Chapter fourteen: Moody

1.8K 65 0
                                    


SYD

"Gising na siya?"

"Hindi pa ate, mamaya pa yun. Ang aga mo kaya."

Nangiti ako sa tinuran ni Lita, stay out na kasambahay ni Em. I'm here at her place at this early dahil ipagluluto ko lang naman ng almusal ang reyna ng buhay ko.

Yes.

My queen.

Napailing na lang ako dahil ang aga-aga, ang corny-corny ko. Cheesy and corny. Ganito ata talaga kapag inlove. Nothing will ruin your day and all that you see is bright colors. Vibrant and happy, ganun palagi ang nararamdaman ko mula ng mag-umpisa akong manligaw kay Em a month ago.

Hindi ko maiwasan ang mangiti palagi lalo na sa epic reaction niya nang aminin ko sa kanya that I like her and want to court her. Shock was evident in her face that time pero halata naman ang pamumula ng mukha niya.

She didn't say yes but she didn't bother to stop me when I start courting her. Actually she laid her conditions already, iyon ba ang hindi payag? At ramdam kong mapapasagot ko siya. Ang ganda ko kaya!

I start cooking her breakfast at kahit na panay ang usisa ni Lita I just keep on smiling at her. Alam ko ring nagtataka siya dahil madalang na kong magtambay dito sa bahay ni Em. Isa kasi yun sa kondisyon niya, not to stay at her house. Yung tipong dun na ko nakatira. Kahit na ayoko at hindi ako sanay, sinusunod ko.

"What are you doing here?"

"Good morning too, babe- - - . . . err- - - . . ." isa pa yan sa mahigpit na bilin niya, to NEVER as in never called her babe. Kainis di ba? "- - -. . . I mean Em." I smiled widely at her.

Just the mere sight of her standing there with just her usual loose shirt at cotton shorts makes me go insane. Hindi ko maiwasan ang tingnan at titigan siya mula ulo hanggang paa.

Ang sexy at hot niya!

"Lita, eto yung advance mo." baling niya sa dalaga, working student ito. Sa gabi nag-aaral habang sa umaga nandito siya kay Em. That's one of the million things I like about Em. Akala ng marami masungit at mataray lang siya. But deep in that hard rock face outside is a soft hearted woman. Madali siyang maawa sa taong malapit sa kanya o napalapit sa kanya. Anak si Lita ng janitress niya sa bakeshop na kahit may edad nagpumilit pa ring magtrabaho. But the old woman got into accident kaya naman tinulungan niya ang anak nitong pinapaaral. Gusto man niyang ipasok sa bakeshop niya under age pa si Lita.

"T-thank you, ate. Pasensya ka na te ha. . ."

"Okay lang. Basta mag-aral kang mabuti, okay. Kumain ka na?"

"Oo 'te. Sa likod muna ko 'te."

Tinanguan ko lang siya ng mapatingin sa akin. Naandun na naman ang nanunuksong ngiti niya.

Napailing na lang ako saka inasikaso na ang reyna ko.

"Tea or juice ba- - -. . . E-Em?" hindi ko talaga makasanayan na tawagin siya sa first name basis niya.

"Tss. Bakit ang aga mo dito?" walang ngiting tanong niya, badtrip ata ang reyna ko. Umupo siya sa tapat ko

"Did you wake up at the wrong side of the bed?" nakangiti pa ring tanong ko. I put rice on her plate pero tinabig niya ang kamay ko.

"Wala kang sinasagot sa tanong ko. Nabubwisit na ko." ang sungit!

"Ang aga-aga nagsusungit ka." nakangusong sabi ko, nakakasama ng loob ah! Inirapan niya lang ako saka nag-umpisa ng kumain. Hindi man lang ako inalok!

Tumayo ako at kukuhanin na sana ang gamit ko sa counter island. Ayokong patulan ang pagsusungit niya, nakakatampo lang talaga dahil parang hindi niya nakita ang effort ko ngayon.

"I'll go ahead- - -. . ."

"Tss. Umupo ka na. Ang dami-dami nitong niluto mo tapos hindi mo ko sasabayan."

"Kulang na lang paalisin mo ko eh." nakangusong reklamo ko pa rin.

She's mumbling something at panay ang irap sa akin. At hindi ko talaga magets kung ano!

"Hey bakit ba? Did I do something wrong?" nilapitan ko siya kahit sobrang sama talaga ng tingin niya.

"Tss." irap niya na naman! Jusko, matutuyo ata matris ko sa kanya ngayon!

"Red days mo ba- - - . . . ouch!" sinapak niya ko sa braso! "Hey! I'm just asking- - - . . . ouch, b-babe!" nanghampas na naman! Mas malakas pa sa nauna! Hinawakan ko ang magkabilang kamay niya dahil promise, mabigat ang kamay niya!

"I'm losing my patience Em- - -. . ."

"Nakakainis ka! Ang harot-harot mo!" she cuts me off, her eyes giving me death glares.

"W-what?" kunot-noong tanong ko, hawak ko pa rin ang kamay niya kahit todo piglas siya.

"Tss. Ang harot mo! Underage pa si Lita!"

Okay, parang nagbuffer 'yun sa utak ko.

"And how Lita came to the picture?" I swear, hindi ko alam!

"Tss. Tamis ng ngiti mo eh ano. Lumayas ka nga sa - - -. . ."

"Hahahahahahaha!" I can't help not laugh ng makuha ko ang sinasabi niya.

Damn!

Niyakap ko siya kahit na todo ang piglas niya sa akin. Yung ngiti ko, hindi mapuknat!

"You're jealous huh."

"Hindi! Asa!" nanlalaki ang matang sabi niya, halata yung gigil sa akin.

"Babe. Babe. Babe." I chant my endearment to her, yakap ko pa rin siya. Nilayo ko siya saglit at kahit na nakasimangot pa rin at todo kunot ang noo niya di ko mawala ang ngiti ko. "I'm yours, heart, mind, body and soul." natawa ako ng may tunog ng magbaba siya ng tingin at yung mukha niya, pulang-pula na. "She's just a kid, don't get jealous." I teasingly say to her.

"Hindi nga kasi eh!" deny pa more si ateng kahit parang kamatis na ang mukha niya.

"Oo na, sabi mo eh." tukso ko pa rin sa kanya, kahit ata mahold up ako ngayon hindi ko iindahin sa sobrang saya ko.

"Sydney!" gigil na piksi niya, I still hugging her, oo na, nanamantala ako. Bakit ba, tagal ko na siyang hindi nayayakap eh.

"Let's eat na?"

"Tss."

Nakanguso pa rin siya pero hindi rin naman umaalis sa pagkakayakap ko.

"Hey. . . no one, and when I say no one, as in NO ONE, can ever replace you. I like you babe. Nanunukso lang si Lita, ang selosa mo." ayun na naman ang pandidilat niya, aapela pa sana siya pero agad kong tinakpan ng hintuturo ko ang bibig niya. "One more protest and I'm gonna kiss you."

"Sy- - - . . ."

Tsup!

I give her a smack kiss, gusto ko sana matagal pero ayokong masampal. Pulang-pula ang mukha niyang itinulak ako, tatawa-tawang hinapit ko naman siya sa bewang.

"I warned you, right?" I said, still teasing her.

Damn, kahit smack lang yun, it's still taste sweet.

Imbes na magsalita inirapan niya lang ako. Napapitlag siya ng hapitin ko ulit siya papalapit sa akin. I hug her again.

Hindi ako magsasawa na damhin siya ng ganun kalapit.

"Damn, babe. Ano bang gayuma ang binigay mo sa akin." bulong ko sa kanya, mas nilapit ko siya sa akin. I felt her stiff a bit.

Alam mo yung pakiramdam na parang sasabog yung puso ko sa sobrang saya at pagmamahal sa kanya. Ganun.

Ganun ang nararamdaman ko ngayon.

"I'm already addicted to you."

Crossing the line (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon