Heartbeat 49↭ O-Plan Balikan

116 5 0
                                    

Jasmin's POV

Nang umalis si Mama kasama sina Robbie at Flair, naiwan naman kaming apat dito sa hospital.

Ilang beses ko nang sinasabi na okay na ako, hindi pa rin naniniwala sa akin si Kuya.

"Uhmm... Beshie, we'll be leaving na ha. May gagawin pa kasi kami ni Richard" pagpapaalam sa akin ni Chin-Chin.

"Gagawin? Hoy anong gagawin niyong dalawa?" Tanong naman ni Kuya. Ang Kuya ko talagang ito, kung ano-ano na lang ang iniisip.

"You know, little thing called mission" paliwanag naman ni Chin-Chin pagkatapos ay hinila na niya si Richard papalabas ng kwarto.

Ang dalawa talagang yun. Halata na rin naman, hindi pa umaamin.

"Jaja, gusto mo bang ipagbalat kita ng apple?" Tanong sa akin ni Kuya.

"Ah, sige po" sagot ko naman sa kanya. Bakit ganito? Parang naninibago ako sa pakikipag-usap sa kanya.

Nakita ko na kumuha na siya ng isang apple at binalatan na yun.

"You know, kahit na sabihin pang magpinsan talaga tayo, kapatid pa rin ang turing ko sa'yo. Ikaw pa rin ang prinsesa namin ni Papa" saad ni Kuya habang binabalatan niya yung apple.

Napatitig ako sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Ngingiti ba ako o mapapaluha sa sinabi niya. Papano ko ba ieexpress ang—

♥Poink♥

Nagulat na lang ako nang maramdaman ko ang apple sa labi ko.

"Wag kang masyadong mag-iisip, mahirap na, baka maging mas matalino ka pa sa akin" pagbibiro niya.

"Psshh... mas matalino naman talaga ako sa'yo Kuya" saad ko naman.

"Ahh talaga? Sige nga, anong nauna? Manok o itlog?" Tanong niya naman.

"Ahh syempre yung manok" sagot ko naman agad-agad.

"Papano mo naman nalaman?" Tanong niya uli.

"Syempre walang mangingitlog kung walang manok no"

"Eh saan naman galing yung manok mong yun?"

"Syempre kay Lord, dahil siya yung naglikha ng mundo eh" kala siguro ni Kuya maiisahan niya ako.

"Papano mo naman nalaman na manok ang nilikha ni Lord at hindi itlog?" Shoot! Nakalusot din siya.

"Manok daw talaga ang nilikha niyang una, tulad ni Eva at Adan, gumawa muna si Lord ng mag-asawang manok para mangitlog at magparami" paliwanag ko naman kahit gawa-gawa ko na lang.

"Papano mo nga nalaman? Friends ba kayo ni Lord? Close kayo?" Tanong niya uli.

"Oo close kami, nakapapicture nga ako sa kanya noon eh" sagot ko sa kanya. Pagkatapos ay pinakita ko sa kanya yung picture naming dalawa.

"Artista yan eh" saad niya naman.

"Oo nga, si John Lord Cruz" pagbibiro ko. Pagkatapos ay tumawa naman ako ng malakas. Inakala ko na tatawa din si Kuya pero hindi siya tumawa.

"Ha! Grabe nakakatawa!" Pambabara niya naman sa akin, kahit na nakangiti pa rin siya dahil sa sinabi kong yun.

"Lumalabas na naman ang pagiging pusa mo" nakangiting saad ni Kuya.

"Bakit? Namiss mo ba Kuya?" Tanong ko sa kanya. Tango naman ang isinagot niya sa akin.

Humarap ako sa kanya at ngumiti ng napakalapad. Isang ngiti na nakakangalay sa panga. Imagine a protractor, baliktarin niyo yun at yun ang curve ng ngiti ko.

The First And LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon