Chapter twenty: First

2K 63 2
                                    

EM

“Oh para kang nalugi diyan?!” sita ni G pagkapasok sa opisina ko.

“G, can you text or call me?” imbes, sagot ko.

“Ay, parang tanga lang? Kaharap mo na ko ah!”

“Basta nga! Gawin mo na nga lang, hindi ko naman sasagutin yung tawag mo!”

“Demanding???” pinandilatan ko siya ng mata dahil nag-aasar pa! Maya-maya lang tumunog ang phone ko with G’s blank message followed by her miscall.

Peste.

Gumagana naman pala!

Badtrip na nilapag ko sa mesa ang phone ko. It’s been a month simula nang umalis si Syd from states. Business as usual. Two weeks ko pa lang siya nasolo after her birthday which we became official.

Yes.

Kami na. Magpapakipot pa ba naman ako.

Kaso nga two weeks ko pa lang siyang nasosolo. Ni hindi kami nakapgcelebrate ng monthsary dahil ang dapat na one week lang na pagstay siya sa states umabot ng isang buwan. At kaya lang naman ako nagkakaganito dahil two days na kaming hindi nakakapag-usap ni Syd. Even chat or text and I’m started to get worry.

“Busy nga di ba? Sinabi na nga sa’yo ni Lori ah.” napasimangot ako dahil bakit kay Lori nakapagsabi siya sa akin hindi?

Tss.

Miss na miss ko na siya.

Naiiyak na nga ako sa gabi sa sobrang pagkamiss ko sa kanya. Pero hindi ko pinapahalata sa kanya dahil baka mag-aalala siya at ayoko namang maging isipin niya ako. But deep inside me, gusto-gustong ko na siyang pauwiin. Kaso it’s childish and immature. Lalo na at alam ko naman kung gaano kalaki ang responsibiidad niya sa kumpanya nila. Kaya heto ako, nag-aantay na lang.

“Oh uwi ka na?” sita ni G pagkakuha ko ng gamit ko. Wala rin naman akong matatapos better yet umuwi na lang.  Baka sakaling mas malibang ako kesa ang mabaliw kakaisip kay Syd.

Tinanguan ko siya. “Okay lang naman kung magstay ka pa dito. Magpapasok ka na lang ng food mo - - -. . .”

“Ginawa mo na naman akong matakaw! Tss.” palag niya. “Sama na lang- - -. . .”

“Ayoko.” putol ko agad sa sasabihin niya. Gusto ko ngang mapag-isa eh saka maiinggit lang ako pag nag video-call sila ni Missy na bumalik na rin ng Dubai.

“Damot naman!”

“Tss.”

Inirapan ko lang siya saka lumabas na ng opisina ko. Nagbilin lang ako sa supervisor ko dun saka dumiretso palabas.

“Sure ka ayaw mong samahan kita?” alam kong nag-aalala lang rin si G sa akin, pero may sarili rin naman siya buhay.

“Oo. Manggugulo ka lang naman dun.” tukso ko sa kanya.

“Tss. Mag-ingat ka paguwi ha!” niyakap niya ako saka hinalikan sa pisngi. “Tatawag rin yun. Pag hindi pa, ako na ang magpipilipit sa leeg niya pagdating.” sabi niya na ikinatawa ko.

Sira-ulo.

“Sige na!” taboy ko sa kanya saka ako sumakay sa kotse ko. Dumaan muna ko sa grocery dahil wala na rin akong stocks saka ako dumiretso ng bahay. Ayoko mang malungkot, pero hindi ko maiwasan.

Si Syd lang naman ang nagpapakulay sa black and white na mundo ko.

Nilapag ko lang ang lahat ng pinamili ko saka ako umakyat sa kwarto. Wala ako sa mood magluto at kumain. Gusto ko lang humiga at matulog baka sakaling bukas paggising ko, nasa tabi ko na si Syd.

Crossing the line (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon