EM
"Hi Tita!"
"Ang aga mo, anak." sinalubong ako ni Tita Sherly, Syd's mom, galing sa kusina. "Nagpe-prepare pa lang ako ng luncht." sabi niya after a hug and kiss from her.
"Okay lang po, tita. Sa labas na lang po kami kakain. Okay lang po ba?"
"Hay naku! Mabuti pa nga. Kesa naman nagmumuk-mok lang yung bata na 'yun sa taas! May nangyari ba, Em? Halika muna nga dito." aya ni tita papasok ng dining area. "Mag-juice ka muna bago mo akyatin."
"Medyo nagtampo lang po tita." nakangiwing sabi ko, nakita ko pa ang pigil na tawa ni tita.
"LQ pala- - -. . ."
"Tita." maktol ko, isa rin kasi siya sa nanunukso sa amin ni Syd.
"Hihihihi. Eh ano pala?" natatawa pang dagdag niya. Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko sa panunukso niya sa akin. "Em, wala namang masama kung kayo ang magkatuluyan ng anak ko. Buong puso kong tatanggapin."
"Tita! P-parehas kaya kaming b-babae."
"Eh maano naman! Aba, wala namang masama. Hindi lang naman sa babae at lalaki ang pag-ibig. Kita mo nga kami ng Daddy ni Syd, hindi ko naman inakala na may nauna pala sa akin! Tinamaan ng kulog na lalaki na yun!" napangiwi ako dahil nag-uumpisa na naman si tita sa rants niya.
Anak sa pagkadalaga ni tita Sherly si Syd. Huli niya na nalaman na ang taong inaakala niyang magmamahal sa kanya na walang kahati ay may asawa at anak na pala. Meaning, ginawa siyang kabit. Mas ginusto niya na lang na lumayo kesa ang makasira ng pamilya. But Syd's dad didn't want that, gusto niyang kuhanin si Syd kaya naman nagtago silang mag-ina ng matagal na panahon.
Ten years old si Syd ng makilala niya ang Daddy niya. Matagal na panahon na pilit itinago ni tita Sherly si Syd dahil pilit ring kinukuha ito ng Daddy niya. Kaso dahil na rin sa yaman at impluwensiya ng pamilya ng daddy ni Syd, nahanap rin sila eventually. Mabuti na lang at si Syd mismo ang umayaw na sumama pero hindi sila nilubayan nito hanggang sa nangako si Syd na pagkatapos ng college ay hahawak na siyang firm company na pag-aari ng mga Dela Rosa.
Kung si Syd ang tatanungin ayaw niya ang umasa sa ama o sa kahit na anong yaman o pera nito. Ayaw niya lang na bigyan ng isipin ang Mommy niya lalo na at mas lalong ayaw niya na guluhin pa ulit sila ni Daddy niya. Her father is a very wicked man, na lahat ng gusto kukunin sa kahit na anong paraan.
"Tita, akyat na po ako sa taas." paalam ko, pagkaubos ng juice.
"Oh siya sige, ng lumabas na sa lungga."
Napailing na lang ako saka dumiretso sa taas sa kwarto ni Syd. Napabuga ako ng hangin bago kumatok sa pinto.
"Mom, busog pa ko!"
Napairap ako saka kumatok ulit.
"Mom naman eh!"
Tss.
Hindi na ko nagdalawang isip at kinuha ang spare key ng kwarto niya. Yup I have, binigay niya sa kin during college days at hanggang ngayon naman gamit ko pa rin. Why am I explaining anyway!
"Mom- - -. . ."
"Tss. Bumangon ka nga diyan!" utos ko sa kanya, literal na napatakip ako sa ilong ko hindi dahil sa amoy, kundi dahil ang dumi!
Naghalo-halo na ang amoy ng beer, junk foods at kung ano-anong pagkain na three days na atang nasa kwarto niya. Nagkalat rin ang damit niya sa lapag not to mention na madilim dahil nakasara pa rin ang kurtina niya at this time.
"Ano bang pinaggagawa mo dito sa kwarto mo?!"
"E-em - - -. . . what are you d-doing here?" tarantang napatayo siya at mabilis pa sa alas kwatro na nagpulot ng kalat sa kwarto niya.
Ang dumi!
"Tss. Linisin mo yan! At pwede ba, maligo ka nga! Ang baho mo!" sabi ko kahit na hindi ko naman siya naamoy.
"H-hindi naman ah!" amoy niya sa sarili niya. Alam ko namang hindi, knowing her, kahit pawisan siya at hindi maligo ng three days mabango pa rin. "Bakit ka ba nandito?"
"Papasok ka sa banyo o kakaladkarin kita?" hindi ko pinansin ang tanong niya. Tinaasan ko siya ng kilay at humalukipkip sa harap niya. "Don't make me count Syd."
"Damn! Oo na!"
Mabuti naman pala at may takot pa rin sa kin ang kumag na 'yun.
Napangiwi ako sa nakita kong kalat sa kwarto niya. Napailing na lang ako habang dinadampot ang mga kalat niya. Parang binagyo ang itsura niyon. After almost an hour, halos nalinis ko na ang kwarto niya. Kakaupo ko sa kama ng lumabas na si Syd ng banyo at halos manlaki ang mata ko ng lumabas siyang nakatapi lang!
"H-hoy! B-bakit hindi ka pa sa b-banyo nagbihis!" peste, bakit ba nauutal ako!
"I forgot to get my clothes! Tss." dumiretso siya sa closet niya at ako naman, putsa, tulala!
Parang nanuyo ang lalamunan ko at di maalis ang tingin sa kabuuan niya. Mula sa buhok niyang tumutulo pa ang tubig hanggang sa balikat niyang expose dahil naman! Tuwalya lang ang nakatakip sa katawan niya! At hanggang kalahati lang ng hita niya yun! Konting tuwad na lang makikita na ang hindi dapat makita!
Did I mention that she is sexy?
That long legged legs of her that inviting me to touch. Her creamy white skin that anybody is dying to have. And damn, those sexy butt.
Parang lalagnatin na naman ako!
"Done checking me out?" hindi ko namalayan na nakaharap na siya. Sumandal pa siya sa hamba ng closet niya.
Parang slowmo pa ang paglapit niya sakin, I remained speechless and mesmerized by her beauty.
"You can touch it, babe." kailan pa naging seductive ang boses ng babae na 'to. Napalunok ako ng ilapit niya ang mukha niya sa kin at titigan ako sa mukha pababa sa labi ko.
Napaigtad ako at tila bumalik sa wisyo dahil sa tunog ng cellphone. Save by a fucking cellphone!
"M-magbihis ka na nga!" para akong si the flash na lumabas ng kwarto niya at bumaba sa kusina.
Napainom ako ng tubig ng wala sa oras dahil pakiramdam ko talaga uminit ang lahat sa akin!
Damn.
Parang nagplay back pa sa utak ko ang itsura ni Syd kanina.
Pati paglakad niya, paglingon at pagsasalita parang slow mo sa pelikula. It's like she's seducing me and I hate to admit it that I am totally seduced!
Shit.
Mahirap 'to
BINABASA MO ANG
Crossing the line (COMPLETED)
RomansaI love her first but afraid to cross the line between us. - Sydney dela Rosa I want to risk to cross that line because I love her. - Emerald Galvez - all characters, places and events are all fictitous. Do not copy without the author permission. GxG...