SYD
I can't help not to smile kahit na pilit kong pinipigilan iyon dahil sa nakitang kong reaksyon ni Em kanina. Daig ko pa ang nakalutang at high sa drugs knowing na, well in my opinion, nagseselos siya!
Damn!
Kahit na hindi ko naman intensiyon na pagselosin rin siya gaya ng pagseselos ko kagabi kay D, quits na kami ngayon. Nawala lahat ang agam-agam ko about her feelings for me too. Kahit na, wala naman siyang inaamin sa akin.
Yes.
Last night was an eye opener for me. Lalo na nung tinanong niya ko kung nagseselos ako kay D. Dun ko napatunayan sa sarili ko na iba na 'to. That my feeling for her was beyond friendship. That it is more than that.
A realization strike me lalo na ng makita ko na yakap siya ni D. I want to punch that brat kid! I want to tell to that kiddo that Em is mine, MINE alone.
Na hindi ko pala talaga kakayanin na makitang may yumakayap, humahawak at nagpapasaya sa kanya na hindi ako ang dahilan o gumagawa. I see red all over!
Matinding pagpipigil ang ginawa ko para lang hindi kaladkarin palabas ng bahay ni Em si D. Si G naman, todo tukso pa! Tuwang tuwa pa ata sa nakikita, or should I say, 'pinapanood' niya.
"Tsk. Tsk. Tsk." napalingon ako sa taong pumalatak sa akin, sa sobrang saya ata hindi ko namalayan na nakapasok na siya. "Saya ah." sarkastiko ang ngisi niya pero kita naman sa mata niya ang inis at talim ng tingin sa akin.
"Nagpapahinga si Em, don't bother her- - -. . ."
"I know. You don't need to tell me what to do." napairap na lang ako at ipinagpatuloy ang ginagawa ko.
"So, anong ginagawa mo dito, brat."
"Stop calling me that! Tss." napataas ang kilay ko, because she is furious. "Do you like Em?"
"It's none of your business."
"It is! I like her- - - no, I love her!"
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "So?" I started counting para kumalma ako. It is not right na patulan ko ang bata na 'to.
'Sabihin mo, hindi mo dapat patulan dahil wala kang karapatan!' tuya ng isip ko.
"I'll court her and there's nothing you can do para pigi- - -. . ."
"I will not. Alam ko namang at the end, I will win her. And that will lead you broken, kid." pang-asar ko sa kanya, it was just a bluff, but deep in my heart I know and feel that I would win Em's heart. And I will, no matter what.
'Confidence eh?'
"So, I think that's your cue to back off." mayabang na dagdag ko pa.
Kulang na lang magbuga siya ng apoy sa talim ng tingin niya sa akin. "I will not." napangising lumapit siya sa akin na ikinataas ko ng kilay. "As if you have the guts to tell her what do you feel. You are a coward, Syd." may halong pang-iinsultong sabi niya pa.
"Y-you brat- - -. . ."
"Tss. Hamunin mo ko kung kaya mo ng sabihin sa kanya ang nararamdaman mo. Eh baka nga kahit sa sarili mo hindi mo maamin kung anong pagkatao mo, kay Em pa kaya." naikuyom ko ang kamay ko dahil sa sinabi niya. "As far as I remember you're not into girls neither a bisexual. Baka naman alien ka!" pang insulto niya pa! "You cannot stop me. Unless, you have the balls to tell her who you really are. Which I think you don't have."
Narinig ko pa ang nakakainsultong tawa niya palabas ng kusina.
"Damn it!" inis na naibato ko ang basahan sa lamesa sa badtrip ko sa batang 'yun! Gusto ko siyang sundan at lamutakin ang pagmumukha niya!
Frustration coming tru me, because she is right. Damn, right!
Natatakot akong gumawa ng hakbang dahil hindi ako sa sigurado sa maaring maging reaksyon ni Em. Sigurado ako na kahit paano, kahit konti, may nararamdaman siya sa akin. But the question is, is it the love that I want? Or just a friendly love na ina-assume ko lang na beyond friendship.
Yes.
Inaamin ko na sa sarili ko that I love her.
More than a friend.
Kagabi ko lang naamin sa sarili ko na pwede pala akong magmahal ng kapwa babae. Na hindi ko iniisip ang sasabihin ng iba. Na wala akong pakialam sa panghuhusga nila.
But I don't want to make a move yet. At least, not now. Gusto ko munang makasigurado sa kanya. I don't want to lose her, which was not even an option. Even just the friendship kung hanggang dun lang talaga ang kaya niyang ibigay sa akin.
Pipilitin kong tanggapin but I won't accept it without a fight. Gagawin ko lahat ng paraan para mahulog siya sa akin.
And definitely I have my ways. Napangiti ako sa mga ideyang naiisip ko to make her fall.
"Did I hear D?" kunot noong napalingon ako sa tanong niya.
Namamanghang humarap ako sa kanya. "Really, Em?" tinalikuran ko siya dahil hindi ako makapaniwalang si D ang hinahanap niya! "Magpahinga- - -. . ."
"Ang OA mo makareact. Dumating ba siya?"
"Tss." mas sumama pa ang mukha ko dahil she thinks that I am over reacting!
"Problema mo?" nakaupo na siya ng lingunin ko at nakasimangot na nakatingin sa akin. "Nagtatanong lang ako dahil parang narinig ko ang boses niya- - -. . ."
"Hah!" nakagat ko ang labi ko sa sobrang badtrip! "I was the one taking good care of you pero iba ang hinahanap mo?" I know I sound sarcastic but who cares!
And this woman doesn't even care!
"Sydney nagtatanong- - -. . ."
"Exactly! That is exactly the point!" hindi ko mapigilan ang sigawan siya. "Ako ang nandito. Ako ang nasa harapan mo. Pero iba pa rin ang hinahanap mo." gigil na sabi ko, pinipigilan ko ang magalit dahil ayokong magalit sa kanya. Lalo pa't maysakit siya. "Nagmamadali pa kong makapunta dito para asikasuhin ka tapos 'iba' pa talaga ang hahana pin mo! And of all people, si D pa talaga?!"
"Hindi ko siya hinahanap! Bwisit ka." hingal na sabi niya, napapaos pa ang boses niya. "Kung manunumbat ka sa pag-aalaga mo sa 'kin, hindi ko hiniling yun sayo! Gago ka. At mas lalong hindi ko sinabi na puntahan mo ko dito! At teka nga, nagbibilang ka na ba ng mga nagagawa mo para sa akin?!" galit na sabi niya.
"Umakyat ka na. Padating na si G, siya ang makakasama mo." nasasaktan ako at ang nakakainis, wala akong karapatan. Nilagpasan ko siya at hindi na nilingon pa kahit na narinig ko pa ang paos na tawag niya sa akin.
Dire-diretso ako sa sala at pabalang lang na kinuha ang bag at blazer ko.
"Oh akala ko dito ka mag - - -. . . Syd!"
Hindi ko pinansin si G at diretso lang ako sa kotse. Mabilis ko minaneho yun at huminto lang ako ng makalayo na ko sa bahay ni Em.
"Damn it!" hampas ko sa manibela. "Damn! Damn! Damn!"
Nafu-frustrate ako dahil bumabalik ako sa isip ko ang mga sinabi ni D. Pakiramdam ko nauubusan na ko ng oras. Pero ang mas masakit, parang matatalo ako sa puso ni Em.
BINABASA MO ANG
Crossing the line (COMPLETED)
RomanceI love her first but afraid to cross the line between us. - Sydney dela Rosa I want to risk to cross that line because I love her. - Emerald Galvez - all characters, places and events are all fictitous. Do not copy without the author permission. GxG...