Cyrus's POVNang makauwi ako sa gabing iyon, tinanong ako ni tita Grace. Kung bakit daw ngiting-ngiti ako.
"Cyrus, may maganda bang nangyare sayo kanina? Bakit ngiting-ngiti ka"
"hmmm..." kunware akong nag-isip.
Kaya naman natawa si tita sa ginawa ko. At tinampal ako nito sa balikat.
"huwag mong sabihing nakita mo kanina si Cassandra?"
"hmm... Parang ganun na nga?"
Natawa na lang si tita sa sagot ko.
*-*-*-*-*-*-*-*-*-*
Cassandra's POV
Pilit akong bumangon ng marinig ko ang pagkatok mula sa pintuan ko.
Tumayo ako at pinihit ang doorknob. Si manang lang pala. May dala itong tray.
"Ihja, tanghali na. Wala ka bang trabaho ngayon?" tanong niya.
Sabay pasok at inilapag sa desk ang tray.
Napailing lang ako atsaka agarang pumasok sa banyo ko. Napatingin ako sa mukha ko, bago naghilamos at nag toothbrush.
Ilang araw na rin ang nakalipas matapos ang kaarawan ko. Pero hindi parin talaga matanggal sa isip ko. Yung lalaking nakausap ko sa gabing iyon.
Bakit feeling ko. Laging nagko-cross ang landas namin dalawa. Ok, umayos ka Sandra tatlong beses pa lang iyon.
Matapos kong kinain ang breakfast na dinala ni manang sa kwarto ko.
Naligo ako at nagbihis ng simple. Kasi wala naman akong sched. ngayon. Kaya naman naisipan kong pumunta ng guestroom at inisa-isa kong binuksan ang mga regalo nila saakin.
Malay ko lang, baka nung gabing iyon. May nilapag na regalo si Cyrus.
Puro heels, shoulder bag, lipstick at iba pang mga accessories ang binigay saakin na regalo.
Hay wala bang bago... Hahaha nagreklamo pa ang lolay niyo.
Lahat na nabuksan ko. Pero may isa pa pala. Kinuha ko ito at hinawakan. Bigla tuloy ako na excite na buksan to, ano kaya laman nito?
Pero bago ko iyon binuksan may nakalagay sa card nitong. From: Cyrus L. Sabi na nga ba e. Agaran ko itong binuksan at bigla akong napalumbaba.
Ang pinakaayaw ko kasi sa lahat yung regaluhan ako ng damit. Haist naman e.
Pero kinumbinsi ko ang sarili kong tignan kung ano ang disenyo nito. Pero nanlaki ang mata ko as in ng makita ang harap ng damit at nabasa ang saying na...
"Big people don't make people feel small."
Parang nakita ko na ito a.
Agaran kong kinuha ang cp ko. At binuksan ang aking photo gallery. Laking gulat ko ng makita at narealize na siya nga.
Siya yung lalaking nakunan ko ang likod niya sa mall. Habang kinukunan ng litrato ang damit na ito. So, siya pala yun. Small world nga naman.
Lahat ata ng regalong binuksan ko yung pinakaayaw ko ang kinuha ko. Dahil galing ito kay Cyrus. Haha weird.
"hey, how are you?" tanong saakin ni hedrick.
Kausap ko siya ngayon sa Skype. Bigla na lang kasi itong tumawag at talagang ngayon lang ha.
"o, buti at naisipan mo pang mangumusta" natatawa kong pahayag.
"psh. Malay ko bang busy. Atsaka belated happy birthday nga pala. Pag-uwi ko na lang yung regalo" ngisi nito.

BINABASA MO ANG
When A Man Fall In Love (Isabela Boy Series)
RomansaIf you Love someone you always fighting for. Dahil sa pag-ibig ay hindi handlang ang di' pagkapantay sa buhay. Dahil walang pangit na hindi nababagay sa gwapo't maganda. Kaya wala ring mahirap na hindi nababagay sa mayaman. At higit sa lahat hindi b...