Reyrin's POV
Ano kaya ang nangyari kay Jaja? A minute ago nakita lang namin siya ni Ginger sa karaoke kasama yung mga bata tapos suddenly bigla na lang siyang tumigil.
Natulala na lang siya ng hindi namin malaman kung bakit. Akala ko nga kanina may sakit siya.
Sumakay na kami sa kotse ko, sa backseat umupo si Jaja at sa passenger seat naman umupo si Ginger.
Walang kibo si Jaja sa buong byahe. Sinubukan siyang kausapin ni Ginger pero limitado naman ang sagot niya. Ano naman kaya ang nangyari sa kapatid kong ito?
"Sige, till the next bonding" sabi ni Ginger habang lumalabas ng kotse. Hinatid ko na muna siya sa studio. She's recording for her second album.
"Ah sige Ginger, see you na lang mamaya"
Hinihintay pa sana ni Ginger ang sagot ni Jaja pero parang lutang na naman ang isip niya kaya ako na lang ang sumagot kay Ginger.
Tumango na lang si Ginger kaya umalis na kami. Ihahatid ko pa sa bahay itong si Jaja. I'm sure tungkol na naman ito kay Renzo.
"Jaja, let me ask—"
♥Twinkle twinkle twinkle♥
May itatanong sana ako pero bigla na lang tumunog ang cellphone niya. Nakita ko na parang nagmadali siyang may tawagan. May problema ba?
"Hello Tita, sorry po... nawala po kasi sa— no, no, hindi po sa ganun. I'm really sorry... opo, pupunta na po ako dyan... okay po" sabi ni Jaja.
Ano naman kaya ang problema? Bakit siya biglang nataranta?
"Kuya, punta tayo ngayon sa ***** cemetery. Naghihintay na sa akin sila Tita Mildred. Paki bilisan naman po please" pag-uutos niya sa akin.
Ngayon nagsalita siya. Kanina nung kinakausap siya ni Ginger, hindi siya kumikibo. Hindi pa rin nga talaga nagbabago ang kapatid ko.
Binilisan ko ang pagmamaneho at pumunta sa kung saang lugar man yung sementeryong yun.
Maya-maya pa ay nakarating din kaming dalawa doon. Hindi ko pa nga naipapark ang sasakyan ay binuksan na ni Jaja ang pinto.
"Jaja!! Wag ka ngang magmadali!! Balak mo bang magpakamatay!!!" Pagsasaway ko sa kanya. Kung hindi ko ba naman kasi naitigil agad ang sasakyan, eh di gasgas na sana ang naabutan niya.
Hindi niya man lang narinig ang sinabi ko at bumaba na ng kotse. Sumunod naman ako sa kanya at bumaba na rin sa kotse.
"Oh shoot!! Wala man lang akong dalang bulaklak" sabi niya habang hindi na mapakali.
"Don't worry, your presence is enough. Maiintindihan naman ni Renzo kung wala kang dalang bulaklak ngayon" paliwanag ko sa kanya.
Medyo kumalma naman siya dahil sa sinabi ko. Nagsimula na kaming maglakad papasok ng sementeryo.
"Where were you?! Tinatawagan ko yung bahay niyo, sabi pumasok ka raw sa school. Pero kanina ka pa dapat nakauwi sa bahay niyo, kanina pa ang oras ng uwian sa school niyo di ba!" Pagsalubong ni Tita Mildred kay Jaja.
"Sorry po talaga Tita. Nawala lang po kasi sa isi—" hindi natapos ni Jaja ang sasabihin niya dahil nagsalita na naman uli si Tita Mildred.
"Today is your boyfriend's death aniversay!! How could you forget?!" Sabi naman ni Tita Mildred. Medyo pasigaw na ang pananalita niya ngayon and I'm not liking it.
"I'm really sorry Tita" pagmamakaawa naman ni Jaja. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa itong gawin ni Jaja. I mean, oo, death aniversary ni Renzo, pero hindi niya naman masisisi kung may ibang ginagawa si Jaja.

BINABASA MO ANG
The First And Last
Teen FictionHow can you say that Love is Strong? . . Jasmin Janeth Marquez. Isang babae na may masalimuot na nakaraan tungkol sa pag-ibig. Inakalang hindi na ulit iibig pa, pero naging mapagbiro ang tadhana sa kanya. . . A story that will show, how the heart fi...