EM
Itinigil ko ang pagtingin sa mga folder sa harap ko at sinara ko rin ang file na naka-open sa laptop ko. Na wrong-move pala dahil tumambad sa akin ang nakangising mukha ni Syd. Ginawa niya 'yung wallpaper nung minsan makialam siya dito sa opisina ko.
Wala rin naman akong maintindihan sa pinagbabasa ko dahil puros siya ang laman ng isip ko.
'Buti sana kung naiisip niya rin ako.'
Syd na naman.
Peste.
Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses ko bang tiningnan ang phone ko mula ng mag walkout siya three days ago. Since that day hindi pa siya nagpaparamdam. Kahit na anong text ko walang reply. At kahit na sa tawag hindi rin niya sinasagot.
And it started to piss me off and worry at the same time.
Dahil hindi ako sanay at nag-aalala ako sa kanya. At aaminin ko, hinahanap-hanap ko ang presensiya niya. Mga gawaing siya lang ang gumagawa. She can't blame me, masyado niya na kong sinanay. Kaya ngayon, naninibago ako na wala siyang paramdam.
This was the first time na ganito ang inasal niya sa simpleng misunderstanding namin.
'Simple nga ba kase?'
Tss.
Napanguso ako ng maalala ang inis sa magandang mukha niya dahil lang sa hinanap ko si D. Hindi ko naman kase alam kung ano bang kinagagalit niya dahil lang sa paghahanap ko kay D. At ang mas nakakainis, yung panunumbat niya sa mga pag-aalaga niya sa akin. Na dati hindi naman niya ginagawa. Napasubsob ako sa mesa at pilit na inaalis ang kung ano mang iniisip ko.
Confuse na nga ako dahil sa selos na naramdaman ko dahil sa pag-aantay niya sa lintek na 'someone' na 'yun. Sinabayan pa ng mga out of this world na komento ni G.
"Problema nun?" takang tanong ni G, pagkapasok ng bahay.
"Ewan ko dun." kasimangot na sagot ko.
"LQ?"
"G, please don't start."
"What?" natatawang sabi niya pa. "Okay ka na ba?"
Tumango ako saka tumabi sa kanya sa sofa. Lalo atang sumakit ang ulo ko sa inasal ni Syd.
"Ano ba kasing nangyari?" usisa ni G and knowing her, hindi titigil yan hangga't hindi nakakakuha ng tsismis.
Tss.
"I was just asking kung dumating si D, nagalit na! Kung ano-ano pang sinabi." reklamo ko.
"O tapos?"
"Bakit daw kung sino-sino hinahanap ko."
"Bakit nga ba kasi?"
"Hindi ko naman nga hinahanap! Tss. I just thought I heard D's voice kaya akala ko nandito siya." lalo ata akong magkakasakit sa stress kay Syd!
"Hahahaha. Typical Syd." baliw rin, natawa pa!
Napanguso ako dahil ganun naman talaga si Syd, but this time parang below the belt na.
Sinamaan ko nga ng tingin. "Nagseselos lang yun. Kagabi pa nga eh."
"Bakit naman siya magseselos kay D?"
"So dense Em." nakangising sabi niya.
"Georgina."
"Okay. Okay." hands up na sabi niya, pero yung ngisi nandun pa rin! "Em I won't say anything- - -. . . hep!" pigil niya sa pagsabat ko. "I don't have the right to say anything, lalo na hindi naman ako ganun kasigurado. Should I say, eighty percent lang. Instead, I'm gonna ask you na lang."
"At ano namang kinalaman ko?"
"It's all about you Em. Hay naku ang manhid!"
"Isa G!"
"Do you have feelings for Syd?" seryosong tanong niya.
"A-anong klaseng t-tanong yan?!" napatayo pa ko dahil sa shock. Hindi ko alam kung saan galing yung kabang naramdaman ko.
Bumalik naman sa pagngisi si G, yung nakakalokong ngisi niya na masarap burahin!
"I'll just prepare our food na lang." tumayo na siya, pero bago makarating sa kusina huminto siya. "Em, it's for me to know and for you to find out." kumindat pa ang gaga!
Lalo akong naguluhan!
I know may alam si G na hindi ko alam at nakakainis 'yun. Knowing na kami ang magkasama palagi pero hindi ko alam.
And why the hell she asks if I have feeling for Syd?!
"Pareho kaya kaming babae! Argh! Kainis!" napasabunot na ko sa buhok ko sa sobrang frustration.
'Babe!'
"Shit!"
Pati boses niya parang sirang plakang nagpe-play sa isip ko. Ganun ko na siya kamiss.
Ano nga ba kaseng pinagkaganun niya?
Nag-angat ako ang ulo at napatingin sa monitor ng laptop ko. "Nagseselos ka nga ba kay D?" duro ko sa mukha niya. "D-do you like me, S-syd?" ang lakas ng kabog ng dibdib ko, picture niya pa lang 'yun pero pakiramdam ko hihimatayin na ko sa kaba.
"Shit. Babae nga kasi kami pareho! Kasalanan ni G to eh! Kung ano-anong tinatanim sa utak ko."
Napangiti ako nang mapatingin na naman ako sa picture niya. I gently caress her face, imagining it was real.
"I miss you babe. . ."
Naluha ako at parang nagsikip yung dibdib ko sa pagkamiss ko sa kanya.
"Magtext ka na please. . ."
Parang tangang kausap ko sa picture niya.
Napasubsob ulit ako sa mesa at hindi ko napigilan ang mapaiyak.
First time, natiis niya ako. . .
First time, binalewala niya ako. . .
And it's fucking hurt na parang kaya niya na wala ako sa tabi niya.
Unfair dahil ako hindi ko kaya.
Inangat ko ang mukha ko at muling napatingin sa picture ni Syd. Marahan kong pinahid ang luha sa mata ko saka dinampot ang phone ko.
Nakaisip na ko ng plano and it is now or never. Gagawin ko na bago pa magbago ang isip ko.
BINABASA MO ANG
Crossing the line (COMPLETED)
RomanceI love her first but afraid to cross the line between us. - Sydney dela Rosa I want to risk to cross that line because I love her. - Emerald Galvez - all characters, places and events are all fictitous. Do not copy without the author permission. GxG...