Chapter 15

206 5 0
                                    

Click here - click there -click here- click there.

Haha. Nandito kasi ako ngayon sa conference. Gaya nga ng sabi ko may sched. Ako ngayon at talagang sumama nga saakin si Cyrus.

New Magazine book cover ko ngayon ang ginagawa ko. Kaya eto, hindi parin natatapos.

Napasulyap pa ako sa kinaroroonan ni Cyrus at talagang dinumog pa ito ng mga kasamahan kong babae. Hindi ko tuloy maiwasang umirap. Hellow, Cassandra is here. Psh

Nang matapos na ang lahat ng pinagawang post position saakin. Agaran na akong pumasok sa dressroom at nagpalit. Muli kong pinagpag ang damit ko at nag ayos sa loob bago lumabas.

Hindi parin umaalis ang mga babae sa tabi ni Cyrus. Kaya nilapitan ko siya at hinawakan sa kamay. Bigla naman ito napatingin saakin at nginitian ako.

May narinig pa akong umimpit sa kilig at gustong sumigaw. Pero di magawa, kasi once you shouting here inside this conference, sigurado sisigawan ka din nung mga manager. Ayaw kasi nila ng maingay dito sa loob. Ewan ko ba kung bakit?

"bye girls" paalam ni Cyrus at kinaway pa talaga ang kamay nito sakanila.

Hindi ko alam pero bigla ako nainis. Kaya naman bumitaw ako ng hawak sakanya. Agad naman itong napatingin saakin at muling ngumiti. Nang-iinis ba siya, kasi kung oo. Pwede tigilan niya na kasi talagang naiinis na ako e.

Tanong bakit ka ba naiinis Cassandra ha. Tsk

Natigilan na ako sa iniisip ko at sa kinatatayuan ko ng hawakan nito ang kamay ko. Ano ba yan, bakit ganito parang may dumaloy na kuryente mula sa kamay ko ng hawakan nito. Samantala kanina ng ako ang humawak wala naman e.

"Lets go" ngiti nito at hinila palapit sakanya.

Dahilan para tumama ang katawan ko sa braso niya. Sh*t, bakit ba ganito ang nararamdaman ko. Don't tell me cassandra you like him. Kasi bawat galaw niya pinapansin mo. Umayos ka nga.

Ganoon parin ang position namin hanggang sa makalabas kami. Hawak-hawak parin nito ang kamay ko.

Saka lang siya bumitaw ng makarating kami sa parking area. Sumakay ito sa unahan, perfect na sana no kung siya ang driver. Tsk pero wala e. Di ata marunong?

"Tara muna sa mall" sabi nito ng makapasok ako sa driver seat.

"hmmm, why?"

"like what I said, yesterday... Bibili ako ng sarili kong Cellphone" sagot nito.

"E,  kailangan ko talagang sasama?"

Tumango lang ito kaya napa tango na rin ako. Bilang pag-sangayon.

Tahimik ang buong byahe namin. Hanggang sa makarating kami sa mall. Bago ako lumabas sinoot ko ang aking sunglasses at ang dala kong black hat.

Hinawakan muli ni Cyrus ang aking kamay  ng papasok kami sa mall.
Nagawa ko pang sumiksik kay Cyrus, dahil sa dami ng tao at may nakikita pa akong sumusulyap saakin. Kaya ang ginawa nito hinawakan ako sa tagilaran ko. Gusto kong sanang mag pumiglas pero masyado siyang malakas. Kaya hinayaan ko na lang.

Nang makarating kami sa pamilihan ng Cellphone. Doon niya lang ako binitawan at binalik ang kamay niya sa kamay ko.

Nag-patulong pa ito saakin kung anong magandang unit ng Cellphone. Ang pinili ko yung bagong labas na Samsung Galaxy S8. Kinuha naman nito at binili.

Pagkatapos naming bumili nag-ikot ikot muna kami dito sa mall. Hanggang ngayon magkahawak parin kami ng kamay. Kung kanina siya ang humawak sa kamay ko ngayon pinagtiklop ko ito. We're here inside the mall and act like a couples.

Sa pag-iikot namin, bumili na rin ako ng mga personal thing ko. At marami paring nakakapansin saakin, na kulang na lang yakapin ako ni Cyrus. Para di ako mapansin.

Pag-katapos namin sa mall, pumunta pa kaming park at nag-ikot ikot ng ilang beses. Para talaga kami ngayong mag-on kasi ito parin kami mag kahawak kamay.

Nang matapos iyon, siya na rin mismo ang umakay saakin na kailangan na naming umuwi dahil sumasapit na ang gabi. Hindi ko man lang napansin iyon, dahil sa galak na nararamdaman ko.

Sa katunayan, ngayon ko lang muli naranasang maging magalak at lumabas ng may kasama. Yes, lumalabas naman ako kasama si Hedrick noon. Pero iba parin kasi ngayon,., now I realize ang sarap pa lang maging normal na tao. I mean yung maging malaya, yung walang nakatingin sayo na lalapitan ka at mag papa-autograph o dikaya mag papa-picture.

Pauwi na kami kay Cyrus at ngayon back to normal. Bigla kasi itong tumahik at bumaling sa labas. Samantala kanina nakikipagdakdakan pa ito saakin sa park.

Nag-kwento lang naman siya about sa pagiging fan niya saakin. Masaya daw ito kasi sa dinami-dami ng umiidolo saakin. Bakit daw siya pa ang kasama ko sa oras na ito. He said his lucky . But he don't na ko ata ang ma-swerte. Beacause I'm here with Angle Gorgeous Man. Hindi niya ata ma- appreciate ang sarili nito.

Madaldal rin pala ang isang to. Pero ngayon bigla na lang siya tumahimik. Bakit kaya? Anong problema?

Nang makarating kami sa bahay nila tita Grace. Agaran itong bumaba at umikot sabay lapit saakin.

"Salamat nga pala. See you tomorrow" sabi nito at ngumiti.

Owww... Bakit ba ang cute niya ngumiti. Kaya hindi ko ma pigilang haplusin ang pisngi nito.  Nanlaki ang mata niya sa ginawa kong haplos. Napangisi ako and I tried to touch his smooth cheek and I pinch.

Natawa ako ng mas lalong pumula ang pisngi nito. Dahilan ng pag-kurot ko dito. Haha. Bakit ba kasi ang cute niya. Naramdaman ko ang pag init ng pisngi ko dahil siguro namumula na rin ako. Sa kakatawa ba? o sa iniisip kong cute siya.

Haist. Umayos ka nga Cassandra.

Agad akong bumagsak sa kama ko at kinuha ang cellphone ko ng tumunog ito. Yup, nakauwi na ako. Kasi kanina pag-tangkahan sana akong hawakan ni Cyrus sa pisngi at alam kong pipisilin niya lang ang pisngi ko. Kaya bigla kong itinaas ang window glasses ng sasakyan ko at mabilis akong umalis doon.

Pag-bukas ko nito, bumungad saakin ang isang mensahe at alam kong galing sakanya ito.

-Tomorrow be ready, Miss Cassandra Reyes. Siguraduhin kong mas pupula ang pisngi mo bukas. XD

Natawa na lang ako at bago man lang  nag tipa ng mensahe sinave ko muna ang number niya.

-E hindi naman tayo magkikita bukas e.

Kasi wala naman akong schedule. Maliban na lang kung pupuntahan ako nito bukas. Psh huwag kang assuming. Muli itong nag message.

-We have schedule tomorrow. So, goodluck and goodnight.

Mag-rereply pa sana ako ng bigla namang tumawag si manager saakin kaya naman sinagot ko ito.

"hellow po" sagot ko.

"Cassandra, you have photoshoot tomorrow with your partner"

"bakit naman ngayon niyo lang sinabi?"

"kare-revieve ko lang ng mensahe ng manager nung partner mo. So, kailangan maaga ka bukas. Ok, bye."

"bu-" anak ng tokneneng binabaan ba naman ako.

Haist, photoshoot para saan na naman yun? Katatapos nga lang iyon e. Meron na naman.

When A Man Fall In Love (Isabela Boy Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon