Chapter twenty six: Threat

1K 45 3
                                    


SYD

Halos magdugo na ang palad ko sa higpit ng pagkakakuyom ko doon. Nakailang mura na rin ako sa isip ko at ang galit ko sa tao na nasa harap ko ay lagpas pa sa salitang galit.

"Everything will be settled and the wedding will be held on June like you want it iha." ngiti ng demonyo ang nakikita ko sa mukha ng ama ko. Panay ang hawak ni Lia sa kamay ko at panay rin ang piksi ko. Wala akong pakialam kahit mapansin pa yun ni Dad.

"T-thank you Tito. I always want to be a June bride po." humilig pa siya sa akin na agad kong iniwasan at nagkunwaring iinom ng tubig.

"So how was the gown fitting?" nakangiting tanong ni Dad sa kanya.

Hinayaan ko silang magusap tungkol sa detalye ng kasal namin ni Lia. Kahit konting salita hindi ako umimik. Kahit anong suhestyon hindi ako nagbigay. At wala akong plano, kung kasal sana ni Em yun baka nagkukumahog pa ko.

Hindi mawala sa isip ko ang araw na nagalit sa akin si Em. Sa tagal naming magkaibigan, that was the first time that I saw her that mad. Halos madurog ang puso ko at hanggang ngayon ay apektado ako sa tuwing naaalala ko. Hinihiling kong sana iyon na ang una at huling pagkakataon na masasaktan ko siya. I cannot bear to see her in that state. Masyadong masakit sa puso.

Hindi ko man maipaliwanag sa kanya ang lahat, sana at hinihiling ko sa Diyos na pagkatiwalaan niya ako. I know she wants an explanation but never ask. Minsan ay may ugali talagang ganoon si Em, as long as in the end, you will explained everything further. I just don't know if in this case, maiintindihan niya.

I hope she will.

Mabilis akong tumayo pagkaalis ni Dad. Dinaig ko pa ang robot at literal na sunod sunuran sa mga gusto at sinasabi niya. Hindi ko alam kung anong meron kay Lia para gustuhin niyang ipakasal ako and worst, idahilan ang sekswalidad ko at ipang blackmail ang mga taong malalapit sa akin. "Mang Damian, paki ready na po ang kotse." utos at tumayo na.

"Where are you going?" kunot noong tanong ni Lia, hindi ko siya sinagot at naglakad na palabas ng cafe. Pero sadya atang makapal ang mukha ng babae na to at sumunod pa! "I have a gown fitting Syd."

"So? Am I the designer?" tinalikuran ko siya dahil baka anong magawa ko na sa kanya.

"Hindi ka na nga sumama sa food tasting kahapon pati ba naman sa gown ko?" ang kapal ng mukha talagang manumbat!

"Didn't I tell you that I'm not gonna marry you?" I said as I gritted my teeth. "Just fuck off. Hindi sa lahat kaya niyo kong pasunurin. You want that wedding? Prepare it yourself!"

"Go and I tell Em myself our wedding!"

Matalim ko siyang nilingon pagkasabi niya niyon. Agad ko siyang nilapitan at mahigpit na hinawakan sa pulso. I saw her flinched as I drag her next to me. "Try and I will move heaven and earth to make your life hell." padarag na binitawan ko siya at walang pakialam kung masubsob pa siya.

Hindi ko alam paano niya nalaman ang tungkol kay Em, nang malaman niya ang pagkakabugbog ko, agad niya kong pinuntahan sa bahay ni Lori at pinakita ang lahat ng litrato namin na magkasama. Walang halos intimate captures ang mga litrato but anyone can tell how we, me and Em, feeling towards each other. Kahit masakit ang katawan ko nun dahil sa ginawa ni Dad, hindi ko hinayaan si Lia na manipulahin ako at gamitin laban sa akin yun.

Oo sinusunod ko siya dahil ayokong ipaalam niya kay Dad ang tungkol kay Em, pero kapag siya lang, wala akong pakialam sa kanya. Lalo at bantay sarado siya ni Lori.

Mabilis akong sumakay ng kotse. Wala akong takot na gawin yun dahil mula ng mabugbog ako after what happen to her in the bar, nakiusap siya to take all the bodyguards away from us.

Crossing the line (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon