EM
"It's been delay for a week now. Kung wala kayong magagawang paraan consider it cancelled!" inis na binaba ko ang phone sa table at impit na napasigaw. "Mga gago! Ang tagal tagal na ng order ko wala pa rin ano palagi na lang ako maghihintay! Pati ba naman sa supplier mag aantay ako?! Bullshit!"
Daig ko pa ang baliw na sinisigawan ang phone sa lamesa.
Nagagalit ako at hindi lang yun dahil sa lintek na supplier na yan!
"Don't fucking go there Em!" inis na sabi ko sa sarili ko dahil naalala ko na naman ang walanghiya Syd na yun!
At sa tuwing naalala ko siya. . .
Naiiyak ako.
Peste.
Agad akong tumingala at pilit na pinigilan ang luha na gustong kumawala sa mata ko. Pero ayaw makisama ng mga pesteng luha na 'to at isa isang lumaglag sa pisngi ko.
I hate you Syd.
Yumuko ako dahil hindi ko na maampat ang pagtulo niyon. Akala ko sapat na ang limang araw para magkulong ako sa bahay at ubusin ang luha ko. Pero hindi pala. May iluluha pa pala ako. Just the mere thought of Syd cross my mind, naiiyak na ako.
Hindi lang dahil sa galit.
Kundi, dahil sa pagkamiss ko sa kanya.
Miss na miss ko na siya.
After the last time na dumating siya sa bahay at umalis rin naman, hindi pa siya nagpaparamdam. Ni ha, ni ho wala. Kahit simpleng pangangamusta wala. At mas nagagalit ako dahil pakiramdam ko balewala na ko talaga sa kanya.
Pero mas lamang ang nagaalala ako.
Kahit na sinabi ni Lori na okay lang siya at sobrang busy lang talaga. Hindi ko pa rin maiwasang mag alala. Sumasabay pa ang pagtatampo ko dahil nandun naman pala siya at nag e exist pero hindi man lang ako kamustahin.
"Em. . ." pasimple kong pinahid ang luha sa mata ko ng marinig ko ang boses ni G.
"Why are you here?" hindi ako makatingin sa kanya dahil ayokong makita niya ang pamumugto ng mata ko.
"Tss. Wag mo ng itago. Okay ka lang ba?"
Simpleng tanong lang pero parang dam na naman ang mata ko at umagos ang luha doon.
Peste ka talaga Syd.
"Hey. . . tama na yan. . . tumawag sa akin si Mae, nagaalala sayo at kanina pa daw nila naririnig ang pagsigaw mo. Hindi sila makapasok dahil natatakot na sa yo." hinagod niya ang likod ko, pilit kong pinapakalma ang sarili ko pero walang epekto.
Nahihirapan na ako. Ang sakit-sakit sa dibdib ang ginagawa na 'to sa akin ni Syd. Hindi ko alam kung paano ko pa kakayanin.
"A-ang sakit-sakit G."
Hinayaan lang ako ni G na umiyak, hindi siya nagtanong. Isa yun sa golden rule naming magkakaibigan, never ask questions. Magkukwento kami kapag kaya na namin. But the presence of friendship will always be there.
"Okay ka na?" marahan akong tumango at pilit inayos ang sarili ko. "Umuwi ka muna kaya."
Agad akong umiling, "Kakapasok ko lang. At iiyak lang ako lalo doon dahil maalala ko siya. Ano nga palang ginagawa mo dito?" pag-iiba ko, napabuntong hininga si G saka umalis sa tabi ko.
"I told you Mae called me. Saka pinick up ko yung order ni Mrs. De Mesa. Kaya mo pa ba? I mean, may order pa tayo two days from now. Fifty pieces ng blueberry crram cheese. And hanggang ngayon wala ka pa daw nasisimulan." nakangiwing sabi niya.
BINABASA MO ANG
Crossing the line (COMPLETED)
RomantizmI love her first but afraid to cross the line between us. - Sydney dela Rosa I want to risk to cross that line because I love her. - Emerald Galvez - all characters, places and events are all fictitous. Do not copy without the author permission. GxG...