Chapter 23

177 6 0
                                    

Author's

•Hi po sa mga nag-babasa. After you read per-chapter please vote and comment. Sorry po sa mga error typo/ wrong grammar.
•Pa-follow rin po at pa-like ng page ko sa facebook.

https://www.facebook.com/BLACKNIKXX/

Thank You. :)

-----------------------------------------------------------

So ayun nga ang nangyare sa pagsasama namin kay Cyrus. Gaya ng sabi ko kailangan namin ng tiwala sa isa't isa.

Buwan na rin ang nakalipas at mas lalo akong naging kampante kay Cyrus. Wala akong masabi sakanya, bukod sa marespeto siya saakin hindi rin siya nawalan ng time para saakin. Kahit na busy na kami araw-araw lalo na't pareho na kaming sumisikat.

Yup, sumikat na nga siya bilang isang modelo. I'm glad for him and also I'm proud. Gaya ng sabi ko kahit busy kami sa isa't-isa. Hindi parin kami nawawalan ng oras para sa pagsasama namin.

Lalo ko pang nakilala ng lubusan si Cyrus sa loob ng makalipas na buwan na ito. Isa lang ang masasabi ko sakanya, He is gentleman.

Sa bawat hakbang na ginagawa niya isa lang rin ang masasabi ko. Mas lalo akong nababaliw sakanya. Sa bawat surpresa niya, mas lalo akong nahuhulog sakanya. I really Love him.

Gaya ngayon nandito kami sa loob ng bahay ko at ako nakaupo sa sofa habang siya nakapatong ang ulo niya sa kandungan ko. Katatapos lang kasi ng Signing niya, at ako naman katatapos ng new project ko.

Pero may mga bagay talagang hindi ko maiwasang pagdudahan si  Cyrus. Kasi naman never niya pa akong dinala sa Condo Unit niya. Ilang beses ko na rin siyang sinabihan na gusto kong pumunta sa Condo niya. Pero wala e, yun parin ang rason niya. Di kaya may tinatago siya saakin. Oh my god Cass kasasabi mo lang na kailangan niyo ng tiwala tapos ikaw pa ngayon ang may ganang magduda.

"Are you ok?" sabi niya.

Napayuko akong tumingin sakanya at hinawakan lang ang pisngi niya.

"Hmmm,.,"

Bigla siyang umupo at tumabi saakin at niyakap ako nito ng mahigpit.

"Cyrus, kailan mo ba ako dadalhin sa Condo Unit mo?" pabulong kong tanong.

"Kapag-handa kana." halakhak niya.

Pero di ko man lang magawang sabayan ang pabiro niya.

"Seryoso ako, kasi kaming mga babae hindi naming maiwasang pagdudahan ang mga lalake. Gaya ngayon Cyrus, ilang beses kong sinabi sayo na gusto kong pumunta sa Condo mo. Pero ang dami mong dahilan. May tinatago ka ba saakin?" mahaba kong sabi.

Bumuntong hininga siya bago man lang siya sumagot.

"Asan na yung tiwala na sinasabi mo Cass?" may halong irita niyang tanong saakin.

"Cyrus, hindi naman kasi sa ganun e. "

"Huwag ka mag alala dalhin kita sa araw ng kaarawan ko. Ok na ba yun, mahal" bulong niyang sabi at hinalikan pa ako nito sa buhok.

"tsk. Kailan ba?"

"Nextweek mahal, happy?"

"ok." tanging sagot ko at yumakap rin sakanya.



Kinaumagahan napagdesisyonan kong ipakilala si Cyrus kay daddy. Gaya ng sabi ni mommy saakin na kailangan makilala na ni dad si Cyrus.

Last week kasi pinakilala ko na si Cyrus kay mommy gamit ang skype account ko. Kaya ngayon eto ako sa loob ng office ni dad kasama si Cyrus. Naramdaman ko pang mahigpit na hinawakan nito ang kamay ko. Napatingin ako sakanya, natawa ako dahil namamawis na ang noo niya.

When A Man Fall In Love (Isabela Boy Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon