Chapter twenty two: Ms. CEO

1.6K 50 3
                                    

"Thank you." bahagya akong yumuko at naglakad palayo s receptionist ng building kung saan nagoopisina si Syd.

Sa tagal naming naging magkaibigan, mabibilang sa daliri ang pagkakataon na nakarating ako sa opisina niya. Hindi sa hindi kami interesado, sadyang pare parehas kaming abalang magkakaibigan at ganun din naman si Syd. Ganoon kaming magkakaibigan pagdating sa negosyo o trabaho. And knowing Syd, kahit na isip bata madalas, she is very strict and professional.

Hindi ko maiwasang mapangiti habang hawak ang bento box na dadalin ko para sa kanya. Yes, out of nowhere naisipan ko siyang dalhan ng lunch.

Namimiss ko na kase ang kumag na yun, hindi ko maiwasang malungkot dahil halos hindi na naman kami nagkikita mula nang umuwi siya at puntahan ako sa bahay.

Naramdaman ko ang pagiinit ng mukha ko ng bumalik s isip ko ang naganap sa amin ng araw na iyon.

That day was one of the happiest day of my life.

Hindi lang dahil sa pagmamahal ko sa kanya, kundi, mas napatunayan ko sa sarili ko na wala akong kayang mahalin kundi siya lang.

Si Syd lang.

Giving myself to her wholeheartedly is the most amazing moment that happen to me.

Akala ko ang pagiging girlfriend at pagmamahal niya ang tanging magpapasaya sa akin, may i lelevel up pa pala.

And I am looking for more amazing moments with her.

"Hi, Lori." bati ko sa secretary niya pagkarating ko s palapag ng opisina niya.

"Hi gorgeus! Si boss ba?"

Napataas ang kilay ko at bahagyang napangiti.

Malamang.

Sino pa kaya.

Mahinang napatawa siya sa reaksyon ko na parang nabasa ang nasa isip ko.

"Sabi ko nga si boss." nakangising sbi niya, "Wait ha, intercom ko lang."

"Pwede bang wag na?" pigil ko.

"Surprise ba?" tukso niya saka lumigid palabas ng booth niya. "Siguradong mawawala pagod ni boss." tukso niya pa habang papunta kami s opisina ni Syd.
She knocks three times, bago ko narinig ang go signal niya. "Enjoy." nakangising sabi ni Lori, inirapan ko nga.

Makasabi ng "enjoy" bakit, maglalaro ba kami sa loob.

Marahan kong binuksan ang pinto, nakita ko ang dami ng papel at folder sa lamesa niya. Nakayuko siya at seryosong nakatingin sa binabasa.

Pinigilan ko ang sarili kong takbuhin siya, seeing her in flesh is a bit overwhelming. Hindi nakakatulong ang tawagan namin palagi at pagcha chat. I still misses her everyday. Na kung pwede ko lang siyang isilid sa bulsa ko, ginawa ko na.

I leaned at the closed door still admiring the beauty in front of me. Hindi ko alam paano niya nagagawa ang maging hot kahit sobrang seryoso niya. And with that eyeglasses. . .

Shit lang.

"What is it Lori?" tanong niya nang hindi pa rin tumitingin sa gawi ko. I didn't move an inch, gusto ko munang pagsawain ang mata ko sa kakatingin sa kanya. Oo, ganoon ko siya kamiss. "Lori- - - . . . B-babe. . ." gulat na napatayo siya saka mabilis na lumapit sa akin. "W-what are you doing- - - . . ."

Mabilis ko siyang sinalubong saka niyakap ng mahigpit.

Bwisit.

Hindi ko alam bakit naiiyak ako ngayong yakap ko na siya at nakikita. Parang ang OA  naman ng reaksyon ko, but I can't help it.

Crossing the line (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon