Chapter 6

269 9 0
                                    

Cassandra's POV

Halos di ako makatulog kagabi dahil sa nangyare. Hiyang-hiya parin ako. Buti na lang hindi inilibas iyon sa TV.

Siguro nagsumbong na naman itong si Carlo kay Manager Legazpi at kinausap ang mga Reporter.

Buti na rin at dumating si Hedrick at talagang ako pa ang gusto niyang mag hatid sa Airport.

"Hoy! Cassandra gumising kana jan." rinig kong sigaw ni Carlo.

Inis akong nagtalukbong ng kumot. At hindi siya pinakinggan, psh. Gusto kong sulitin ang tulog ko ngayon. Dahil around to 7 PM may concert na naman ako sa Araneta.

Sunod-sunod talaga ang Schedule ko. Buti na lang sa susunod pa na linggo ang record ko. Makakapagpahinga rin ako kahit papaano.

Magdamag akong naka talukbong ng kumot. Ilang beses ko rin narinig ang pagkatok sa pintuan ko. Pero nagkunwari akong tulog.

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

Cyrus's POV

Napaupo ako sa sofa ng makita sa TV si Cassandra. Dinumog ito ng mga reporter. May mga  kasama rin siya, siguro manager niya.

Sayang hindi man lang ako makakapunta sa Concert niya. Kung kailan naman nakita ko na siya e.

Ok, lang bibili na lang ako ng bago niyang music album at mag-papasign na lang.

"Oh! Cyrus hanggang ngayon patay na patay ka parin kay Cassandra a."

Napalingon ako sa pintuan si Tita pala. Alam kasi nilang isa akong humahanga kay Cassandra.

Naku! Tita kung alam mo lang mas lalo akong patay na patay sakanya. Dahil first kiss ko siya. Pero hindi ko iyan sinabi.

Ngumiti ako. "Sayang nga po e. Wala akong pambiling ticket para sa Concert niya. Ang hirap pa lang talagang mag-hanap ng trabaho dito."

"Ah, gusto mo bang pumunta. Buti na lang binigyan ako ni Cassandra ng ticket-"

"Huh, pero bakit niya kayo binigyan. Kilala niya kayo tita?"

"Ano ka ba kaibigan kaya siya ni Hedrick. "

"ah, oo nga pala."

Lumapit saakin si tita at umupo sa tabi ko.

"mamayang 7 PM pa magsisimula. Magbihis kana, ibibigay ko na lang mamaya sayo. Kapag-nakabihis kana."

"thanks tita." masaya kong sambit.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Dahil siguro sa kasiyahang makikita ko rin sa personal na umawit ang apat na taon ko ng hinahangaan.

Mabilis akong nag-tungo sa banyo at naligo. Pagkatapos nagbihis ako ng grey longsleeve at fade jeans.

Humarap ako sa salamin at di ma iwasang mapatingin sa labi ko. Sa katunayan hindi itim ang labi ko. Pulang-pula nga ito e. Ewan ko ba kung bakit? Sinubukan ko ring ngumiti. Wala namang sira ang ngipin ko, kundi pantay pantay pa nga ito. Napatingin ako sa ilong ko, hindi ito pango, kundi maliiit ito at sobrang tangos. Aba hindi rin nagpapatalo ang mata kong may mahahaba pilik mata at makakapal na kilay. Ok! Ang gwapo ko pala kahit probrinsyano lang ako.
*smirk*

Tinapat ko ang kamay ko sa bunganga ko. At nagbuga ng hangin. Ok! Wala akong bad breath.

Pagbaba ko. Nakita ko si tita at tito sa sofa nakaupo. Habang naghahalikan.

"Ay milagro." kunwari akong nagulat sa nakita.

Bigla silang napaayos ng upo at tumingin saakin.

When A Man Fall In Love (Isabela Boy Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon