Chapter 36

184 7 1
                                    

Nang makababa ako ng Airplane. May sumalubong saakin isang lalakeng hindi ko na kilala. Pero nakaproper attire ito at may nakasunod rin sakanyang babae.

"Hello Miss Reyes, Welcome back. I'm Caloy Rodriguez, remember. And this is my Secretary Ellen Uy." nakangiting sambit nito.

Hmmm... Si Caloy pala... Naalala ko na siya yung sinasabi ni mommy na kanang kamay ni dad. Na siyang pinagkatiwalaan ni mom sa Company.

"Hellow ma'am." nakangiting sambit ni Ellen saakin at inilahad ang kamay niya saakin.

"Hmmm... Hi." at nakipagkamayan sakanya.

She's pretty at nababagay sakanya ang formal nakasootan niya. Dahil rin sa tamang tangkad nito.

"Shall we go." sabay nilang sabi at sila na rin mismo ang kumuha sa mga bagahe ko.

Taas noo naman akong sumunod sakanila hanggang sa makarating kami kung saan nakaparking ang sasakyang dala nila.

"Caloy, ihatid niyo muna ako sa bahay ko. Kailangan ko munang magpahinga ngayon. Then, tomorrow lets talked about the company. Ok" saad ko sakanila.

"Ok, Miss Reyes."

Tumango naman ako at napatingin kay Ellen na ngayon nakatuon lang ang attention sa labas.

"Ellen, matagal kana ba sa Company ni dad?" tanong ko.

Dahilan ng mapalingon ito saakin at namumula. Namumula? Napakunot ang noo ako sakanya at mas lalo pa itong namula at umiwas ng tingin saakin.

"Hey, are you ok? May sakit ka ba? Why are you blushing?" sunod-sunod kong tanong.

Why are you blushing?

Wait, napailing ako sa katanungan ko ng maalala ko si Cyrus sa tanong iyon at napalunok pa ako. Shit. Namiss ko siya.

"Hindi kasi siya makapaniwalang ikaw si Cassandra Reyes." rinig kong sabi ni Caloy at napahalakhak pa ito.

Kaya naman napalingon muli ako kay Ellen na ngayon nahihiyang tumango at ngumiti saakin.

"Ellen, Don't be shy. Act like we know each other. Ok." ngiting sambit ko.

"I'm sorry m-ma'am"

"So, I'm asking na matagal kana ba sa Company ni dad?" muling tanong ko.

"hmmm.... Actually ma'am nung nakaraang taon lang ako kinuha ni Sir Caloy na secretary e." sagot nito.

Napatango naman ako  at napabaling sa labas ng makitang nasa tapat na pala kami ng bahay ko.

" hmmm. Ok" sambit ko

Bago tuluyang bumaba at napangiti ng makita ang bahay ko.

Ibinaba na rin ni Caloy ang mga gamit ko sa sasakyan. Kaya naman agaran kong binuksan ang gate at inutusan itong tulungan akong ilagay sa loob ang mga gamit ko.

Hooo... I missed my house. Pumasok ako sa loob at nakita kong malinis ito. Hmmm... Sabagay nung iniwan ko ito nalinisan lahat pero sa labas paniguradong maglilinis ako.

"Miss Reyes, mauna na kami. Kita na lang po tayo bukas sa Company." pormal nitong sinabi.

"Ok, thank you. See you tomorrow." nakangiting sabi ko at kumaway pa.

Nang tuluyan itong umalis. Hindi na ako nakapagpigil umakyat sa taas at pumasok sa kwarto ko.

"Hay." sabay lumundag pahiga sa kama ko.

Oh, namiss ko tong mga to.

Ngiting ngiti akong napatitig sa kisame. Pag-magkikita kami ngayon ni Cyrus yayakapin ko talaga siya at sasabihing ...

When A Man Fall In Love (Isabela Boy Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon