Flair's POV
Phew!! That was a really close one. Akala ko ay malalagot na kami kay Tita Mildred. Buti na nga lang at may awa pa rin sa amin ang pagkakataon.
Pumunta na ako sa kung saan naroroon sina Ate Chin at Kuya Richard. Gusto kong makita ang mga hagard nilang mukha.
Nang makarating na ako doon, mabilis ko silang hinanap. Nandoon pa rin ang canopy, pero wala na silang dalawa.
Pumunta naman ako sa kotse. Binukhan ko ang pinto ng backseat at doon ko sila nakita.
"Lord help us. Lord please help us!"
"Lord have mercy on us. Sana po makalusot pa rin ang 49.9% chance of success"
Nakita ko na nagdarasal ang dalawa sa loob.
"Okay na po finish na" pagpapatigil ko sa kanila.
Tumingin sila sa akin ng mga ilang minuto, pagkatapos ay...
"Haahhhh!!! Sabi ko na nga ba eh!! Palpak na tayo!!" Pagaatungal naman ni Kuya Richard.
"Oh no! Hindi ito pwedeng mangyari!" Sigaw din ni Ate Chin.
Bakit? Ano ba ang akala ng dalawang ito?
"Okay na po, natapos na namin ni Ate Mel!" Paliwanag ko uli sa kanila.
Natigil naman silang dalawa saka inayos ang sarili.
"I know that... na-n-naninigurado lang ako" utal namang pagpapalusot ni Ate Chin.
Nagkatawanan kaming tatlo dahil sa mga pinag-gagagawa nila, pagkatapos ay umalis na kami doon.
"So what now? Nakuha na natin yung video, ano na ang gagawin natin diyan?" Tanong ni Ate Chin.
"Oo nga, ano na ang mangyayari sa video na yan?" Pagsecond the motion naman ni Kuya Richard habang nagdadrive.
"Well, sa ngayon po ay magpahinga muna tayo. Sa tingin ko masyado tayong na stress ngayon. Tatawagan ko na lang po kayo kapag may nakuha na ako" paliwanag ko naman sa kanila.
"Yes, that's the best idea that you've had" saad naman ni Kuya Richard. Napatawa na lang kami ni Ate Chin dahil sa reaction niyang yun.
Robbie's POV
Saan naman kaya nagpunta ang Flair na yan? Pumunta ako kanina sa kwarto niya at nahalata kong may mga kulang siyang gadget mula doon sa display shelf niya.
Baka kung saan na yun na bangko nanghold up at nanghahack na ng system ng ibang agency. Or worst! Baka nanghahack na siya ng system sa isang nuclear bombing!!
"Hay! Ang hirap ng buhay!" Narinig ko naman ang boses niya na papasok pa lang ng bahay.
Mabilis ko naman siyang sinalubong sa pinto.
"Saan ka galing? Bakit parang ang dami mong dalang gamit? May ginagawa kang kalokohan no. Ano? sagot!" Sunod-sunod kong tanong sa kanya.
"Kuya, hinay-hinay lang. Iisa lang ang kausap mo, hindi ko yan masasagot ng sabay-sabay" pagpapalusot niya naman.
"Pumunta lang po ako kila Ate Chin dahil may ginagawa kaming experiment" sagot niya sa akin.
"Experiment?! Hoy Flair Ivy Regalado, hindi dahil Computer Geek ang tawag sa'yo dito sa story na ito, ay dapat palagi ka na lang nageexperiment! Tyaka, wala nang pasok no, ba't mo pa kailangang magexperiment? Wag mo ding sabihin na may project ang baranggay at kailangan ng tulong mo!" Pagdadada ko naman sa kanya.
"Kuya po ba kita o Ate? Mas madaldal ka pa sa babae Kuya, masamang senyales yan" pagbibiro naman ni Flair saka naglakad na papunta sa kwarto niya.
"Hoy hindi pa tayo tapos!! Kapag nalaman ko talagang may ginagawa kang kalokohan, Hindi Ka na Sisikatan ng Araw!! Naiintindihan mo ba Flair?! Hoy!! Sabi ko nang hindi pa tayo tapos!" Sigaw ko sa kanya.

BINABASA MO ANG
The First And Last
Genç KurguHow can you say that Love is Strong? . . Jasmin Janeth Marquez. Isang babae na may masalimuot na nakaraan tungkol sa pag-ibig. Inakalang hindi na ulit iibig pa, pero naging mapagbiro ang tadhana sa kanya. . . A story that will show, how the heart fi...