Chapter 31

187 5 0
                                    

Nakaupo ako ngayon malapit sa kabaong ni dad. Patuloy na umiiyak at sinisi ang aking sarili.

Ako ang may kasalanan kung bakit nangyare to kay dad. Kung sana hindi ko pinairal ang galit ko. Kung sana nagawa kong basahin ang mensahe niya. Sana hindi humantong si daddy sa ganito.

I really hate myself, bakit ko ba kasi pinairal ang galit ko at hindi magawang buksan ang mensahe niya sa nagdaang buwan.

Hindi ko naman alam na ang mensaheng pinadala saakin ni dad. Ay ang kalagayan niya, Ang kalusugan niya. Ang paghingi niya ng tawad. But what the hell I'm doing in past days, week, and month.

Naisapan ko lang buksan ang mensahe niya ng nasa hospital na ito at malubha na ang kalagayan.

Laking gulat ko at nagsimula na akong sisihin ang sarili ko. Matapos kong basahin ang mga mensahe ni dad saakin.

-I'm sorry anak iniisip ko lang ang kalagayan mo. Sana naman maintindihan mo ako.

-Anak, dalawin mo naman ako dito sa hospital.

-Anak, malubha na ang kalagayan ko. Huwag mo namang pairalin ang galit mo saakin.

-Cassandra, Anak mahal na mahal ka ng daddy mo.

-I'm sorry anak, nalaman kong walang relasyon si Cyrus at ang babaeng kasama niya. Kasasabi lang saakin ng inutusan kong investigador. Sana mapatawad mo ako.

-Anak, ako na lang ang dadalaw sayo bago ako mamaalam. Mahal na mahal kita anak.

Matapos kong basahin iyon, humagulgol akong yumakap kay dad.
Pero huli na ang lahat ng maramdaman kong mahigpit na hinawakan ni dad ang kamay ko at pilit ibinigkas ang salitang "sorry" at tuluyan nawalan ng hininga si dad.

Kaya ng mawala si dad humingi ako ng pabor sa manager ko at sa mga naginterview saakin. Na kung maari, hindi lalabas sa media ang nangyare kay dad.

Ayaw ko kasi mangyare iyon, gusto kong igalang ang pagkawala ni dad at sumunod naman sila sa kagustohan ko.

Kararating rin ni mommy kaninang umaga. At nandito siya ngayon kasama kong nagluluksa.

Masakit para saakin ang mawalan ng ama. Lalo na't siya na lang ang natitira saakin. Feeling ko iniwan na ako ng lahat.

Mag mula kay Cyrus na hanggang ngayon hindi parin nagpapakita saakin. Na si mommy na nandito lang ngayon at bukas aalis na naman. At si daddy na ngayon namamahinga na.

Ang tanging nandito lang ngayon sa bahay ni dad si mom, ako at ang mga nagtratrabaho sa company niya.

Kinausap rin sila ng mommy ko na kung maari sila lang ang nakakaalam sa pag panaw ng ama ko.

Hindi ko rin magawang matulog o kumain sa nakalipas na dalawang araw. Dahil sa kakaiyak ko hindi ko nararamdaman ang gutom at antok.

"Anak, kumain ka na at matulog. Ako na muna ang bahala dito." bulong saakin ni mommy.

"No mom, I'm fine. Kaya ko pa naman at hindi rin po ako inaantok."

"Pero anak nangangayayat kana."

"Mom, kaya ko pa naman sarili ko." giit ko.

"Anak."

"Mom, please. Kung gusto niyo po, kayo na lang ang matulog at ako na bahala dito."

Napatingin ako kay mommy ng tumabi ito saakin at mahigpit akong niyakap.

Akala ko yayakapin lang ako ni mommy. Pero nagulat ako ng marinig na umiiyak ito at naramdaman ang pag patak ng luha niya sa leeg ko.

"Mom."

"Baby...pa-patawarin mo ako... Malaki ang pagkukulang ko sa iyo... Sorry anak kung wala ako sa tabi mo noong mga panahon na kailangan mo ako." patuloy na pag iyak ng mommy ko.

"No, mom its ok." tanging nasabi ko at niyakap siya.

Sana hindi na lang sila nagkahiwalay kay dad. Sana may kasama pa ako ngayon. Pero anong magagawa ko, ito ang nakatadhanang mangyare.

"Mom, paano na ang company?" tanong ko.

"Ikaw anak, ikaw ang mag manage doon."

"But mom, if ok to you. Kayo na lang po ang mag manage."

"Pero anak alam mo naman"

"Si tito po."

"what?" takang tanong saakin ni mommy.

Pilit akong ngumiti kay mom. Alam kasi nitong malayo ang loob ko sa asawa niya. Then, I'm here and to say my mom na ang asawa na lang nito ang mag manage.

"Don't worry mom... Pansamantala lang."

"No, baby. If you want  si Cyrus na lang. Atsaka asan ba yun?"

Napabaling ang attention ko sa kabaong ni dad at napailing.

"Hindi ko alam mom... Iniwan na ata ako. Parang si dad iniwan ako." naiiyak kong sambit.

Sa nagdaang araw puro ang laman ng bibig ko ay si dad. Ngayon lang nanaman sumagi sa isip ko si Cyrus ng tanungin ito ni mom. Unti-unti na kasi ako nawawalan ng pag asa na makita pa si Cyrus.

If he really love me, dapat nandito siya ngayon sa tabi ko at dinadamayan. Paano niya pala magagawa yun, galit si dad sakanya.

"by the way mom... Nextweek concert ko... I think, last na yun."

" what do you mean?"

"Mom, balik ka dito nextweek. after my concert sasama ako sayo sa U.S. Kakausapin ko rin ang manager ko after ng libing ni dad."

"anak? Ano bang pinagsasabi mo?"

"Mom, iniwan na ako ni dad... Pati rin siya... Si Cyrus. Iniwan na rin ako. Sa tingin niyo, kaya ko pa kaya magsimula. Mag leleave na ako mom."

"Anak, pinaghirapan mo ang career mong yan. Bakit ang dali-dali mong magbitaw ng salitang ganyan? Anak isipin mo pinaghirapan mo yun tapos bibitawan mo lang ng basta-basta. Ano bang nangyayare sayo? Napakababaw ng dahilan mo."

"hindi mo ako naiintindihan mom. Akala mo mababaw ang dahilan na yun, mahirap magsimula mom. Lalo na't nawala na ata lahat saakin."

"Hindi naman ako nawala say-"

"Kung tutuusin mom, matagal ka ng nawala saakin..."

Napatayo na ako at lumapit sa kabaong ni dad. Hindi ko na rin mapigilang umiyak.

Tama si mommy, pero ito na siguro ang tamang panahon para magsimula muli.

"I'm sorry dad... For everything. Mahal na mahal ko ang pagiging Artist Singer ko. Pero kung ito ang dahilan para makalimot sa mga nagyayare ngayon. Mag leleave ako, I know you proud me so much dad. But this time, mabibigo ko kayo. Mommy is Right, na bakit ang dali-dali para saakin bitawan ang career na to samantalang pinaghirapan ko to at ikaw ang naging kasama ko. Unang naging fan ko. But I'm really sorry dad for dissapointing you. I'm Sorry."

Patuloy ang pagbuhos ng luha ko at lumingon kay mommy na ngayon umiiyak na rin

"I'm sorry mom. My decision is final. At sorry dahil nasumbatan ko kayo."

When A Man Fall In Love (Isabela Boy Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon