Author's
•Hi sa mga nagbabasa paki basa rin po yun Bar na one shot po. Atsaka yung title po baka akalaing niyong Spg. But I just want to say na hindi po yun Spg.
•Salamat po sa mga nagbabasa nito. And if ok lang po, pa-fallow rin ako at palike ng page kong Blacknikxx WP sa facebook.
•After you read per-chapter please vote and comment. Sorry po sa mga error typo/ wrong grammar.
Thank you. :)
-----------------------------------------------------------
Maaga akong nagising para magluto ng agahan. Tulog pa kasi si Cyrus, natapos ba naman ang palabas na ginawa niya kagabi around to 12 AM. Kinwento niya rin ito kung bakit yun ang naisipan niyang surpresa at ligawan ako sa harap ng maraming tao.
During that time pala, pangalawang signing ni Cyrus kagabi. Nagawa niyang kumbinsihin ang mga taong nagpapasign sakanya. At nakiusap sa mga ito na sumabay sa mga plano niya. Sinabi niya rin kung sino yung mga kumuha saakin dito sa bahay, ang isa daw doon ay kakilala ko at ang isa ay staff. At planado rin pala ang pagdalaw saakin ni Carlo. Walang hiya talaga naisahan ako kagabi.
But, I'm not regret. Masaya nga ako e, masayang masaya. Ikaw ba naman ang surpresahin at ligawan sa harap ng maraming tao. Diba masaya?
Maganda na rin yun at malaman ng mga tao ang katotohanan.
Nabalik ako sa realidad ng maramdaman kong may yumakap saaking likuran. At naamoy ko pa ang mamahaling pabango nito.
"Good morning Mahal." bulong ni Cyrus saakin at hinalikan pa ako nito sa pisngi.
"Good morning." bati ko rin sakanya.
Kumalas naman ito at hinarap ako sakanya. Kita ko ang kabuuan ng mukha nito at magulo rin ang buhok niya na halatang kagigising nga niya. Nakasoot lang ito ng sando at short. Tsk lagi naman e,.,
"Mahal, kumusta ang tulog mo?" tanong niya saakin.
Huh? Really tatanungin niya talaga kung kumusta ang tulog ko.
"Ok, naman bakit?"
"Wala lang." sabay haplos nito sa leeg ko at hinalikan ako sa labi.
Agaran ko itong tinulak. Kaya naman nagulat siya sa ginawa ko.
"What?"
"binibitin mo naman ako, mahal."
"Shut up Cyrus, umupo ka na nga lang jan. At baka masunog yung sinasaing ko." sambit ko sakanya.
Magsasalita pa sana siya, pero tinalikuran ko na ito.
Nagluluto kasi ako ngayon ng breakfast namin. Nagtimpla na rin ako ng coffee para kay Cyrus at saakin naman ay gatas.
Bigla akong natawa ng maalala ko nung time na tinanong ako ni Cyrus kung gusto ko ng kape. Matapos niya akong halikan, napatunganga lang ako at tanging tango ang sagot ko. At matapos niya akong pinagtimplahan ng kape. Inis na inis ako sakanya, kasi naman ayaw ko ng kape. Pero ang ginawa ng isang yun tinawanan lang ako. Kasalanan ko rin daw at masyado akong nasarapan sa halik niya kaya napatango ako ng tanungin nitong gusto ko ba ng kape? Oh, diba ang galing. Sinisi pa ako sa kalokohan niya.
Nang matapos kong magluto at naihanda ko na lahat sa mesa. Panaglitan akong lumabas mula sa kusina, nadatnan kong may kinakausap si Cyrus mula sa Cellphone niya. Nakatalikod ito saakin, may balak pa naman sana akong gulatin siya kaso may kinakausap e. Mamaya importante mahirap na.
Matapos yun ibinaba niya, pagharap niya saakin. Nakita ko itong nagulat para siyang nakakita ng multo. Wow, ha ang ganda ko namang multo.
"Sino yun?"
"Wala." tanging sagot niya at lumapit ito saakin.
Napatango na lang ako at nginitian siya.
"kain na tayo."
Tumango naman ito at hinawakan ako sa tagiliran sabay inilapit sakanya.
Habang kumakain kami tanging kutsara at tinidor lang ang bumalot ng ingay sa pagitan namin. Hindi ko rin magawang makipag-usap sakanya dahil nakikita ko itong busy sa pag-pindot ng cellphone niya. Sino kaya katext nito?
Hindi ko rin gustong magtanong kaya naman itinuon ko ang buong attention ko sa pagkain. At hinayaan siya.
Matapos kaming kumain, nag paalam siya saakin para sa bago niyang schedule. Tumawag kasi ang manager niya kanina habang kumakain kami.
Hinayaan ko lang siya at pinayagan dahil trabaho niya yun.Konting tiis na lang at ilang araw na makakapunta na rin ako sa Condo Unit niya. At pag wala akong makitang mali, maalis na siguro itong pagdududa ko sakanya.
Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko sakanya. Parang may mali, nako nagkakasala na ako kay Cyrus. Kailan niya lang sinabing Trust me. Tapos eto ako ngayon pinagdududahan parin siya.
Maghapon akong hindi lumabas dito sa bahay at tanging pag-hintay sa pagbalik ni Cyrus at pag message niya saakin ang hinintay ko. Ilang beses na rin kasi akong nag tipa ng mensahe sakanya pero hindi parin siya nag-rereply at nagawa ko ring tumawag pero hindi siya sumasagot.
Kinakabahan na rin ako sa oras na ito. Sana naman walang nangyareng masama sakanya. Shit, hindi na ako mapakali sa oras na ito. Kaya naman agaran akong pumuntang kusina at kumuha ng malamig na tubig at baso.
Dahil sa sobrang kaba ko hindi ko man lang namalayan ang pagdulas ng babasaging baso mula sa kamay ko.
Nalaglag ito floor at talagang basag na basag. Agaran akong umupo at pinulot ang mga ito.
"Ouch, shit." sambit ko ng mali ang pagkahawak ko sa mga pirasong basag.
Pero bakit ganito ang nangyayare saakin. Bakit ako kinakabahan? Shit, huwag naman? Sana walang nangyareng masama.
The next morning wala paring Cyrus na bumalik dito sa bahay. Nakatulog pa ako ng sofa habang hinihintay siya. Pero walang bumalik na Cyrus dito sa bahay ko.
Baka naman sa Condo siya natulog. Pero bakit di man lang siya tumawag o nag reply sa message ko. Possible kayang may masamang nangyare sakanya. Pero...
Natigilan ako ng biglang mag ring ang cellphone ko. Agaran ko itong kinuha at sinagot.
"hello."
"Ang daddy mo to. Pumunta ka ngayon dito sa office nagyon din" sabi niya sa kabilang linya at may halong galit sa boses niya.
Magsasalita pa sana ako at tatanungin siya pero agad niya itong binaba.
What the? Bakit kaya?
BINABASA MO ANG
When A Man Fall In Love (Isabela Boy Series)
RomanceIf you Love someone you always fighting for. Dahil sa pag-ibig ay hindi handlang ang di' pagkapantay sa buhay. Dahil walang pangit na hindi nababagay sa gwapo't maganda. Kaya wala ring mahirap na hindi nababagay sa mayaman. At higit sa lahat hindi b...