EM
"Really, Em? Stop it! Para kang tanga na nag-aalala pa sa higante na 'yan!" saway ko sa sarili ko, hindi na mabilang kung ilang beses akong sumilip sa bintana sa kwarto ko para lang i-check si Syd. "Ang laki-laking damulag na niyan oh!" badtrip na turo ko pa sa bintana.
Para akong tanga oo, pero hindi ko rin naman maiwasan ang hindi siya isipin at alalahanin. Hindi pa siya umaalis pero hindi rin naman siya sumunod sa akin ng makapasok na ko ng bahay. And I'm glad she respects my decision, kaso hindi naman ako mapakali knowing na naandun siya sa labas at pilit atang pinagkakasya ang sarili sa kotse niya.
Anlakas niyang mangonsensya!
Petse.
"Arrgh!" inis na napasabunot ako sa buhok ko saka lumabas ng kwarto at dumiretso pababa para puntahan siya.
Nakakainis dahil hindi ko siya matiis.
Nakasimangot na kinatok ko ang bintana ng kotse niya at humalukipkip ako sa tapat niyon pagkatingin niya.
"B-babe- - -. . ."
"Tss. Pumasok ka na sa loob." utos ko saka ko siya tinalikuran.
Rinig ko ang pagkumahog niya palabas ng kotse at pagmamadali sa pagsara niyon.
"Umupo ka diyan." utos ko ulit, hindi ko siya tinitingnan dahil baka mayakap ko siya. Kahit na naguguluhan ako, hindi ko maitatanggi na namiss ko siya.
Nang sobra.
Nagsalang ako ng tubig dahil noodles lang ang meron ako dahil sa isang linggong natengga ang bahay ko. Kinuha ko ang medicine kit saka ko siya binalikan. Nakatitig siya sa akin, ramdam ko, pero hindi ko siya tinitingnan.
"B-babe. . ." tawag niya pagkaupo ko sa tapat niya. Nilagyan ko ng gamot ang bulak saka maingat na dinampi iyon sa gilid ng labi niya na nagkasugat sa pagkakasapak ni D kanina.
"Awww." ilag niya ng lumapat ang bulak sa sugat niya, agad ko siya pinanlakihan ng mata dahil sa paglayo niya. "M-masakit- - -. . ."
"Tss. Pero nung nakipagbugbugan ka kay D walang masakit!"
"A-aray naman. . . b-babe. . ."
"Magtiis ka! Tss." napapangiwing napapalayo siya habang ginagamot ko ang sugat niya. Ako naman kunot na kunot ang noo lalo na ng mapagmasdan ko siya.
Ang lalim ng mata niya at bahagya siyang pumayat.
Tumayo ako para ihanda ang noodles na kakainin niya, hindi pa man ako nagtatagal naramdaman ko na ang kamay niyang pumaikot sa bewang.
"I miss you. . ."
Napatigil ako sa ginagawa at yung kabog ng dibdib ko daig pa ang may nagkakarerahan.
"P-please don't do t-that again. . ." narinig ko ang paghikbi niya, putsa umiiyak siya! Napaharap ako sa kanya ng wala sa oras. Siya naman mas yumakap sa akin at sinusubsob ang mukha sa leeg ko. "I felt like dying babe. . ." napalunok ako ng maramdaman ko ang hininga niya sa leeg ko, giving me goosegumps from my spine up to my neck!
Shit. Dangerzone.
Marahan ko siyang tinulak palayo pero ayaw niyang kumalas. Mas hinigpitan pa niya ang pagyakap sa akin at pagbaon ng mukha niya sa leeg ko. "S-syd- - -. . ."
"Just for a minute babe. . . s-sobrang namiss lang kita. . . I j-just want to make sure t-that this is not a dream. . ."
Hinayaan ko na lang siya at hindi ko na rin napigilan ang mapakapit sa may bewang niya. Ipokrita ako kung sasabihan kong hindi ko siya namiss. We stayed that way for a minute. Sinamantala ko ang pagkakataon na yun, para maramdaman ko siya.
"T-thank you." nakayukong sabi niya, lumayo siya ng bahagya sa akin pero ang mga kamay niya ay nanatili sa bewang ko kapares ng sa akin.
Napabuntong hininga ako, hinawakan ko ang kamay niya. Napakunot-noong tinitigan ko iyon dahil sa may mga galos ang magkabilang kamay niya.
"Tss. Kaninong mukha na naman ang pinagbasagan mo ng kamay mo?" kunot noong tanong ko, oo na. AKO na ang concerned!
"That's nothing babe- - -. . ."
"Pwede ba Sydney, tigilan mo ko sa kaka-that's nothing mo! Nakakairita." ingos ko pero agad ring nandilat ang mata ko ng makita kong ngumisi pa siya!
Gago talaga.
"Sydney!" gigil na sabi ko dahil talaga naman, nang-aasar yung ngisi niya!
"What?" maang-maangan si gago.
Tss.
"Tutusukin ko yang ngala-ngala mo." inis na piksi ko pero mahigpit ang kapit niya sa bewang ko.
"Wala nga kasi. Kaya stop worrying babe. Though I like it very, very much. You're acting a very concerned 'girlfriend'." ah, yun naman pala! Namula ata ako hanggang bumbunan. Peste.
"Umalis ka nga sa harap ko." tinalikuran ko siya dahil, nakakahiya!
Putsa. Bakit pagdating sa babaeng 'to nawawala lahat ng matino sa akin. And what worst is, napapahiya ko ang sarili ko ng ganun-ganun na lang.
Aminado naman akong nag-aalala ako sa kanya, pero naman, yung aktuhan ko na parang jowa lang?! Sarap mong batukan self!
Hindi ako humarap sa kanya at mabilis ang hakbang ko palabas ng kusina.
"Kumain ka na diyan- - -. . ."
"I like you."
Natulos ako sa kinakatayuan ko nang sabihin iyon ni Syd. Parang bomba iyon na binagsak sa mismong harapan ko. Ang pinagkaiba nga lang hindi bombang nakakakitil ng buhay iyon, kundi bombang nakakapagpalakas ng kabog ng puso ko.
"I-I don't know when or how, but I do really like you." patuloy niya, ako na estatwa na doon. Ni hindi ko magawang humarap sa kanya dahil, nabibigla ako!
"I l-like you not just a friend. . . but more than that." napapitlag ako ng hawakan niya ko sa braso at ipaharap sa kanya. Nakayuko ako and I don't know if I can look at her eyes directly. Marahan niyang inaangat ang mukha ko gamit ang hintuturo niya mula sa baba ko. "I like you Emerald."
Shit.
Just the way she looks, her eyes told everything. And I can't do anything just to believe.
At yung puso ko, magkaka heart attack na ata sa at gusto ng kumawala sa loob ng katawan ko.
Magtatalon kasama ng utak ko, dahil peste.
Kinikilig ako!
BINABASA MO ANG
Crossing the line (COMPLETED)
RomanceI love her first but afraid to cross the line between us. - Sydney dela Rosa I want to risk to cross that line because I love her. - Emerald Galvez - all characters, places and events are all fictitous. Do not copy without the author permission. GxG...