Kinaumagahan maaga akong nagising para puntahan si Rachell. Tumawag kasi ito kaninang madaling araw. Kaya eto ako ngayon nagmamaneho ng maaga.
Hindi ko ba alam kung bakit kailangan ko siyang puntahan ngayon. Kahit labag naman talaga sa loob kong puntahan siya. Subalit parang may nagtutulak saakin na kailangan ko nga siyang puntahan.
If you asking me, kung ano ang nangyare kagabi matapos sabihin iyon ni Cyrus saakin. Wala akong ginawa kundi ang humagulhol lang habang nakayakap sakanya. Paulit-ulit niyang sinabi iyon saakin at umiiyak na rin siya sa gabing iyon. For the firstime, kong narinig si Cyrus na umiiyak saakin. Hanggang sa naramdam ako ng tulog at minsan pa akong napamulat ng maramdaman kong hinalikan niya ako sa noo.
Nagising ako sa ganun paring position. Nasaibabaw niya ako at nakayakap sakanya.
Nang makarating ako sa address na binigay saakin Rachell. Agaran akong bumaba at nagdoorbell sa gate nila. Then, ngayon ko lang narealize na bahay eto ni Thunder.
"Good morning ma'am." ngiting sambit ng guard.
"Good morning, Where's Rachell?" simpleng tanong ko.
"uhm, si Mrs. Fortez po ba? Nasa loob po siya hinihintay kayo."
Napatango naman ako at sumunod sakanya.
Sabay libot ng tingin sa bakuran nila. Nakakalokang isipin dahil wala man lang akong nakitang babaeng katulong. Kundi halos lalaki ang nandito sa loob ng bakuran niya at may kanya-kanyang pwesto pa.
Pagkarating ko sa pintuan muli na naman akong pinagbuksan ng isang lalaki at pinapasok.
Nang makita ko si Rachell at Thunder na nakaupo sa couch at hindi ata ako napansing pumasok. Dahil bucy ang mga ito sa harutan.
"Ehem" paubo ko para maagaw ang attention nilang dalawa.
Dahil dun sabay silang napalingon saakin at napaayos ng upo.
"uhm, h-hi" nahihiyang sambit ni Rachell saakin.
Tumango lang ako at lumapit sakanila. Ngiting-ngiti tumayo si Rachell samantalang seryoso lang nakatingin saakin si Thunder.
"Bakit mo nga pala ako pinapunta dito?" tanong ko.
" kasi may pupuntahan tayo." sagot niya.
"Saan?"
"Sa Cubao, susunduin natin ang papa at kapatid ni Cyrus." ngiting sagot niya at lumapit ito saakin.
"A-Ano? E, bakit kailangan ko pang sumama."
"Haist, hindi alam ni Cyrus na ngayon darating ang papa at kapatid niya. Gusto kong sabihin sakanya kagabi. Pero lasing siya at alam ko't alam mo na may hung over pa yun paggising niya." mahaba nitong paliwanag saakin.
Tama nga naman siya. Pero bakit kailangan ko pang sumama sakanya?
"Bakit ako? Kayo na lang ni Thunder." giit ko.
Pero hinawakan nito ang kamay ko at bumulong saakin."Gusto rin kasi kitang kausapin."
Napataas ako ng kilay sakanya pero ngumiti lang ito.
"Bye, Hon" kaway pa nito kay Thunder.
Sabay hila saakin at wala na akong nagawa kundi napatinod sa hila ni Rachell.
Pagkalabas namin sa gate. Nauna na itong bumitaw sa kamay ko at sumakay sa kotse ko.
"Tara."
Napabagsak na lang ako ng balikat at sumakay na rin sa kotse ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/114901287-288-k225211.jpg)
BINABASA MO ANG
When A Man Fall In Love (Isabela Boy Series)
RomanceIf you Love someone you always fighting for. Dahil sa pag-ibig ay hindi handlang ang di' pagkapantay sa buhay. Dahil walang pangit na hindi nababagay sa gwapo't maganda. Kaya wala ring mahirap na hindi nababagay sa mayaman. At higit sa lahat hindi b...