Chapter 29

186 6 0
                                    

Third Person's POV

Habang nagaayos ang dalawang magkapatid na  si Rachell at ang bunsong kapatid niya. Bigla silang natigilan ng mag-ring ang Cellphone ni Rachell. Agaran naman itong napaupo sa sofa at sinagot ang tawag.

"Hellow." sagot nito.

"Ra-Rachell ang kaibigan m-mong si C-Cyrus naaksidente." nauutal na sagot sa kabilang linya.

Dahil sa sobrang gulat at hindi makapaniwala sakanyang narinig.
Bigla itong napabitaw sa hawak niyang Cellphone.

"ate, ate ayos ka lang ba?" tanong ng bunsong kapatid niya.

Hindi na rin nito mapigilan ang umiyak. At dali-daling nagayos para puntahan ang kaibigan niya. Nagawa niya ring tawagan ang tumawag sakanya para tanungin kung saang hospital dinala ang kaibigan niya.

Nang malaman nito kung saang hospital dinala ang kaibigan niya. Agaran siyang gumalaw at pinuntahan ito.

Nang makarating siya sa hospital nagtanong pa ito sa mga nurse. Kung saan ang kaibigan niya, sinabi ng mga ito na nasa E.R at malubha ang kalagayan.

Hindi niya alam kung ano ang unang gagawin niya.

Ang puntahan ba ang kaibigan niya at kumustahin ang kalagayan? O ang tawagan ang pamilya nito upang iparating ang nangyare. Pero naisip rin nitong ...

Hindi pwede, baka may masamang magyare kay uncle Cedrick.

Kaya ang ginawa nito pinuntahan na lamang ang kaibigan niya.

Nagdadalawang isip rin itong pumasok sa loob ng makarating siya sa tapat ng pintuan kung saan nasa loob ang kaibigan niya.

Hawak-hawak na nito ang pihitan at hindi na ito napigilang buksan ang pintuan.

Bumungad sakanya ang nakahigang lalaking sa kama ng hospital. Natalian rin ang ulo nito ng puting benda at maraming sugat sa mukha at katawan.

Lumapit ito at hindi napigalang humagulgol.

"Cyrus, anong nangyare sayo?"

Halos hindi makapaniwala sakanyang nakikita.

And she realize hindi lang pala siya ang nasa loob ng hospital. Kundi merong magasawang  nakaupo malapit sa pintuan.

Lumapit ang mga ito sakanya.

"I-Ikaw ba si R-Rachell, ang kaibigan ni Cy-Cyrus?" naiiyak na rin ito.

"Opo, ako po."

Nagulat ito ng yumakap sakanya ang babae at muling nagsalita.

"Mangako kang huwag mong sasabihin kay Cassandra ang nangyare sakanya." patuloy na pagiyak nito.

"Pero, may karapatan po si Cassandra na malaman ang nangyare sa kaibigan ko." sagot nito.

"halika dito... At ikaw nicolas, doon ka muna lumabas." sambit nito at tumango naman ang kanyang kasama.

"Ihja, ako ang tita ni Cyrus. Ako si Grace at yung pinalabas ko kanina asawa ko yun si Nicolas. Gusto ko sanang sabihin sayo at mangako ka saakin na huwag mong sasabihin kay Cassandra ang nangyare sa pamangkin ko ngayon. Huwag mo na rin iparating kay kuya Cedrick. Ayaw kong mag alala siya. Yun rin ang huling sinabi saakin ni Cyrus." mahabang sinabi nito.

"Pero mas masasaktan naman po kung hindi malaman ni Cassandra ang nangyare. Lalo na ngayon, nag aalala na iyon."

"Ihja, mas masasaktan siya pag nakitang ganyan ang ityura niya."

"ano po bang nangyare sakanya?"

"hindi ko rin alam, bigla na lang may tumawag saakin kanina at sinabing nandito si Cyrus at malubha ang kalagayan. Nang makarating kami dito, kita ko pang ok pa siya at kinausap ako. Sinabi nitong huwag sabihin kay Cassandra ang nangyare. At may sinabi siya tungkol sa litrato na huwag paniwalaan ni Cassandra. Hindi ko na naiintindihan yun. Kasi nanghihina na siya." mahabang paliwanag nito.

Napaisip rin si Rachell tungkol sa litrato at ng naalala rin nito ang nangyare sa mall noon.

Tama, naalala ko na kinunan nga kami ng litrato noon, patago at ng makita iyon ni Cyrus, hinabol niya pero hindi niya nasundan. Pero anong koneksyon nun?

Naguguluhang tanong ni Rachell sa sarili niya.

"Ihja, kung maari gawa kayo ng paraan para hindi mag alala si Cassandra. Please." pagmamakaawa nito.

"P-Pero kasi po?"

"Please"

Kaya wala na rin nagawa si Rachell kundi sundin ang kagustohan ng tita ni Cyrus.

Gumawa rin ito ng plano para makausap si Cassandra.

Kaya namang nang makapunta ito sa bahay ni Cassandra. Nabalot man siya ng kaba, pinagpatuloy parin nitong makausap at makumbinsi si Cassandra.

Kahit hindi siya sure kung nakita na nga ba si Cassandra ang litrato. Yun agaran ang lumabas sa bunganga niya. Ang tungkol sa litrato.

Matapos ang plano niyang makausap si Cassandra. Lagi na itong nasa hospital at binabantayan ang kaibigan niya.

"Hoy, gumising kana jan. Alam mo ba ng pagbuksan ako ni Cassandra. ng gate. Bumungad saakin ang singkit niyang mata at busog sa kakaiyak."  sabi nito.

Nagawa rin nitong magkwento kay Cyrus. Kahit wala naman talagang naririnig ang kaibigan niya dahil tulog parin ito at hindi pa nagigising.

Nagawa rin nilang kausapin ang mga nurse at doctor na huwag iparating sa media ang trahedyang nangyare kay Cyrus.

Nakausap na rin nila ang manger nito at dumalaw pa ito sa hospital para makita si Cyrus.

Nagkaroon rin ng Private room si Cyrus at tanging kaibigan at kamaganak niya lang ang maaring pumasok sa P.R.

-----------------------------------------------------------

Cassandra's POV

After 1 month...

Wala akong ginawa kundi ang mag kulong dito sa bahay. Lalabas lang ako if I have schedule. Pagkatapos uuwi ng bahay.  Ganun ang ikot ng mundo ko sa loob ng isang buwan.

Nakakatanggap rin ako ng mensahe galing sa manager ko, kay mom, kay Carlo, kay Hedrick and kay dad.

Pero never kong binuksan ang mensahe ni dad. Hindi ko maipagkailang  kinamumuhian ko si dad. Pumasok rin saisip ko  na kaya siguro iniwan siya ni mommy. Dahil sa kagagawan rin niya.

I'm not really hate him. Kasi daddy ko parin iyon. Pero hindi parin maalis saakin ang galit sakanya.

Dahil sakanya wala ngayon dito sa tabi ko si Cyrus. Wala ngayon sa tabi ang lalaking mahal na mahal ako.

Wala rin akong idea kung saang lupalop pumunta si Cyrus. Hindi kaya umuwi ito sa probinsya? Yan naman lagi ang pumapasok sa isip ko.

And the next day, nakatanggap na naman ako ng mensahe galing sa manager ko.

May bago na naman akong project at kasama ko si Hedrick sa project na iyon.

Nagkaroon rin nangparty para sa pagbalik ni Hedrick dito sa pinas. Pero hindi ko rin nagawang pumunta sa party na iyon.

 

Nangako rin ako  sa sarili ko nakapagwala parin si Cyrus o hindi pa ito magpapakita saakin ngayong buwan nato. Ititigil ko na ang pagiging Singer Artist ko.

Yeah, nawawalan na rin kasi ako ng gana, mula ng mawala sa tabi ko si Cyrus. 

Marami ring nagtatanong saakin kung bakit di ko kasama si Cyrus sa mga nagdaang araw.

Kung bakit wala na silang nakikitang Cyrus.

Nagawa ko ring nagtanong sa manager niya. Ang tanging sagot lang saakin ay hindi daw nila alam. Dapat ako daw ang nakakaalam dahil ako lagi ang kasama niya.

May mga nagbabash na rin saakin, isa silang mga tagahanga ni Cyrus. Binibigyan kasi nila ng malisya ang samahan namin kay Hedrick. Ang hindi nila alam we're partner again. Partner lang yun?

Nakakarinig na rin ako sa paligid ko ng malandi.

And the words "malandi". Hay  kung  sana nandito si Cyrus. Meron sana akong tagapagtanggol.

"Cyrus, asan ka na ba?"

When A Man Fall In Love (Isabela Boy Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon