SYD
Bagot na tumingin ako sa phone sa table saka tingin ulit sa monitor ng laptop ko. Hindi ako maka-concentrate sa totoo lang. I thought this day would be special. Pero inabot na ng hapon, wala pa ring nakaka-alala sa mga kaibigan ko about this day.
Especially, Em.
Tapos akala ko makakasama ko siya today but then hindi pala. Mas inuna niya pa yung big client niya raw na 'special' sa kanya. And here I thought I am the only one who's special to her.
"Lori, cancel all my appointments for the rest of the day." utos ko kay Lori tru intercom.
"Boss hindi pwede yung six pm appointment mo- - -. . ."
Aba't makarunungan pa sa akin to ah!
"I said 'all' of it. No exemption."
"P-pero boss- - -. . ."
"Gaano ba ka-importante 'yan at ipinipilit mo?"
Nakakabadtrip.
Six pm? Eh anong oras pa lang. Gusto kong pumunta ng bar at magpakalango tutal birthday ko naman. I guess I will celebrate it by myself naman. So bakit pa ko mag-aantay ng matagal. Wala naman si Em, even G and Missy.
Tss.
"This is very important boss- - -. . ."
"Come over here."
Pumunta ako sa mini bar ng opisina saka nagsalin ng alak at inisang lagok ko iyon.
"Tungkol saan ba ang meeting ko na 'yun at hindi pwedeng i-cancel?" I ask once I heard the door open.
"Eh. . . a-ano boss- - -. . ."
"Tss. Where's there folder?"
"Boss susunduin ka dito ng personal dri- - -. . ."
"And why I didn't know this client?" badtrip na asik ko sa kanya. Ang ayoko sa lahat yung pa-primadona na ako pa talaga ang dadayo sa kanila. "Ni hindi ko alam kung anong pagmimitingan namin tapos ako pa talaga ang pupunta? I am the CEO of this company may I remind you. And I don't fucking care kung sinong tao iyan at kung ano ang letseng proposal niya!" sigaw ko kay Lori na hindi man natinag sa kinatatayuan niya. Nagsalin ulit ako sa baso ng alak at mabilis na ininom iyon saka ko dinampot ang bag at blazer ko.
"Syd! Naku naman eh!" pigil niya sa akin at humarang pa talaga sa pintuan!
I hate this day now.
"I can fire you, you know." matalim na tiningnan ko siya pero umingos lang siya!
Bakit ko nga ba in-hire ang babaeng 'to!
"Baka nga magpasalamat ka pa."
She's saying something I didn't hear that makes me more furious.
"What the fuck are you saying?"
"Easy boss. . ." sarcastic na sabi niya.
"Get out on my- - -. . ."
"Just trust me on this pwede ba?"
Napataas ang kilay ko at nagtaka na ako sa kinikilos niya. I smell something's fishy.
"No. Get out on my way or I call the security now. Order them to kick you out on this building."
"Tss. Bwisit ka Sydney."
"Now. Speak." utos ko, I walk back at my table. "Who am I gonna meet at six pm?"
"Tss. Badtrip ka alam mo ba 'yun." nakangusong reklamo niya, amuse na tiningnan ko lang siya. "Eto na nga lang ang part ko hindi ko pa nagawa ng tama! Hindi ka man lang makisama!"
Muntikan na kong matawa sa biglaang burst out niya ng sama ng loob sa akin,
"Stop beating around the bush- - -. . ."
"Si Em!" sigaw niya sa mismong mukha ko saka mabilis na nagwalk-out sa opisina ko.
Ako naman, natulala sa sinabi niya but afterwards I can't help not to smile. Wala naman palang dahilan ang pinagaarte ko. I didn't bother asked Lori anything about Em's plan. Para naman kahit paano ma-excite ako. Though, really, I am excited.
Halos hilahin ko ang oras mag six pm lang. Abot tenga ang ngiti ko ng may kumatok sa pinto at mukha ni Lori ang makita ko.
Kunot noong tiningnan ko siya dahil nakangisi ang walangya.
Tss.
"Well, sorry to disappoint you boss. But the meeting has been cancelled." yung ngisi niya hindi mapuknat at halata ang pang-aasar!
"W-why?" I asked pero kibit balikat lang ang sinagot sa akin!
Peste.
Nagmadali akong kunin ang gamit ko para ma-interrogate si Lori. I know she knew at ayaw lang sabihin ng gaga dahil gumaganti siya pero paglabas ko wala na ang walangya!
Agad akong sumakay ng elevator at nagulat pa ko ng tumambad sa akin si Mang Damian.
"What are you doing here Mang Damian?" nagtaka ako dahil tinext ko siya na mauna ng umuwi.
"Magandang gabi po mam. Pinapasundo po kayo ni Mam Sherly."
"Why?"
Wala naman kasing binanggit si Mommy.
"Hindi ko po alam mam. Tara na po?" wala na kong magawa ng pagbuksan niya ko ng pinto. After a few minutes nagtaka ako na papuntang condo ang sasakyan namin. "Akala ko sa bahay tayo?"
"Eh mam nasa condo po sila Mam Sherly."
Si Mommy talaga. Hindi na naman nagpaalam. Mabuti na lang at nagpalinis ako dun kahapon kundi todo sermon na naman siya sa akin.
Hindi na ko kumibo, kinuha ko na lang phone ko at diniyal ang number ni Em.
"Tss. Kanina ka pa out of reach ha!" badtrip na sigaw ko sa phone ko, as if naman na may sasagot sa akin.
Nahiya tuloy ako dahil napansin ko ang pigil na ngiti ni Mang Damian sa salamin.
"Sama ka na paakyat Mang Damian." aya ko, dahil for sure nagluto si Mommy ng pagkain.
"Hindi na po mam, iniintay rin po kasi ako ng mag-iina ko. Happy birthday po mam." nakangiting bati niya.
"Sigurado po kayo? Kahit saglit lang po para makapag-uwi po kayo ng pagkain."
"Pinauwian na po ko ni Mam Sherly. Salamat po."
Tumango na lang ako at dumiretso na sa elevator paakyat ng condo ko. I feel shallow. Nagtatampo ako kay Em dahil hindi man lang niya naalala na birthday ko today.
Naiinis ako sa mga kaibigan ko dahil binati lang nila ako.
Eto na yata ang pinakamalungkot na birthday ko.
I sighed nang makarating ako sa pinto ng condo ko. I need to act happy just for my mom. Ayokong madis appoint siya- - -. . . .
"Bakit ang dilim?" nakapatay ang ilaw pagbukas ko ng pinto, unusual dahil nandito nga si Mommy- - -. . .
Bumukas ang ilaw sa may pinakasala at bumungad sa akin ang taong akala ko hindi ko makikita ngayon.
Si Em.
BINABASA MO ANG
Crossing the line (COMPLETED)
RomanceI love her first but afraid to cross the line between us. - Sydney dela Rosa I want to risk to cross that line because I love her. - Emerald Galvez - all characters, places and events are all fictitous. Do not copy without the author permission. GxG...