Chapter 9

213 8 0
                                    

First-time kong dumalo sa isang ingrandeng handaan. Kung may mga pinupuntahan man ako noon, isa lang iyong simple.

Kinakabahan ako kahit nandito pa lang ako sa loob ng sasakyan ni tito Nicolas.

Pinark na ni tito ang kanyang sasakyan. Halos diko naramdam na nandito na kami. Kasi nakatuon lang ang attention ko sa hawak-hawak kong regalo.

Sigurado ito ang pinakamurang regalo ang matatanggap niya ngayong gabi.

"Iho, bumaba kana." nakangising sambit ni tita.

"Susunod na lang po ako... Kinakabahan kasi ako tita."

"Nako, Cyrus... Sa gwapo mong yan, kinakabahan ka."

"tita naman e. Huwag kayo magbiro ng ganyan."

"Ay, bahala ka. Basta ako nagsasabi ng totoo. " ngiti ni tita.

Ngumiti lang ako.

"kung mamaya ka pa lalabas jan sa loob ng sasakyan. Sige mauna na kami, kita na lang tayo sa loob."

"ok po."

Tumalikod na sila habang magkahawak ang kamay. Haist... E di sila na. Haha

Muli akong napatingin sa regalo ko. Nako, huwag ko na ata ito ibigay.

Ilang minuto ata akong napatitig dito. Bago naisipang lumabas at muling inayos ang sarili ko.

Napatingin pa saakin ang isang babae at nginitian ako nito. Kaya naman sinuklian ko rin ito ng ngiti.

Pero napataas ako ng kilay ng lumapit ito saakin.

"H-hi" namumulang sambit nito.

"hmm, hello"

"hmmm, My name is Xia. You?"

"Cyrus" simpleng sagot ko.

"Firstime kitang nakita dito. New friend of Cassandra?"

Umiling ako at ngumiti.

"Oww, see. Tara sa loob, late na kasi ako nakarating. Buti na lang nakita kita. Kaya may kasama na akong papasok." sabay hawak nito sa siko ko.

Sumunod na lang ako sakanya.

Pag-pasok namin, bumungad saamin ang malakas na music at nagsasayawang mga sosyal na tao with usok-usok pa bes.

Biglang humiwalay saakin si Xia at nakipagsayawan. Nakita ko pa itong kinuha ang isang basong may lamang alak at nilagok. Tibay?!

Umalis ako doon at tumungo sa mga lagyanan ng regalo. Lihim kong nilapag ang regalo ko, kasi nahihiya talaga ako. Lalo na't nakita kong malalaki at mahahaba ang mga balot ng regalo.

"hi"

Napaayos ako at napatayo ng tuwid bago lumingon.

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

Cassandra's POV

Bawat madaanan kong tao binabati ako. May mga celebrity, mga ninang,ninong ko at mga dating kaibigan ko ang mga narito.

Nakasunod lang naman saakin si Carlo habang nagdadada.

"Happy birthday Cassadra." bati saakin ng isang negosyante at nakipagkamayan.

"Thank you, thank you for coming." ngiti ko.

"Hi, ayun si Shaina oh" sambit ni Carlos sabay turo sa baba.

Parang bigla nawala ang ngiti sa labi ko. Nang mapansin ang mga tao na narito.

"Bakit parang patay naman ata ang pinunta ng mga guest dito?" takang tanong ko kay Carlo.

When A Man Fall In Love (Isabela Boy Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon