Author's
Sorry po sa mga wrong typo and wrong grammar.
After you read per-chapter please vote and comment. Thank You!!!
Enjoy sa pagbabasa.
----------------------------------------------------------
Nagising ako ng marinig ang maingay na pagdoorbell sa labas. Tatayo na sana ako ng maramdaman ko ang pagkirot ng ulo ko. Mukhang sasabog ata to, dahil sa kirot sumabay na rin ang tiyan ko sa sobrang napaimpit ako sa sakit at mahigpit na hinawakan ang tiyan ko. Shit. Eto na... Eto na ang sinasabi ko.
Every time na lang naumiinom ako. Laging nasa huli ang pagsisisi ko. Sa katunayan nakatulog na nga rin ako dito sa sofa. Dahil hindi ko kinayang umakyat papuntang kwarto kagabi. Dahil sa hilo at pag-alon ng mga nakikita ko.
And then, wait. Sino nga pala yung gumagahasa----este yung maingay na nagdodoorbell sa labas?
Paano ako lalabas ngayon at pagbuksan yung tao nasa labas. E, hindi ko kayang tumayo dito sa sofa.
Ilang segundo pa ang nakalipas ng di ko narinig muling gahasahin--- este umingay ang pagdodoorbell sa gate.
Kaya ngayon napapatitig na lang ako sa pintuan. Habang hinihilot ang tiyan at ulo ko. Wala si manang lordes dito na taga-hilot ko ng tiyan. Every time kapag nasa ganitong sitwasyon ako. Si manang ang humihilot saakin. But this time. mapait akong napangiti. At napapatanong ngayon sa sarili ko...
bakit ganito ngayon ang nangyayare saakin? Parang iniwan na ata ko ng mga taong malapit saakin? What should I do? I want to find them and come back to me. But how? Kailangan ko pa bang makaranas ng ganitong pagsubok before I overcome this situation.
Akala ko noon, masaya maging isang celebrity. Kasi ang sarap pakinggan sa mga tagahanga mo ang mga magagandang words na lumalabas sa mga bunganga nila. But now I realize, sana hindi na lang pala ako sumikat at nagpakahirap para lang maabot ang kinaroroonan ko ngayon.
Masakit para saakin ang iwan ang career na ito. Pero mas malinaw parin saakin ang mga nakikita ko ngayon sa media at masasaktan lang pag dito ako mamalagi. Like what I've said, I need rest.
Naisapan ko lang lumabas matapos ng ilang oras. Bago naging maayos ang pakiramdam ko.
Pagkabukas ko ng gate. Agaran kong inilibot ang paningin ko sa labas. Haggang sa ibaba, pero napataas ako ng kilay ng makita ang isang box na kulay pula. Siguro ito yung dahilan kung bakit may nag dodoorbell kanina. But wait, what is this?
Kinuha ko na lang ito at hindi nagdalawang isip na buksan.
Nang mabuksan ko ito. Unang nakita kong laman ay isang sobre at ng kunin ko ito may isa ring USB card.
"Ano tong mga to?" tanong ko.
Nang makapasok ako sa loob. Pinatong ko ang USB at sobre sa table at panaglitan kong kinuha ang laptop sa aking kwarto. Baka kasi may importanteng laman ang USB na yun.
Nangdalawang isip pa akong isalpak ito ng mabuksan ko ang aking laptop. Baka kasi mamaya hindi maganda ang laman nito. Kaya naman ang ginawa ko binuksan ko ang sobre at nakita kong isang sulat.
And I tried to read this letter...
Miss Reyes,
Sana po mapatawad niyo ako. Sorry po, I'm really really sorry po. Kasi ako po yung nagkalat sa balitang yun. Ako po yung dahilan kung bakit lumabas sa media ang mga litratong yun. Ako rin po yung inutusan ng dad mo na kunan ng patago ang boyfriend mo with other girl. I'm really sorry po. Sana mapatawad niyo ako. Sorry po, sorry.
- ‘︿’Hindi ito naglagay ng pangalan. Pero bakit? Anong dahilan para gawin niya ang bagay na yun? Hindi na rin ako nag dalawang isip na tignan ang laman ng USB.
Isa-isa ko itong tinignan ang file. Sa pagbukas ko ng isang file, napakunot ang noo ko ng makitang Video ito. So, I clicked this video.
Nagulat ako ng makita si dad sa videong ito. Nakaupo siya swivel chair at nakapropper attire. Kumaway pa ito at bago nagsimulang magsalita...
Hellow My name is Jun Reyes, Cassandra Reyes is my Daughter. Ginawa ko itong video na to, para sa mga taong nasaktan ko. Dahil gusto kong humingi ng tawad sa mga taong nasiraan ko. Especially to my daughter, I'm sorry baby for hurting your feeling. To your boyfriend also, Mister Cyrus Jhon Lopez. I'm sorry ihjo, nagkamali ako. Sana mapatawad mo ako ganun rin sa iyong kaibigan. Sana mahalin mo ang prinsesa ko at huwag mo siyang sasaktan. Dahil pag ginawa mo yan, malalagot ka saakin. But seriously, Please you won't give up my daughter. Kung ano man ang nagawa ko sayo. Sana mamahalin mo parin ang anak ko. And lastly, kahit di pa kayo ikakasal. Bago ako lumisan, ngayon ibinibigay ko na ang kamay ng aking anak saiyo Cyrus. Ingatan mo siya at mahalin ng tunay. That's all!!!
Matapos kong mapanoond ang Video. Hindi ko alam kung ano ang unang irereaction ko.
Pero sa oras na ito hindi ko mapigilang humagulgol sa iyak habang pinapanood ang mga ibang video ni dad, at ang mga lumang litrato namin dalawa. I missed him so much. Namiss ko ang samahan namin, kung sana pwedeng ibalik ang kahapon at baguhin ang mga pangyayare. Gagawin ko lahat at bigyan siya ng pagkakataon. I really love him. I love my dad.
"dad, last concert ko na po ito... Kasi po mag leleave na po ako sa Showbiz."
sambit ko.Mamayang 8:30 pm pa magsisimula ang concert ko. Kaya naman panagglitan akong dumalaw sa puntod ni dad.
Ilang araw na rin kasi ang lumipas ng mapanood ko ang mga video ni dad.
"daddy, sasama na po kay mommy sa U.S. Alam mo naman dad na kayo lang ang kamaganak ko dito.Yung about naman po sa mga video. Thank you rin po sa lahat, then yung about naman sa paghingi mo ng sorry. Hindi ko po alam kung paano ko ipapakita kay Cyrus yung videong ginawa mo. Sa katunayan dad, iniwan na rin ata ako ng isang yun... Hindi ko po alam kung nasaan siya ngayon. Pero dad, mahal na mahal ko parin siya kahit wala siya ngayon sa tabi ko. So, dad Thank you for everything and I Love You so much." ngiti ko.
Pero napawi yung ngiting yun ng makita ang kotse ko mula dito. Nakita ko ang limang babae na may ginagawa sa kotse ko. Kaya napatayo ako at tumakbo papalapit sa kanila.
"hey" sigaw ko.
Lumingon ang mga ito at mabilis na nagsitakbuhan.
Nang makalapit ako sa kotse ko. Nanlaki ang mata ko ng makitang napuno ito ng maraming bubblegum sa mga glass window.
Gusto ko sanang mainis pero napawi iyon ng may tumabi saakin at tumulong. Kaya naman napatingin ako dito at akala ko naman kung sino.
"Hmmm... Ikaw pala" pilit kong ngiti kay Hedrick.
Since kasi nung tinanggihan ako ito. Hindi ko na siya nakakausap at nakakasama.
"Why are you here? Sinong dinalaw mo?" takang tanong niya saakin.
"a-"
Natigilan at napaisip ako, wala pala siyang alam sa pag panaw ng dad ko. Kaya naman napailing lang ako at ngumiti.
Tumango naman ito at tinulungan na lang ako. Pero narinig ko itong bumuntong hininga kaya napatingin ako sakanya.
"Yes?" tanong ko.
"hmmm... Sorry nga pala"
"For what?" kunyareng tanong ko.
Kahit alam ko naman talaga ang dahilan niya. I think, he say sorry dahil sa pagtanggi niya saakin. Hindi ito umimik at ngumiti lang.
"yung about ba sa pagtanggi mo saakin?"
"yeah. I'm really sorry."
Tuluyan akong humarap sakanya at ngumiti.
"No, it's ok." sagot ko.
At hindi ko mapigilang yumakap sakanya. Naramdaman kong nawindag ito pero napahalakhak lang ako. Kailangan kong ipakitang masaya ako lalo na't after ng concert ko aalis na ako papuntang U.S.
"Hedrick, Thank your for everything." sambit ko bago nag paalam sakanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/114901287-288-k225211.jpg)
BINABASA MO ANG
When A Man Fall In Love (Isabela Boy Series)
RomanceIf you Love someone you always fighting for. Dahil sa pag-ibig ay hindi handlang ang di' pagkapantay sa buhay. Dahil walang pangit na hindi nababagay sa gwapo't maganda. Kaya wala ring mahirap na hindi nababagay sa mayaman. At higit sa lahat hindi b...