Author's
Sorry po sa mga wrong typo and wrong grammar.
After you read per-chapter please vote and comment.
Thank you!!!
-----------------------------------------------------------
Nandito ako ngayon sa loob ng Van kasama ang aking make-up artist na si Carlo. Na haggang ngayon hindi parin umiimik ito since ng malaman niyang magleleave na ako sa Showbiz. Pagkarating ko palang sa office ng manager ko galing sa puntod ni dad. Kinausap ko na ang mga ito na magleleave ako. Sa una hindi pumayag ang manager ko at sinabi pa nitong "Hindi ka ba nanghihinayang Cassandra? Ano bang maari kong gawin para mag bago ang plano mo?" tanong niya saakin. Pero buo na ang desisyon ko at di na magbabago iyon.
"Andito na po tayo." sambit ng driver.
Napatingin ako sa labas, nandito na nga kami sa tapat ng Araneta.
Bago man lang ako lumabas lumingon ako kay Carlo panaglitan. Pero di ako nito pinansin at nauna pang bumaba saakin. Pilit na lang akong ngumiti at bumaba na rin.
Pagkababa ko palang ng Van bumungad saakin ang mga flash ng camera.
Ngumiti ako sa mga tao at kumaway sakanila. May mga naririnig pa akong naghihiyawan at tangkang lalapit saakin. Pero pinipigilan sila ng mga bodyguard.
Kumaway pa ako minsan. Bago tuluyang pumasok sa loob ng Araneta.
Nang makapasok ako sa isang silid. Nadatnang kong nakaupo ang manager ko at ng makita ako nito napatayo siyang lumapit saakin."Good Luck Cassandra." ngiting sambit nito at niyakap ako.
"Thank You po."
"Oh! Siya punta ka na sa stage. Marami ng naghihintay sayo doon." bulong niya saakin.
Napangiti akong humiwalay sa manager ko. Kahit alam kong bakas ang lungkot sa boses niya. Kahit nakangiti siya sa oras na ito kita ko parin ang lungkot sa mata nito.
Ngunit sana ang ngiting ipinapakita niya saakin ngayon ay hindi sana maglalaho after this my last concert. Ayaw kong iwan ang manager ko na malungkot. Lalo na't naging parte sila ng buhay ko. Especially to my manager and my make-up artist.
"Thank you po sa lahat manager." muli kong sambit bago umalis sa silid.
"Once again, good evening everyone. Tonight is Cassandra Reyes concert here in Araneta Colosseum."
At tuluyan na akong lumabas sa stage. Bumungad naman saakin ang mga naghihiyawang tao.
"Hello everyone." ngiting sambit ko.
"HI CASSANDRA REYES WE LOVE YOU." sigawan nila.
"Mahal ko din kayo." ngiting sabi ko.
And tonight, Pinipigilan kong maging emotional sa harap ng maraming tao. Dahil ang akala ko tuluyan akong malalaos na singer. Pero hindi pala, may mga tao rin palang umiitindi sa sitwasyon ko ngayon. Pinipigilan ko maging emotional lalo na't aalis ako ngayong gabi. Kailangan itong huling concert ko iiwan ko silang masaya at hindi malungkot.
"Guys, before I will start my concert tonight. I would like to say na Thank you sa lahat ng suporta niyo saakin. Wala ako ngayon dito kung wala kayong mga tagahanga ko. Lalong- lalo na hindi ako magiging isang matagumpay na singer. If without you guys, thank you talaga ng marami sa inyo..." nakangiting sambit ko.
Bumuntong hininga ako at muling nagsalita.
"But, I would like to tell na tonight is my... last concert" sambit ko.
BINABASA MO ANG
When A Man Fall In Love (Isabela Boy Series)
RomansaIf you Love someone you always fighting for. Dahil sa pag-ibig ay hindi handlang ang di' pagkapantay sa buhay. Dahil walang pangit na hindi nababagay sa gwapo't maganda. Kaya wala ring mahirap na hindi nababagay sa mayaman. At higit sa lahat hindi b...