EM
"Ai, baliw lang?" natatawang tukso sa akin ni G, umiral na naman ang pagkatsismosa na pasimple pang tumitingin sa phone ko. "Wag ko ng hulaan kung sino 'yan." nakangising tukso niya pa rin.
"Mind your own business." irap ko naman sabay tago ng phone ko.
"Alam mo ikaw. . . bakit hindi mo pa sagutin?"
"Tss. Ang tsismosa mo kamo." ingos ko, alam na rin nila na nanliligaw sa akin si Syd. And as of now naman, I am happy.
Well, she makes me happy.
Walang araw na hindi siya gagawa ng mga bagay na hindi ko inaasahan. Expected the unexpected nga daw. Yung mga bagay na hindi ko akalain na magagawa niya, nagugulat na lang at na kaya niya pa lang gawin. Or may kakayahan pa lang siya gawin.
Her most sweet sides na akala ko nakita ko na, mas may ikaka-sweet pa pala siya.
She always makes me feel special and loved.
Kahit pa wala namang nagbabanggit sa amin ng beyond 'like' na ang nararamdaman niya para sa akin.
Oo na, the feeling is mutual. Pero hindi ko pa rin siya masagot. I don't know how, honestly. Kahit na gustong-gusto ko na.
"Pakipot ka pa- - -. . . aray ha!" hinampas ko nga, oo ako na talaga ang brutal!
"Pakipot ka diyan!"
"Oh eh bakit? Hindi ba?" lumayo siya ng bahagya ng akmang hahampasin ko ulit siya. "Em, it's obvious. You're inlove." nakangiting sabi niya, nag-init tuloy pisngi ko.
"Ewan ko sa'yo." iwas ko pa rin, pero di ko mapigil ang mangiti. Kung dati awkward na pag-usapan namin, ngayon ayoko lang pag-usapan dahil baka sumabog ako sa pagkakilig.
"Is it because of D?"
Nawala ang ngiti ko, until now hindi ako pinapansin ni D mula ng malamang niya ang panliligaw ni Syd. Actually, hindi na siya nagsasama-sama sa amin. It makes me feel sad and guilty. Pakiramdam ko naging insensitive ako sa nararamdaman niya dahil hindi ko iyon pinaniwalaan. Kay G lang siya sumasagot sa mga text and call para makabalita ako kung kamusta na ba siya.
I just sigh remembering how close we we're before.
"Matatanggap rin niya. Lalo na ngayon, dalawa na kami ni Missy na magpapaliwanag sa kanya."
"Nahihiya nga ako kay Missy dahil nasaktan ko si D."
"Hey. . . nagkausap naman kayo di ba? Walang problema kay Missy, I'll assure you. And please wag mong hayaan na masira yung happiness mo kay Syd dahil kay D. I'm sure D will come along. Just give her time."
"Sana nga G. Ayokong magkasira kami ni Missy dahil sa nangyari. Ayoko rin namang mawala yung friendship namin ni D. She's always been a sister to me."
"And your very vocal naman from the start. Sadyang na-attach lang yung bata sa'yo. Don't blame yourself Em, dahil wala ka namang kasalanan. In the first place si Syd naman talaga ang gusto mo from the start." nanunuksong sabi niya na naman.
"Wow sure na sure ah!" natawa na rin ako sa kanya, ganun siya kabilis mag-change topic!
"Oo kaya. Ang obvious niyong dalawa. Sadyang pareho lang kayong manhid!"
"Sira ulo!"
"Mga bakla!"
Sabay kaming napalingon ni G sa sumigaw sa amin.
"Kamusta?" nakangiting bungad sa amin ni Missy.
"W-what happen to your hair?" shock na tanong ni G, ako naman di pa makaget –over sa new look niya.
Mahaba ang buhok ni Missy ng umalis two years ago. Simple at nakasalamin. Sa amin, siya ang nerdy type. Mahiyain sa iba pero balahura sa amin. And the Missy in front of us is far different. She has now a pixie hair na kinulayan niya ng red ombre. She wears mini maong dress and a boots. No more eyeglasses. Well, she's hot I may say.
"Ganda ba?" she sweetly smiled to us wearing that bloody red lipstick. "Em!" hyper na baling niya sa akin saka ako niyakap.
"Y-you look different." hindi ko maiwasang sabihin.
"Hmm. Yang 'different' ba na 'yan positive or negative comment?" natatawang sabi niya.
"You didn't tell me na magpapagupit ka?" nakasimangot na singit ni G.
"For a change. Didn't you like it?" napanganga ako ng yumakap siya sa bewang ni G!
Okay, I smell something fishy.
"Tss. Kaya pala you don't want video call, ganyan gagawin mo." hindi niya inalis ang kamay ni Missy sa bewang niya. At yung utak ko, nagkakamalisya na sa kanilang dalawa!
"Kasi alam ko hindi ka papayag."
"Tss. Your dress is too short! Tara na nga!"
"As far as I know ako ang conservative ah!"
"Sa bahay tayo mag-usap."
"W-ait. Wait." nabibilisan ako sa kanilang dalawa!
Hindi ko alam kung utak ko ba ang may mali o talagang merong iba sa dalawang 'to na hindi ko alam! Napatingin naman silang dalawa sa akin. Si G, ramdamn kong naasiwa pero si Missy, confident. Humilig pa siya sa balikat ni G at bumulong sa tenga nito.
Putsa.
May something talaga!
"A-are you- - -. . . w-wait. . . I mean. . . k-kayo ba?" turo ko sa kanilang dalawa.
"E-em sa bahay- - -. . ."
"Hindi mo pa nasasabi sa kanya?"
"H-hon- - -. . ."
"What the- - - HON??!!"
Napalakas ata ang pagkakasabi ko dahil pinagtinginan kami doon! Nagugulat talaga ako sa dalawang 'to! Lintek na 'yan. Ganun ako ka-dense?!
Hinila ako ni G na may sinasabi sa akin pero hindi ma-absorb ng utak ko sa ngayon. Si Missy naman panay ay hampas kay G at inaaway ito over something na hindi ko rin maintindihan!
Wala kaming imikan sa kotse, sa likod ako naupo, si Missy sa driver seat habang si G ang driver.
"Explain." hindi na ko makaintay kung sa bahay pa nila sasabihin!
"We're in a relationship, Em."
"Kailan pa?" shock pa rin ako kahit obvious naman sila!
"A year- - -. . ."
"Isang taon! Isang taon na?!" napasigaw na naman ako, dahil talagang nagugulat ako sa sinasabi ng dalawang 'to! "Bakit hindi ko alam?!"
"Hello, nanay ka ba namin?" sarcastic na sabi ni G, short for GAGO siya.
Tss.
"Georgina." mariing bigkas ko sa pangalan niya.
Nagpeace-sign lang ang gago!
BINABASA MO ANG
Crossing the line (COMPLETED)
RomanceI love her first but afraid to cross the line between us. - Sydney dela Rosa I want to risk to cross that line because I love her. - Emerald Galvez - all characters, places and events are all fictitous. Do not copy without the author permission. GxG...