Chapter 38

174 6 5
                                    

Napamulat ako ng tumama  saakin ang sinag ng araw. Dahilan para mabalikwas at mahulog sa kama.

"Wait, asan ako?" tanong ko.

At tangkang tatayo para sana suriin ang kwartong to. Pero muli akong napaupo dahil sa sakit ng ulo at tiyan ko. Shit, eto na ang ayaw ko sa lahat.

Pilit ko paring bumalik sa kama at humiga para hilutin sana  ang tiyan ko. Pero nanlaki ang mata ko ng makitang wala pala akong kasaplot-saplot. Kaya napatakip ako ng katawan  gamit ang kumot na nasa tabi ko.

At unti-unti ring bumalik saakin ang nangyare kagabi.

What na one night stand ba ako? At napatingin sa ibaba at naramdaman kong masakit na ang  gitna ko and now I realize that I lost my virginity with stranger.  Nang maalala ang sunod na nangyare saamin ng lalaking iyon.




Kaya naman ng makauwi ako lutang na lutang parin sa nangyare. Lalo na ng sabihin saakin ng manager ng bar na iyon na baka daw nagkamalan akong nagtratrabaho sa bar niya kaya naikama ako.

Wow, ha mukha ba akong prostitute?

Wala rin akong ginawa sa bahay kundi ang magmuni at di magawang kumain dahil sa nangyare sa gabing iyon. Sino kaya yung lalaking yun? Bakit ba ako pumayag na halikan nun? At galawin?

"hindi Cass. Nadala ka lang. Lasing ka lang nung gabing yun" pilit kong pagkumbinsi sa sarili ko.

Pero iba talaga ang naramdaman ko sa lalaking iyon. Parang kilala ko siya e. Yung bawat halik niya at paghaplos saakin. Parang si Cyrus... Pero imposible kung magagawa saakin iyon ni Cyrus.

Oo, hinahalikan ako noon ni Cyrus inaamin ko iyon at lagi pa nga kaming magkatabi. Pero hindi ito nagtangkang galawin ako. Kundi hanggang halik lang siya saakin noon. Kaya imposibleng si Cyrus ang nakasama ko kagabi.

Bigla akong nakaramdam ng kaba at pandidiri na rin sa sarili ko. Bakit ko nagawa iyon? Bakit nagawa kong isuko ang sarili ko sa lalaking hindi ko naman kilala?

Pagdating ng hapon muli akong nakatanggap ng mensahe galing kay Caloy. Sinabi nitong kailangan daw makipagkita ako kay Cyrus at kausapin siya. Para sa Company.

Kaya naman eto ako ngayon sa harap ng buiding. At napapaisip kung itutuloy ko pa bang pumasok sa loob o uuwi na lang. Pero nandito na ako e.

Kung hindi lang sana bumagsak ang Company ni dad. Hindi ko gagawin to.

Napabuga ako bago tuluyang humakbang at pumasok sa loob.

Pero bigla akong napa-step backward ng makita si Rachell kasama si Thunder. Tuluyan na sana akong lalabas pero huli na ang lahat ng magtama ang paningin namin kay Rachell.

Agaran itong lumapit saakin at napangisi. Nakasunod naman sakanya si Thunder. 

Simula kasi noon hindi ko na nakakausap si Rachell dahil sa balitang kumalat 3 years ago.

"Oh, Hi Cassandra Reyes." usal ni Rachell saakin.

"Hello. Kayo pala"  ngiting sambit ko.

Pero tinaasan ako nito ng kilay.

"Hm.. So, what are you doing here? Naghihirap ka na ba?" nanadyang tanong niya.

Dahilan para kalabitin siya ni Thunder. Pero umirap lang ito at muling tumingin saakin. Kung kanina ngiting-ngiti ako sakanya bigla na lang iyon naglaho ng tanungin niya kung naghihirap na ba ako.

"Hmm, siguro nandito ka para humingi ng tulong kay Cyrus no. Tignan mo naman no yung sinasabihan niyo noon na nang gamit sa inyo. Ay siya rin pala ang lalapitan niyo ngayon. But sorry to say, wala kayong maasahan sakanya." hindi parin maalis ang ngisi nito.

When A Man Fall In Love (Isabela Boy Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon