Chapter three: Dianne

2.3K 76 0
                                    


EM

"Anong meron?" takang tanong ko pagkakita kay G sa labas ng gate. Kakauwi ko lang galing shop at gusto ko na sanang magpahinga dahil sa dami ng customer kanina. Bukod pa sa maaga akong gigising bukas dahil sa orders na nakaline up bukas para sa meet up.

Aside from my shop, sa online kami unang nag-alok ng cakes and pastries. Kaya naman kahit na may shop na ako, tinuloy pa rin naming magkakaibigan ang mag-alok dun. Especially sa mga regular clients namin. Besides, dun rumaraket si G and D.

"Etong si D ang may kailangan sa'yo- - -. . ."

"Love!" sigaw ni D, pagkalabas ng sasakyan ni G. Ang hyper talaga ng bata na 'to. "Namiss kita." kangusong sabi niya habang nakayakap sa kin.

Mabuti at wala si Syd, kung di magbabayangan na naman sila. Bukod kay Syd kasi, etong si D ay may pagkaclingy rin.

"Hay naku. Kanina pa ko kinukulit niyan na puntahan ka. Magpapaturo sa thesis niya, sabi ko ako na lang eh. Aba! Walang tiwala!" highblood na talak ni G.

"Eh sabi ni ate Missy, si love ang gumawa ng thesis niyo kaya." natawa ako sa sinabi ni D at dahil na rin sa reaksyon ni G.

"Binuko ka na pala ni Missy." tukso ko kay G.

"Aba't teka nga lang!" agad niya kinuha ang phone sa bag niya and I'm sure mine-message niya na si Missy.

"G, mauna na kami sa loob. Lika na, kiddo."

"Love! I'm not a kid! Pwede na nga kitang maging GF eh." napataas ang kilay ko sa sinabi ni D, palagi niyang sinasabi 'yan sa akin kapag tinatawag ko siyang bata.

" May trabaho ka na ba?"

"Wala- - -. . ."

"Graduate ka na?"

"Malapit- - -. . ."

"May ipon ka na?"

"Wala- - -. . ."

"End of discussion. Mag te-thesis ka pa nga lang nanliligaw ka na naman." sermon ko, D is very vocal towards her feeling for me. But I'm not taking it seriously; tingin ko kasi girl crush niya lang ako and it's not she is a lesbian. Nagkaboyfriend na nga siya eh.

"But I want to you to be my girl." seryoso ring sabi niya.

Napabuga ako ng hangin bago ko siya hinarap. "D, you're like a baby sister to me. Kasi wala akong kapatid di ba? Saka confuse ka lang kasi kami palagi ang nakakasama mo. I know it's nothing serious, nasasanay ka lang na kami palagi ang nakikita mo- - -. . ."

"I'll prove you wrong, love. Gusto kita. Gusto talaga kita. And after graduation, liligawan na talaga kita." determinadong sabi niya, speechless ako dahil ngayon niya lang inamin sa kin yun. "Mag-aaral muna ako sa ngayon." nakangiting dagdag niya.

Napailing na lang ako habang sinusundan ng tingin si D. Nilapag ko lang ang bag ko sa center table sa sala saka tumabi ako kay D na nakasalampak na sa sahig at nag-aayos ng gamit. I took my phone out ng maramdaman ko ang pag-vibrate.

"Yes?" I rolled my eyes when I heard Syd's voice.

"Got home?"

"Yup. Ikaw?"

"Love, sa part na 'to ako nahirapan."

"Ano yun Syd? Wait lang." hinarap ko si D, dahil hindi ko na maintindihan si Syd sa kabilang linya. "D, wait lang ha."

"It's that giant?"

Tumango na lang ako at tumayo para makalayo kay D. "Ano yun Syd?"

"Si Dianne ba 'yun?" highpitch na tanong niya, kahit na hindi ko siya kita alam kong umuusok na ang bumbunan niya.

"Oo, nagpapaturo sa thesis- - -. . ."

"I'm coming over. Diyan ako matutulog."

"W-what? Wait, di ba may lalamayin kang presentation? Saka Syd, nilulumot na yang condo- - -. . ."

"I don't care! Pupunta ako diyan. Tss. Bwisit talaga sa buhay ko yang bubwit na 'yan."

"Tss. Wag ka ng pumunta. Ma-stress lang ako sa inyong dalawa eh."

Magbabangayan lang kasi sila sigurado.

"No. I'm coming over, bye babe."

"W-what the- - -. . ." binabaan niya ko!

Bwisit talaga oh.

"Oh bakit nabadtrip ka?" tanong ni G na kakapasok lang.

"Tss. Hay naku! Ano bang meron at dito nagsusumiksik sa bahay ko." asar na reklamo ko.

Ang dami-dami ko pa kasing gagawin eh tapos sigurado magre-referee lang ako sa dalawang 'yun.

Isang isip bata at isang pumpatol sa bata!

Peste.

"Ganda mo kasi teh! Hahahahaha." tawang-tawa sabi ni G, napapikit na lang ako sa inis. "Ako na magluto, magugutom ako sigurado sa action scene mamaya." tukso niya pa!

Isa ring gaga.

Ewan ko rin ba sa dalawang iyon kung bakit hindi sila magkasundo. Last year lang namin nakasama sa barkada si D. Kakukuha lang rin kasi sa kanya ni Missy mula sa stepmother niya na never niyang nakasundo. D was broke that time, physically abuse by her own mom. Awang-awa kami sa kanya, bukod kay Missy, ako ang una niyang nakasundo which is odd, dahil hindi naman ako masalita. Mula rin non, sa akin na siya palaging nakadikit. On to top it all, clingy rin siya katulad ni Syd. Kaya siguro hindi sila magkasundo.

"Love, maganda ba yung construct ko ng english?" napatingin ako kay D, na sumunod na pala sa akin. Inabot niya ang papel na pinapacheck niya sa akin.

"D, please wag na kayong magbangayan ni Syd." out of nowhere na sabi ko. Wala ako sa mood na mging referee today eh.

"Basta di ka nga niya aagawin sa akin, no worries, love." kangising sabi niya.

Napailing na lang ako saka pumunta na ng sala. Mukhang wala na kong magagawa para magkasundo sila. Anyway, it's not my problem anymore. Ang ayoko lang talaga, naririndi ako sa ingay ng bangayan nila.

Crossing the line (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon