Heartbeat 22↭ Umiiwas Ba?

157 6 0
                                    

Reyrin's POV

Papunta kami ngayon sa isang talk show. Ngayon ang unang araw na maiinterview ako kaya medyo kinakabahan ako. Hindi ko alam kung ano ang mga sasabihin ko.

Paliwanag naman ni manager ay maging cool lang daw ako sa mga sasabihin ko. Wag ko raw pangungunahan ng kaba ang mga itatanong sa akin para makasagot ako ng maayos.

♥rrrriiiiinnnggg rrrriiiiinnnggg♥

Narinig ko na may tumatawag sa akin. Ang aga naman ng paggising ni Jaja. Baka hindi na naman siya nakatulog.

Akala ko ay si Jasmin ang tumatawag pero nakita ko na si Robbie pala. May problema kaya? Sinagot ko ang tawag dahil baka importante yun.

"Oh Robbie, napatawag ka. May problema ba?" Tanong ko sa kanya.

"Uhhmm bro, itatanong ko lang, ikaw ba yung nakita ko sa TV last night? May nakita kasi akong bagong debut na idol. Rin ang pangalan, itatanong ko lang kung ikaw yun" sabi niya naman. So nakita niya pala ako kagabi.

"Ah oo ako nga yun. Kagabi pa lang ang release ng una kong album, at kagabi rin naganap yung debut concert ko" paliwanag ko sa kanya.

"Ahh, congrats pala, ang galing mo kagabi. Mukhang sanay na sanay ka nang magperform sa stage. Anyway, hindi pala yan ang dahilan ng pagtawag ko sa'yo" sabi niya uli. Kung hindi ito ang dahilan ng pagtawag niya, eh bakit niya ako tinawagan?

"Huh? So bakit ka nga napatawag?" Tanong ko uli sa kanya.

"Uhhmm... bro, may confession ako sa'yo"

"Ano nga yun?"

"Kahapon kasi, nakita ako ni Stephanie na kasama si Jasmin. Naghysterical siya. Pero don't worry hindi niya naman nasaktan si Jasmin. Cause Jasmin defended herself. Pero umiyak pa rin siya dahil sa nangyari. I'm sorry bro, hindi natupad yung pangako kong hindi siya ipapahamak at papaiyakin" paliwanag niya sa akin.

Napatahimik ako ng ilang minuto dahil sa sinabi niyang yun. So ibig bang sabihin galing sa pag-iyak si Jasmin kahapon? Hindi ko man lang alam.

Nakita ko pa lang siya kahapon sa concert ko na masayang nanonood sa akin, tapos yun pala, umiyak siya nang araw na yun.

"Uhh... bro, are you still there? Sorry talaga... galit ka ba?" Nakalimutan ko na kausap ko pa pala si Robbie.

"Uhh... sorry nawala lang ako sa sarili. It's okay, hindi naman ako galit sa'yo. Hindi mo naman talaga masasabi na hindi na darating ang ganung pangyayari. Pero sana naman ay maintindihan mo ang sasabihin kong ito sa'yo. Kuya ako ni Jasmin, kaya hindi mo maaalis sa akin ang mag-alala. Pumayag akong maging close ka sa kanya dahil nakikita ko na may possibility na bumalik sa dati si Jasmin ng dahil sa'yo. Pero sana ay wag mo nang hahayaan pa ulit na mangyari ito. Sana sa susunod ay malaman ko naman na naging masaya si Jasmin habang kasama mo, hindi yung palagi siyang umiiyak. Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko sa'yo, Robbie?" Pagpapaliwanag ko sa kanya.

"Opo naiintindihan ko. Pero sorry pa rin bro. Hindi ko man sinasadya, alam kong ako pa rin ang may kasalanan. Don't worry, I'm still doing my best"

Natuwa naman ako na sinabi niyang yun. Hindi pa man kami nagkakausap nang harapan ni Robbie ay madali naman kaming naging close nang dahil sa pagtatawagan.

Pagkatapos namin mag-usap na dalawa ay nagpaalam na ako at pinutol na ang tawag. Sinabihan na kasi ako ni manager na maghanda na raw dahil malapit na kami.

Pagkatapos kong ibalik ang cellphone ko sa bulsa ay inayos ko na rin ang sarili ko.

"Rin ready ka na ba? Wag kang kakabahan, kaya mo yan" pagpapalakas ni manager ng loob ko habang nakatingin sa akin mula sa passenger seat. Nakaupo kasi ako ngayon sa backseat ng van.

The First And LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon