Chapter four: Jealous

2.1K 77 1
                                    


SYD

Nagmamadaling niligpit ko ang mga gamit sa mesa para makapunta kina Em. I would not let that brat kid take advantages with what's mine.

Oh wag ka ng pumalag dahil from the start, inangkin ko na talaga si Em. Whether she like it or not.

"Oh aalis ka na?" tanong ni Lori, secretary and a friend into one.

"Yup." di ko na siya tiningnan kumahog akong nilalagay ang sandamakmak na folders sa bag ko.

"But, we're still have a presentation to make. Baka nakalimutan mo?"

"Just e-mail them to me- - -. . ."

"At paano naman?"

"Tss. Scan it all. Think Lori."

"Hey I'm not stupid huh! Imposible ang pinapagawa mo 'boss'." emphasizing the word 'boss' to me. Alam ko namang imposible dahil kailangang tutukan ko iyon. Lalo na at malaking kumpanya ang pag-pe-presentan namin.

But I don't fucking care it right now.

"Just do what I say, secretary kita. It's your problem not mine. I have- - -. . ."

"Tss. Secretary ako yes, but not a magician! Be responsible nga Syd. The engineering team are already at the conference room. Ikaw na lang ang iniintay. Alam mong kailangan ka dun. Ano na naman ba ang pagkaka-busyhan mo?" kunot na ang noo ni Lori, which means, she's already pissed off. "Ikaw pa naman ang OIC ng kumpanya, tapos ikaw ang wala? Mag-isip ka nga."

I know she has a point, but siya na rin ang nagsabi, I am the OIC kaya ako pa rin ang masusunod.

"Just cancel the meeting and we'll talk about it first thing in the morning. Please Lori." pigil ko sa pagsabat niya na naman. "Just do what I say, kung di mo kaya ang pinapagawa ko, siguro naman ang pag-cancel ng meeting kaya mo." sarcastic na sabi ko.

She just sighed before turn around at me. "I'll just e-mail them and ikaw na ang bahalang mag-approve." Napangiti ako ng lihim sa narinig ko. Knowing her, she very responsible when it comes to her work.

"And Lori, please stop texting and calling Em. Kung hindi mo ko makontak stop pestering her." seryosong sabi ko, naalala ko kasi na todo reklamo sa akin si Em dahil sa pangungulit ni Lori.

And by the way, Lori is bisexual. At ang mga ganung galawan, alam na alam ko na.

"Pati ba naman 'yun? Personal life ko na 'yun!" apila niya pa.

"And san mo nga ba nakuha ang number ni Em?"

"Kay G. Bakit ba? Eh single naman yung tao. Kung makabakod ka, girlfriend mo?" pang-asar na birada niya! Masasakal ko si G.

"Tss. Wala kang pake. Em is not available and will never be. Got it? Kung ayaw mong magkabanggaan tayo leave Em alone." seryosong sabi ko, sana makuha niya ang gusto kong iparating sa kanya.

Nagmamadaling pumunta na ko ng parking at dumiretso sa kotse ko. After a few minutes nakarating na ko sa apartment ni Em. Nasa pinto pa lang ako rinig na rinig ko na ang malakas na tawa ni D. And it annoys the hell out of me.

"You're so funny, love! Hahahaha."

"Dianne! Tigilan mo ako ha! Bumalik ka na sa sala at gawin mo na yung pinapa- - -. . . Dianne!"

"Hahahahaha."

Nabadtrip ako lalo ng makita kong yakap ni D si Em sa bewang at pinapahiran ng harina sa mukha. Such a sight! Tss.

"Syd, diyan ka pala." nakangising pansin sa akin ni G. "Oh baka mamatay na, hinay-hinay lang sa pagtingin." sinamaan ko siya ng tingin at napa peace sign na lang siya.

"Babe." tawag ko kay Em, nilapitan ko siya at hinatak palayo kay D.

Nababadtrip ako at gusto kong sapakin ang batang 'to.

"Ang killjoy mo giant! We're having fun here eh." simangot na palag ni D.

Kinuha ko ang towel sa lamesa at pinunasan ang mukha ni Em na puros harina. "Uy, tapos na meeting mo?" tanong niya, walang imik na inayos ko lang ang buhok niyang nakasabog sa mukha niya.

"D, lika na sa sala. Gawin mo na yung thesis mo baka masabugan tayo ng bulkan dito." rinig kong aya ni G.

"Tss."

"Halika na!" kita kong hinatak na ni G si D palabas ng kusina.

"Uy ang seryoso mo." natatawang sabi ni Em, I'm still holding her at her waist. "Wag mo ngang takutin yung bata. Di ka pa nasanay kay D."

"Hindi ko na nga pinatulan di ba?" lumayo siya sa akin saka inayos ang kalat sa lamesa.

"At hindi mo rin pinansin. Ano ka ba? Alam mo namang sa tin pinagkatiwala ni Missy si D di ba?"

"But it doesn't mean na pwede ka niyang tsansingan." mariing sabi ko, pinagtatanggol niya pa!

"Ang malisyoso mo. Eh di ikaw tsansing rin?" natatawang sabi niya pa!

Badtrip talaga.

"Parehas lang naman kayong clingy, anong pinagkaiba niyo?"

"Magkaiba dahil dapat ako lang ang gumagawa nun sa'yo!"

"Tss. Selfish eh?"

"Tss."

"Remind ko lang ha, magkakaibigan tayo. Yung ginagawa niyong pagyakap-yakap sa akin, sa iba iba na ang iisipin. Kasi hindi naman talaga normal na gawain yang pagiging clingy niyo. Pero hinahayaan ko kayo dahil nga nasanay na kong ganyan kayo sa akin. Pero please, Syd, wag mo kong pakitaan ng ganyan- - -. . ."

"Nang ano?"

Kunot na kunot ang noo ko sa pagkabadtrip dahil sa pinupuntahan ng usapan namin.

"Nang ganyan!" inis na ring sabi niya, mariin at mahina ang boses niya dahil siguro ayaw niyang marinig kami nila G.

"Tss. Alam mong possessive ako sa'yo- - -. . ."

"Iyon na nga ang mali. Syd, konting-konti na lang iba na ang iisipin ko- - -. . ."

"Bakit ano ba ang iniisip mo?"

"Tss. Umuwi ka na nga lang- - -. . ."

"Wow. Tapos ngayon pinapauwi mo na ko? Dahil ano? Dahil nandiyan si D!"

"What the- - - . . . a-ano bang pinagsasabi mo?"

"Ikaw eh! Una pumayag kang payakap ng payakap kay D tapos ngayon pinapauwi mo ko. Para ano?"

I know I'm losing my control but I don't care!

Kumukulo ang dugo ko habang panay ang play sa utak ko ng eksenahan nila ni D kanina.

"Dahil nga ganyan ka. My God Syd! A-at anong pumayag na payakap??! Napaka unreasonable mo."

I raked my hair with my hands to control my temper. Dahil ayokong mas mag-away pa kami. Eto pa naman ang pinaka ayaw ko sa lahat ang may pag-awayan kami. Because it means a silent treatment on her part. Ganun siya magalit sa isang tao.

"Akyat na ako sa itaas- - -. . ."

"Nagseselos ka ba kay D?"

Crossing the line (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon