EM
"Yes G, paki-pick up na lang dito sa bahay. Sorry ha. . ."
"Ano ka ba? Sorry ka diyan, kasalanan ko naman 'to eh. Dapat di ko na muna dinala si D kagabi para nakapahinga ka. Ang dami pa naman nung order natin today."
"Okay lang naman. Sadyang makulit si D. Please wag mo ng sabihin na maysakit ako, pupunta na naman dito 'yun. I want to rest."
"Oo, oo. Maligo lang ako tapos punta na ko diyan. Take your meds, Em. Bye."
Pinilit kong bumangon para makapunta ng banyo pero agad rin akong napaupo dahil sa biglang pagsakit ng ulo ko. Ramdam ko na kahapon pa na ganito ang kakalagyan ko pero di pa rin ako nadala.
Pumikit ako ng mariin at marahang tumayo para makapunta ng banyo. Nasipat ng mata ko ang note sa ibabaw ng table. It's from Syd. Saying how sorry she was and that she'll be back the soonest the possible. Ayaw na nga sanang pumasok dahil maysakit daw ako but I push her dahil alam kong importante yun sa kumpanya nila. Lalo pa't tinext ako ni Lori telling me to remind Syd about the meeting on the next day. Ayoko ring masayang ang pinagpaguran niya magdamag para lang sa akin.
Napailing na lang ako ng maalala ko ang nangyari kagabi.
"Nagseselos ka ba kay D?" hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para itanong yun sa kanya.
Kanina ko pa gustong itanong iyon pagkakita ko pa lang sa kanya na madilim ang mukha pagkapasok ng kusina. I know she is possessive, but not this serious. Kinakabahan ako at ayoko ng itinatakbo ng isip ko.
"Y-yes." nagulat pa rin ako sa diretsang sagot niya.
Her eyes look directly at mine.
Natawa ako but I know there's no humour on it. "You're kidding right?" nandun pa rin ang hindi makapaniwalang tawa at tono sa boses ko. "I mean that's D where talking, bakit ka naman magseselos dun sa bata? And as if we're in a relationship- - -. . ."
"Babe, alam mong ayokong hinaharot ka ni D. Nagseselos ako dahil she's taking my part on you." nakangusong sabi niya.
Okay, naguluhan ako sa part na 'yun.
"W-what?"
"Tss. I am you're closest best friend ever. At naiinis ako sa closeness niyo." I look at her but she is avoiding my gazes.
I know her too well. I know she is lying but I preferred to buy her alibis. Ayokong mag-isip at mas lalong ayokong mag-assume. At ang pinaka ayoko. Mawala siya.
I cannot afford to lose her, she's that important to me.
Bumalik ako sa kama, nahiga ulit at pilit itulog ang lahat ng bumabagabag sa akin. Saka na ako mag-iisip. Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulog, naalimpungatan lang ako dahil sa maligamgam na bagay na dumadampi sa noo ko.
"Hey. . ." kunot noong napaayos ako ng higa when I saw Syd. "Just lie down babe. . . hungry?"
"W-why are you here?" paos na tanong ko. "A-anong oras na?"
"Tss. Please stop being stubborn. Higa ka lang diyan, I'll get you're soup para makainom ka na ng gamot."
Humiga na lang ulit ako, mabigat pa rin ang ulo ko pero kahit paano ramdam kong hindi na ko ganun kainit. I got my phone and texted G, hindi ko na kasi namalayan kung anong oras siya nakapunta.
Nakita ko sa oras ng phone na ala una na pala ng hapon. Mahaba-haba rin ang naipahinga ko. Napatingin ako kay Syd pagkapasok niya ng kwarto.
"Hey, no phone muna. Nakakabinat yan." she took my phone at my hand saka nilagay sa bedside table ko. Nakatingin lang ako sa kanya habang inaayos niya ang pagkain sa harap ko. "How do you feel?"
"Tapos na meeting mo?"
Tumango siya saka inumang sa akin ang kutsarang hinihipan niya lang kanina.
"I can eat lagnat lang 'to." protesta ko, para naman kasi kong bata eh.
"No more buts. I'm going to feed you okay. Now be a good girl and just eat." seryosong sabi niya, napanguso na lang ako sumunod na lang sa gusto niya.
Pinagmasdan ko na lang siya habang seryosong hinihipan ang soup na alam kong siya rin ang nagluto. Pati pagkunot ng noo niya at bahagyang pagdampi ng labi niya sa kutsara to test if it's still hot. Maganda si Syd, no doubt. Malakas ang dating niya kahit noong college days pa lang namin. Habulin pa siya, mapababae at lalaki. Ganun kalakas ang sex appeal niya.
"Staring is rude babe." nakasmirk na sabi niya sa akin.
"Tss. Paano kaya ko namang kumain mag-isa eh. Napapatingin tuloy ako sa'yo." reklamo ko kunwari, pero ramdam ko naman ang pag-iinit ng mukha ko.
Nakakahiya kaya!
"Iba yung napapatingin sa tinititigan." natatawang tukso niya, inirapan ko nga. "Hahahaha. You're cuter when you're sick."
Literal na natulala ako nang mapagmasdan ko siyang maigi. Mas gumaganda kasi si Syd kapag nakatawa. Yung tunay na tawa, hindi yung ngisi na akala mo nang-aasar palagi.
"What?" tanong niya ng mahuli akong nakatulala sa kanya.
"Bakit wala ka pang boyfriend?" out of nowhere na tanong ko sa kanya.
Naisip ko lang, bakit nga ba? Maganda siya, mabait naman talaga kung kikilalanin, sweet at times, maalaga, stable sa buhay, kung tutuusin pwede na siyang mag-asawa. Kaso boyfriend nga wala, asawa pa kaya. Wala rin akong nababalitaan na nanliligawsa kanya. Nagkakagusto marami, pero nanliligaw, wala siyang nababanggit at kung meron alam kong ako ang unang makakaalam.
"What's with the question, babe?" iwas na sagot niya.
"Tss. Curious lang. Sabagay pareho lang naman tayo. Kalimutan- - -. . ."
"I-I'm waiting for someone."
"Ows? At sino naman ang 'someone' na 'yan?" I don't know why I felt a sting in my heart knowing na may inaantay siyang iba.
"Someone to recognize me. Manhid pa eh." gusto kong burahin yung ngiti niya sa labi dahil halatang kinikilig siya! Peste.
"Tss. Ang choosy niya ha, si Sydney dela Rosa pa talaga ang pinag-aantay niya." naiinis ako sa taong hindi ko naman nakikita! "Sino ba kasi 'yan?" nang maipasalvage ko, gusto ko sanang idagdag eh.
Tss.
"Secret. You'll know kapag napa-oo ko na siya." I swear gusto kong dukutin ang mata ni Syd dahil parang nagtwinkle pa 'yun!
"Tss. Ikaw pa talaga ang nanliligaw ha." humiga ako at nagtalukbong na lang ng kumot dahil nababadtrip na talaga ako! "Ayoko na!"
"Hey, ubusin mo na - - -. . ."
"Ipakain mo sa 'someone' mo!"
"W-what?"
"Gusto ko na kakong magpahinga!"
"Okay. Ibaba ko lang 'to ha."
Naiinis ako sa nalaman ko. May paselos-selos pa siyang nalalaman kay D! Tapos may 'someone' naman pala siya! Nakakabwisit dahil. . . .
Damn! Nagseselos ako!
BINABASA MO ANG
Crossing the line (COMPLETED)
RomanceI love her first but afraid to cross the line between us. - Sydney dela Rosa I want to risk to cross that line because I love her. - Emerald Galvez - all characters, places and events are all fictitous. Do not copy without the author permission. GxG...