Author's
•Hi po sa mga nag-babasa. After you read per-chapter please vote and comment. Sorry po sa mga error typo/ wrong grammar.
-----------------------------------------------------------
"ano, paano mo nalamang ikaw yun? Nakita mo na rin ba yung litrato?" gulat kong tanong sakanya at umupo sa kabilang sofa.
"Hahaha, makareact to wagas. Ok feeling close na to ha, gusto ko lang sabihin sayo kung may nakarating man na litrato sayo tungkol kay Cyrus at sa kasama niyang babae. Gusto kong sana sabihing isa iyong pagkakamali."
"What, So means, ikaw nga yung babaeng nasa litrato?"
Tanging tango lang ang sagot niya.
Pero naguguluhan parin ako sakanya.
"Diba sabi mo kanina, may sinabi siya sayo bago umalis? Atsaka saan siya pumunta? Alam mo ba?"
"haist daming tanong." sambit nito.
Sabay dampot nito sa Cookies at kinain. At nakita ko itong napataas ng kilay saakin. Ang weird ng babaeng to.
"Si Cyrus gumawa nito no" namangha niyang sabi.
"Oo bakit?"
"Hay nako, In love nga ang isang yun."
Ang gulo niyang kausap."Ok, pwede ba daretsohin mo na ako. Hindi yung paliguy-ligoy ka pa." bakas sa inis kong sambit.
Natigilan naman ito at napasimsim ng juice.
"Sorry, kasi ganito yan... Lagi kami kasing lumalabas kay Cyrus kasama yung kapatid ko. At hindi naman naming inaasahan na kinukunan pala kaming tatlo ng litrato, patago. Last time, nakita yun ni Cyrus at sinundan niya. Pero hindi niya nasundan dahil sa bilis na pag takas ng lalaking kumukuha saamin ng litrato." mahaba niyang sinabi.
Ngayon medyo naliliwanagan na ako pero may gusto pa akong malaman sakanya. Kaya hinintay ko lang itong magsalita muli.
"Kaya lagi rin siya nandirito sa bahay mo. Kasi yung Condo Unit na binili niya ay binigay niya saakin." nahihiya niyang sinabi.
Kaya ba? Kaya ba ayaw niya akong papuntahin sa Condo Unit niya.
"ganun ba?"
Tumango naman siya at muli itong napainom ng juice at kumuha ng cookies.
"But wait, di ba sabi mo may sinabi si Cyrus sayo bago umalis? Atsaka pwede bang sabihin mo saakin kung saan siya pumunta?" tanong ko kasabay ng pagkabuga niya ng juice.
Agaran akong lumapit sakanya at hinaplos ang likod niya.
"ok ka lang ba?"pag aalala kong tanong.
"Ah, e, oo." sagot niya.
"So, ano nga yung sinabi sayo ni Cyrus?" muli kong tanong.
"ano,.., a, e, sabi niya mahal na mahal ka niya. Yun lang." nauutal niyang sinabi.
"Ano, yun lang? E nasaan siya?"
Napatayo ito at hinawakan ako sa braso. Bakit parang may iba akong naramdaman. Sa pag haghawak niya saakin.
"Cassandra, mahal na mahal ka ng kaibigan ko. Lahat ng sinabi niya noon sayo totoo lahat ng iyon. Yung pagiging loyal fan niya sayo, totoo iyon. At yung pag-alis niya ngayon, ginawa niya iyon para sayo. Yung nakita mong litrato wala yun, ok. Ako na mismo ang nagsasabi sayo, basta sa ngayon huwag mo pabayaan ang career mo. At ituon mo muna ang attention mo sa trabaho mo. Huwag mo munang isipin si Cyrus sa ngayon. Dahil maaapektuhan ang career mo. Ayaw niya mangyare yun sayo." sabi nito.
Ano? Naguguluhan ako sakanya. Bakit ba kasi hindi niya ako deretsohin?
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko sakanya.
"A-"
Natigilan to ng tumunog ang Cellphone niya.
"Ah, sorry. Kailangan ko ng umalis. May pupuntahan pa kasi ako" at hindi mapakali itong nag paalam saakin.
Ano? Ang gulo niya. Pero sa oras na ito hindi na rin ako mapakali.
Bakit parang merong hindi maganadang nangyare kay Cyrus.
Kinabukasan, maaga akong nagising gaya ng dati napapatingin na naman ako sa Cellpbone ko kung may mensahe ba si Cyrus saakin. Pero wala.
Sinubukan ko ring tumawag pero walang sumasagot. Kaya naman napagdesisyonan kong puntahan si tita Grace. Baka matulungan niya ako o di kaya baka nandun si Cyrus.
Agaran akong nagayos sa sarili ko at bumaba. Hindi na rin ako kumain, dahil sa kagustohan kong makita si Cyrus o malaman kung nasaan siya. Hindi ko maipagkaila sa sarili kong miss na miss ko na si Cyrus.
And now I realize, I can't live without him. Paano kung wala siya doon, paano kung hindi ko na siya makikita. Kaya ko pa kayang mabuhay at magsimula.
Napahaplos ako sa pisngi ko ng maramdaman kong tumutulo na pala ang luha ko. Iniisip ko pa lang ang mangyayare nahihirapan na ako. Naiiyak na ako at nabalot ng lungkot at takot.
Bumuntong hininga ako at muling hinaplos ang pisngi ko. Bago bumaba sa sasakyan ko.
Pag pindot ko pa lang ng doorbell. Agad bumukas ang gate at bumungad saakin ang isang lalaking magulo ang buhok. Napatitig pa ako dito at ngayon ko lang narealize si Hedrick pala ito.
"He-Hedrick?"
Nakita kong nanlaki ang mata nitong napatingin saakin at nakita ko ang gulat sa aura niya.
"Cassandra, ikaw pala yan?" sabay hawak nito saakin at pinapasok sa loob.
"Kailan ka umuwi?" takang tanong ko.
"Hmmm... Last night. Then, why are you here?" takang tanong rin nito saakin.
"Si C-Cyrus kasi..." alanganin kong sinabi.
Nag-iba ang expresyon nito at panaglitan siyang nagpaalam saakin.
Inilibot ko pa ang paningin ko sa bahay nila. Wala paring pinagbago. At pansin ko ring parang wala sila tita Grace at tito Nicolas dito.
"Si Cyrus ba? Wala naman siya dito. Here, mag miryenda ka muna" sabay latag niya sa miryenda sa munting table.
"hmm,., ganun ba?" bakas sa boses ko ang lungkot.
Akala ko pa naman nandito siya. Pero wala pala.
"Why?" tanong niya saakin.
Bumuntong hininga ako at kinwento sakanya ang nangyare. Hindi ko na rin mapigilang umiyak sa harap niya. Nag aalala na ako kay Cyrus, sana naman walang masamang nangyare sa kanya.
Mahigpit ako niyakap ni Hedrick at mas lalo akong naiyak. Lalo na't si Hedrick ang nakayakap saakin ngayon. Mas lalo ko lang namimiss si Cyrus.
"Don't worry, babalikan ka rin niya. Mag hintay ka lang sakanya. Gaya niya, apat na taon siyang nangarap at naghintay ng tamang panahon. Para makita ka sa personal. Believe me, tumutupad ng pangako si Cyrus. So, ngayon ituon mo muna ang attention mo sa career mo. Ok" mahabang sinabi niya to.
Bakit parang pareho sila ng sinabi ng kaibigan ni Cyrus saakin. Sa huling linya nito.
"Thank you, Hedrick." tanging nasabi ko bago siya tinalikuran.
"Mahal na mahal ka ni Cyrus, Cassandra." pahabol nito saakin.
BINABASA MO ANG
When A Man Fall In Love (Isabela Boy Series)
RomanceIf you Love someone you always fighting for. Dahil sa pag-ibig ay hindi handlang ang di' pagkapantay sa buhay. Dahil walang pangit na hindi nababagay sa gwapo't maganda. Kaya wala ring mahirap na hindi nababagay sa mayaman. At higit sa lahat hindi b...