EM
"So keri mo naman yung order this Saturday?"
"Really, G? Maiinsulto na ba ko?"
"OA much?" inirapan ko siya saka nagpatuloy sa paghalo ng sinangag na niluluto ko. "Anyway, kailan pa dumating si Syd?"
"Tss. Last night, kung bakit may sariling condo, dito nagsusumiksik." nakasimangot na reklamo ko.
"What's new? Di ka pa talaga nasanay?" natatawang sabi ni G, long for Georgina.
"Ang lakas niyang mambulahaw. Halos kakatulog ko pa lang nun eh."
"Sa kanya ka magreklamo, wag sa akin." pang-asar pa niya. "Di mo na lang kasi bigyan ng susi nitong bahay mo."
"Duh?! Eh di mas lalong wala na kong privacy." kangusong reklamo ko, hindi ko talaga maintindihan kung bakit nagsisiksik sa 'kin si Syd.
Syd or Sydney dela Rosa is one of my closest friends. Best friend to be exact, kapatid sa ibang nanay. Kasama sa kalokohan during our college days at kasangga hanggang ngayong mga career woman na kami. We're never close at first, dahil naiirita ako sa pagkatahimik niya, which is something we're in common. Pero nang nagtagal na, mas matindi pa pala sa armalite ng mga Maute sa Marawi ang bibig niya. At hindi lang iyon, sobrang clingy niya!
Aside from Syd, may tatlo pa kaming kaibigan, Georgina Sanchez or G, Michelle Cruz or Missy and Dianne Cruz or D, Missy's younger sister. Na isa ring parang tuko kung makalapit sa akin. Pero mas tolerable si D dahil nga bata siya at nag-aaral pa. Kumbaga, kami ang mga ate niya aside of course kay Missy.
While me, I'm Emerald Galvez. They're called me Em. Minsan taray, madalas naman dragon. Nature ko na kasi ang pagiging masungit at aloof. I don't know, mula ng iwan si Mama ni Papa when I was seven years old hindi na rin nawala ang trust issues ko. Lalo pa ng makita ko ang halos pagkabaliw ni Mama. Natatak sa isip ko na wala akong ibang aasahan kundi ang sarili ko lang. Para iwas sakit, rather; defense mechanism, dahil ayokong nakikita nila akong mahina. Because being weak makes you a loser. Sa huli, kakayan-kayanan ka lang nila at ikaw lang naman ang uuwing luhaan. And at the end of the day, lahat sila nakatawa habang ikaw umiiyak at talunan. And I don't want that.
After college, sinubok kong magtayo ng maliit na pastry shop and luckily, pumatok siya. Sa tulong na rin ng mga kaibigan ko, sila ang may malaking impluwensya kaya kilala ang 'SWEETS'. And I'm more thankful dahil dun. After a year, nakakuha na ko ng apartment at kahit paano mayroon ng savings sa bangko. Asawa na lang kulang sabi nga nila. But sorry for them, mas masarap maging single kesa maging double trouble sa pag-aasawa.
"Dito ka na magbreakfast- - -. . . Sydney!"
"Morning babe."
"Bitiw nga." tulak ko sa braso niyang nakapaikot sa bewang ko. Wag ka ng magulat sa tawag niya, ever since naging close kami, nakasanayan niya ng tawagin akong babe, short for BABE THE PIG daw.
Gago di ba?
"Bango!"
"Sydney!" ang sira-ulo, leeg ko na ang inaamoy!
"Aray naman babe!" batukan ko nga! Eh di nabitaw siya. "Red days?" nakangising tanong pa niya talaga!
"Syd, tigil-tigilan mo ko ha." irap ko saka tinapos ko ang pagluluto. "Lintek ka talaga!" ayun na naman kasi ang kamay niyang nakayakap sa akin mula sa likod.
Sobrang clingy talaga!
"Alam niyo kayong dalawa, iisipin ko na talaga, magjowa kayo." natatawang sabi sa amin ni G.
"Why not? Eto lang naman kasing si babe ang choosy pa." gatong naman ng babaeng 'to.
"Kung ikaw lang rin, magmamadre na lang ako. Papangit ako sa stress sa'yo. Bitaw na nga!" tapik ko ulit sa kamay niyang bakal na ata sa pagkakayapos sa akin.
Peste.
"Didn't you miss me?" paarteng tanong niya, nagpapaawa di naman bagay.
"No. Wala ka na bang seminar ulit? Dapat inextend mo ng one year." sarcastic na sabi ko. "G, coffee?"
"Ouch. It hurts babe. I want one too."
"Paano ako makakagawa? Alisin mo na yang kamay mo bago ko mabuhusan ng mainit na tubig 'yan! Bwisit ka." kagigil na, hindi ako makakilos sa kanya!
Bukod pa sa nahihiya rin ako dahil sa harap talaga ni G!
Oo, madalas talaga hinahayaan ko na lang si Syd sa pagka-clingy niya, pero kapag kami lang. Dahil wala namang malisya sa aming dalawa. Sanay na sanay na ko sa kanya. Pero mula ng tuksu-tuksuhin na kami ng mga kaibigan namin dahil sa napapansin nila, naasiwa ako.
Kasimangot na lumayo siya sa akin at umupo sa tabi ni G na iiling-iling lang at amuse na nakatingin sa amin.
"Where's my pasalubong?" nakalahad ang kamay na tanong ni G.
"Sa bag pa, get there na lang." sabi niya sabay tayo rin.
"Hey breakfast na! Aano ka?"
Napatingin naman ako sa kanya at medyo naguilty sa nakasimangot pa ring mukha niya. Dinamdam ata ang sinabi ko.
"May jetlag pa ko." sabi niya lang saka umalis sa harap namin.
"Tampurorots si giant." natatawang sabi ni G. "Lagot ka." tukso niya pa.
Giant ang tukso nila kay Syd dahil sa aming lahat siya ang gising ng nagsaboy ng tangkad si God.
"Ha-ha-ha." sabi ko saka inirapan siya. "Kumain ka na diyan, kailangan ko ng maligo." bilin ko habang hinuhubad ang apron na suot ko.
"Weh? Susuyuin mo eh."
"Jowa lang??"
"Aba malay ko. Baka may hindi kayo sinasabi- - -. . ."
"Whatever G!"
Inirapan ko na lang siya, rinig ko pa ang mahinang tawa niya pagkatalikod ko. I just rolled my eyes and note to myself to talk to Syd about this matter. Ayaw kong patulan ang ganitong panunukso nila. Nabo-bother lang ako, dahil kung sa kanila nga na mga kaibigan namin, iba na ang dating. Paano pa sa ibang tao.
I'm straight as a pole and I know Syd, too. Wala man akong pake sa sasabihin or iisipin ng ibang tao, but not when it comes to my love ones. Ayokong maapektuhan kami ni Syd, lalo na siya ang pinakamalapit sa akin.
Napailing na lang ako ng makita ko siyang bumalik sa kama. Nakapa siguro pagkagising niya na wala ako sa tabi niya kaya bumaba. Ganoon siya ka at ease sa akin and so do I. Na pati sa pagtulog, katabi ko siya kahit na hindi ako sanay na may katabi sa kama.
When it comes to her, lahat nababago niya.
Lahat ng nakasanayan ko, naiiba niya.
At pakiramdam ko, may mababago siya sa prinsipyo ko at pananaw ko sa buhay pagdating ng araw.
BINABASA MO ANG
Crossing the line (COMPLETED)
RomanceI love her first but afraid to cross the line between us. - Sydney dela Rosa I want to risk to cross that line because I love her. - Emerald Galvez - all characters, places and events are all fictitous. Do not copy without the author permission. GxG...