Cyra  mula sa labas.

"O nariyan na." mahina kong sambit.

Tumayo ako mula sa sahig at ininda ang sakit ng likod ko. Ikaw ba namang mahulog sa kama at malalaglag sa sahig na lupa.

"Kuya ok ka lang." sambit ng kapatid ko habang nasa mesa ito.

"a oo... Oo ok lang ako."  inis na sinabi ko dito.

"Kahit kailan barado si kuya, buti na lang at aalis kana." inis nitong sambit.

"nakakabanas ka kasi, alam mo na ngang nahihirapan  ako at iniinda ang sakit. E ikaw naman nagtatanong, tsk bulag ka ba?" sabat ko dito.

"ano na naman yang pinagtatalunan niyo jan?"

Pareho kaming napatingin kay papa.

"Siya kasi pa nagtatanong, alam niya na ngang iniinda ko ang sakit. Nagtatanong pa kung ok ako."

"Tsk. Para kang bata kuya 21 kana. Atsaka diba ngayon ang alis mo."

Napakamot ako ng ulo at dali-daling bumalik saaking kwarto at kinuha ang towel ko.

Agaran akong naligo, sabon-buhos dito- doon.

Nako  kailangan 5 pm nasa bayan na ako. Baka maiwan ako ng bus.

Pagkatapos kong nag ayos sa sarili ko. Sinabit ko ang bagpack saaking balikat bago lumabas.

Pagkalabas ko sumalubong saakin ng yakap si Rachell ang matalik kong kaibigan.

"Hoy! Ikaw huwag mo akong kakalimutan ha. Mamimiss kita." sambit nito at mahigpit ako nitong niyakap.

"Oh! Siya alis na jan. Ikaw mamimiss rin kita." halakhak kong sabi dito.

Humiwalay ito ng yakap at hinalikan ako sa pisngi. Hindi ako nawindag o nagulat man lang, kasi lagi niya akong ninanakawan ng halik.

"HAHAHA ate Rachell may pagnanasa kay kuya ha." natatawang sabi ng kapatid ko habang papalapit ito sa kinatatayuan namin.

Bigla na lang na mula ang pisngi ni Rachell. Dahil sa tabil ng dila ng kapatid ko.

Ok! Hindi ko maipagkaila na ang cute niya. Ginulo ko ang buhok nito at hinalikan naman sa pisngi ang kapatid ko.

Nag paalam na rin ako kay papa bago tuluyang umalis.

Kailangan kong pumuntang maynila at maghanap ng trabaho para kay papa at sa kapatid ko.

Marami akong pangarap nung collage ako pero naglaho iyon ng mawala saamin si mama. Nag karaon  kasi siya ng breast cancer. Kaya ayun lahat ng ipon namin sa pag aaral ko at kay Cyra ay napunta sa hospital at sa kasamaang palad hindi naka survive si mama.

Habang naglalakad ako dito sa mabundok namin lugar at matao. Pansin ko kung paano makatitig ang mga tao saakin. Marami ring nag sasabing...

"Mag-ingat ka doon."

"Pre! Huwag mo kaming kalimutan ha."

"Maraming chicks dun."

Tanging tawa at tango ang mga sagot ko sakanila.

Ilang minuto pa ang nakalipas bago ako nakarating sa bayan. Buti naman at hindi pa umaalis ang bus.

Pumasok ako dito at umupo sa gitna. Napansin ko kung paano ako sinundan ng tingin ng dalawang babaae at nag bulungan pa ang mga ito.

When A Man Fall In Love (Isabela Boy Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon