Chapter 41

201 4 2
                                    

"ANONG IBIG SABIHIN NITO." bulyaw nito saakin.

Hindi ako kumibo kundi umiwas ako ng tingin sakanya ng makita ang papel na hawak niya. Yung letter na kasama ng USB.

"Magkano ang ibinayad ng tatay mo sa taong to? Para magawang isiwalat ang mga litrato namin ni Rachell sa media." malamig nitong tano.

Hindi ako sumagot sa tanong niya at napayuko dahil umaagos na ang luha ko.

"Ano sumagot ka Cassandra."

"b-bakit... mo tinatanong saakin yan?" pabulong kong sabi.

At buong pwersa kong tinaggal ang pagkahawak nito sa siko ko. Nang matanggal ko iyon. Agaran akong pumasok sa loob ng kwarto at sinundan ako nito at pabalibag na isinara ang pintuan.

"Cyrus, sabihin mo saakin. Ikaw ba ang dahilan kung bakit bumagsak ang Company ni daddy?"  mahina kong sinabi.

Kung eto na ang oras para malaman ang lahat. Handa akong tanggapin kung ano man ang malalaman ko sakanya.

"Eh, ano naman ngayon kung ako nga." ngisi nito saakin.

"B-Bakit?" nanghihina kong sinabi at napaupo sa kama.

"Bakit gusto mo pa bang malaman ang dahilan?" tanong niya.

"Alam mo ...Cyrus sana pala ...hindi na lang kita... nakilala. Ang sama mo,... bakit ano bang kasalanan ng daddy ko sayo... Bakit kailangan mong pabagsakin ang Company niya? At eto ako ngayon... Pinirmahan ang kontrata at humingi ng tulong sayo para sa Company. Tapos ikaw rin pala ang dahilan kung bakit bumagsak yun." sigaw ko.

Pero hindi ko magawang tumayo kundi tumingala lang ako sakanya habang umiiyak.

"Dahil gusto ko lang ipamukha sainyo. Na kaming mahihirap ay hindi nanggagamit sa mga mayayamang kagaya niyo." sabi nito.

Napatayo ako at hindi ko napigilan ang sarili kong sampalin siya.

"Naghihiganti ka Cyrus. Alam mo masaya na sana ako dahil ang taas-taas mo na.  Pero kinamumuhian kita, dahil tumataas ka sa pamamagitan ng  paghihiganti. " duro ko sakanya.

Hinawakan ako nito at inilapit sakanya. Kita ang galit at poot nito sakanyang mata. Na ang dating Cyrus na kilala ko ay naglaho na nangtuluyan.

"Naguumpisa pa lang ako Cassandra. Titigil lang ako sa mga plano ko kung magpapakita saakin ang daddy mo." bulong nito sa tenga ko.

Dahilan para tuluyan akong madurog at nanghina.

Gusto kong sabihin sakanya ang totoo pero dahil sa sinabi niya.  Hindi ko magawang magsalita. Paano ko sasabihin ngayon sakanya ang tungkol kay daddy. Kung eto naman ang maririnig ko sakanya.

Itunulak ko ito kahit na nanghihina ako.

"H-Huwag.. Ka ng umasang makita mo pa ang d-daddy ko... Kaya tigilan mo na ang mga plano mo." mahina kong sinabi at tumingin sakanyang mata.

"At bakit ko naman gagawin iyon?" ngisi nito.

"DAHIL PATAY NA SIYA. PATAY NA SIYA CYRUS. MASAYA KA NA." bulyaw ko dito at humagulhol sa harap niya.

Napatakip na rin ako sa mata ko gamit ang dalawa kong kamay.

"Sa ... Loob ng tatlong taon... Wala akong ginawa kundi... Sisihin ang sarili ko.. Dahil sa pagkawala ni daddy... Nagalit ako sakanya dahil sa mga litratong pinakita niya saakin... Dahil sa sobrang galit ko ... hindi ko magawang buksan ang mga mensahe niya saakin... Kaya ayun Cyrus patay na siya. Masaya ka na"

Patuloy akong umiiyak.

"A-Ano?" mahina nitong tanong.

Subalit napaupo na lang ako sa kama. Dahil nakaramdaman ko ang pagod sa kakaiyak. Humiga na lang ako at hindi ito pinansin. Nagawa ko pang magtalukbong at patuloy na umiiyak.

When A Man Fall In Love (Isabela Boy Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon