Chapter seventeen: Plan

1.6K 64 1
                                    


EM

"Tingin mo G?"

"Well, pwede na- - -. . ."

"Tss. Ayoko ng 'pwede' na. I want it perfect."

"Eh di ikaw na ang perfectionist! Tatanong-tanong ka diyan!"

"Georgina!"

Kahit kailan talaga ang babae na 'to minsan talaga hindi kami magkasundo. We're planning for Syd's birthday. Yearly we celebrates it na magkakasama, but this time, gusto ko siyang masolo. That's why I'm planning everything to make it smooth. I want it to be special.

"Ang selfish ng plan mo eh!" ingos niya.

"Ngayon lang naman ah. Saka on her birthday lang naman. Yung celebration na magkakasama tayo pwede naman the next day. May party pa siya sa company ng Saturday, I want to be the first one to celebrate with her." litanya ko, nasabi na kasi sa akin ni Lori ang plano nila sa birthday ni Syd. Mabuti na lang rin at hindi natapat sa mismong birthday niya.

"Gusto mo kamong masolo!" tukso niya.

"Tss. Paki mo ba? May gusto ka ba kay Syd?" naniningkit ang matang tanong ko.

Ang epal eh.

"Ay wow! Ang ganda niya?? Selosa!" binato niya ko ng chips.

"Hoy wag kang magdumi dito sa opisina ko! Sira-ulo ka. Saka maganda naman talaga si Syd." eh, totoo naman eh.

"Tsk. Tsk. Tsk. Malala ka na Em." nandidiri kunwaring sabi niya.

"At least ako, 'HONEST' ewan ko sa iba diyan." balik asar ko sa kanya. Naiintindihan ko naman na sila ni Missy, pang-asar ko na lang talaga sa kanya ang bagay na 'yun lalo na kapag wala na kong maibato sa kanya.

"Move on! Tss. Anyway, ako na bahala sa décor praktisan mo na lang mabuti yung gagawin mo." oh di ba, change topic agad si gaga.

"Kaya mo ba 'tong kapain?" inabot ko sa kanya ang papel ng gusto kong praktisin. Sa aming lahat, si G ang pinagpala sa music. Lalo na sa paggamit ng iba't-ibang music instrument. Halos alam niya lahat gamitin. Isa rin yun sa dahilan kung bakit sikat siya during our college days.

At isa na rin siguro yun sa dahilan kung bakit nahulog si Missy sa kanya.

"Bago ba 'to?"

"Yup."

"Saktong-sakto ah."

Tumango ako, dahil totoo yun.

"Kaya nga nagustuhan ko. Tamang-tamang sagot sa tanong niya." napangiti ako habang nakatingin sa papel na hawak ko.

Every lyrics in that song, sobrang patama sa aming dalawa ni Syd. At gusto kong halikan sa tuwa ang composer niyon. I know it would just take a while at sisikat ang kanta na iyon.

"Sige pag-aralan ko mamaya. Search ko na lang ang kanta para mapakinggan ko mamaya. Yung food pa'no pala?"

"Ako na bahala- - -. . ."

"Si Missy na lang. Baka ma-haggard ka nun mauntog bigla si Syd- - - . . . aray!"

Batukan ko nga!

"Wala ka talagang sasabihing matino!" amba ko pa ulit sa kanya pero nakailag si gaga.

"Hahahaha. Alam mo, goodluck talaga kay Syd. Battered girlfriend yung pag nagkataon." tukso niya pa rin.

"Tss. Hindi ko talaga alam kung ano nagustuhan sa'yo ni Missy!"

"Aba, aba, aba. Etong ganda na 'to papalagpasin niya pa ba? I don't think so." mayabang na pabida niya.

"G, how did you know that you like Missy more than a friend?" I asked her after I see the glow in her eyes just the mere fact of hearing Missy's name.

Ganun siya ka-inlove.

Maang napatingin siya sa akin at kahit ata pigilan niya ang mangiti, napangiti pa rin siya. "Well. . . from the start pa lang na makilala ko siya. It's a girl crush at first but eventually turn into something special." nakangiting sabi niya, nagblush pa nga ang luka-luka.

"Ganoon lang?" takang tanong ko.

"What do you mean 'ganun lang'?"

"Hindi ka naconfuse?"

"Em, bisexual ako. Confusion was never into it." natatawang amin niya, nagulat ako dahil hindi ko alam 'yun. "Wala namang may alam sa inyo." sagot niya sa tanong sa utak ko, na parang narinig niya. "It's because no one dare to ask. Anyway, I am not a closet bisexual naman. Lantad ako sa family ko and they all accept me. Gets ko naman bakit hindi kayo nagtatanong, wala naman akong karelasyong babae nun." natatawang pa ring sabi niya na parang hindi big deal ang ginawa niyang pag-amin sa akin.

"Why you didn't tell us?" nakangusong reklamo ko, dahil kung alam ko lang nun baka hindi na ko nahirapang i-analayze ang nararamdaman ko towards Syd.

"Eh di wow. Paano?" tumayo siya sa harap ko at namewang na parang kasali sa beauty contest. "'Ahm guys I am bisexual.' Ganun ba?" sarcastic na sabi niya. "Tingin mo hindi kayo ma-sha-shock? Besides, I and my family have always been very vocal. Sadyang manhid ka lang Em dinamay mo pa si Syd."

Totoo rin naman yun.

"Ang akala ko kasi it was all a joke." nakangiwing sabi ko. "Ganun ako kamanhid?" nasabi ko na dapat ay sa sarili ko lang.

"Ay oo naman! Anesthesia ata ginatas mo nun eh! Hahahahahaha."

Sira-ulo.

"But seriously Em, just follow your heart. I know this may sound so cliché, but it's always worked. Your heart will always find ways to where she truly belongs." seryoso pero nakangiting sabi niya. "Don't mind others, what's matter is, just you and Syd. Kayo naman ang involve in the first place eh. Yung feelings niyo muna ang unahin niyo bago ang ibang tao na magiging parte ng relasyon niyo. I know na dun rin kayo pupunta." sabi niya agad dahil balak ko pa sanang umapela.

But then, she's right.

I know from my heart na dun rin kami pupunta.

At alam ko rin na kay Syd na ang puso, sa kanya lang. . .

At wala ng iba pa.

Crossing the line (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon