Heartbeat 32↭ Ako'y Kinikilig

145 5 0
                                    

Reyrin's POV

"Sigurado ka bang okay lang na iwan natin silang dalaw ng mag-isa?" Tanong sa akin ni Bea.

"Okay lang yun. May tiwala naman ako kay Robbie" paliwanag ko sa kanya.

"Matagal mo na bang kilala ang lalaking yun? Bakit parang ang dali para sa'yo na itiwala si Jasmin sa kanya? Eh nung nanliligaw nga si Renzo kay Jasmin noon, kulang na lang maging chaperon ka nila palagi" paliwanag uli ni Bea. Oo nga naman, bakit parang ang dali para sa akin na tiwalaan si Robbie? Hindi naman ganito ang pakikitungo ko sa mga lalaking umaaligid kay Jaja noon.

Nang makapagisip-isip ako sa ginawa ko, narealize ko na parang may point nga naman si Bea. Kaya bumalik kami sa kinaroroonan ng dalawa.

(⊙o⊙)

Laking gulat namin nang makita namin sila na—

"Kita mo na, galawan din ang lalaking yan. Awatin mo na" sabi ni Bea habang tinutulak ako ng kaunti para makapunta sa kinaroroonan nila.

Gusto ko mang gawin yung inuutos ni Bea, pero hindi ko magawa. Ngayon ko lang uli nakita si Jaja na ginusto ang isang bagay. Base sa pagkakakita ko, masaya siya ngayon. Hindi ko kayang sumabat sa ginagawa nila lalo na't nakikita ko na wala namang mali sa ginagawa nilang dalawa. Pareho silang masaya, kaya bakit ako hahadlang sa kasiyahan ng kapatid ko.

"Tara na, naiinggit na ako sa kanila" sabi ko naman kay Bea saka inakay na siya papaalis.

"P-pero, papano na sila. Hindi mo ba tuturuan ng leksyon ang lalaking yun?" Tanong niya sa akin.

"Tara na, baka mas lalo pang akong mainggit sa kanila" sabi ko sa kanya. Nahalata ko na napatitig si Bea sa akin.

"Ikaw talaga, kanina ka pa nagpaparinig ha" sabi niya.

"Eh kasi naman, sila, hindi pa naman official pero—"

♥Smack♥

(♡ ㆁ ♡)

"Ang dami mo pang palusot, yan lang naman ang gusto mo eh" sabi niya saka inunahan na ako sa paglalakad.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Totoo ba yun? Hinalikan ako ni Bea?
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Bakit siya yung gumawa ng FIRST MOVE?!! AKO DAPAT ANG GUMAGAWA NUN EH!!!

Hhmm... makikita mo rin gagantihan kita mamaya. Pagkatapos ay sumunod na ako sa kanya papunta sa parking lot.

Jasmin's POV

Back to School

Ang ganda ng simula ng araw ko ngayon. Parang lahat na lang ng makita ko ay masaya. Kahit yung mga nakikita kong malditang babae ay parang ang bait tingnan.

Pakiramdam ko rin parang may mga humuhuning ibon sa tenga ko. Ang ganda sa pakiramdam.

"Hi Kitty"

"AY MALAKING IBON!!" Akala ko mga ibon, boses pala ni Robbie ang kanina ko pa naririnig. Nakita ko na tinakpan ni Robbie yung kanya.

"Uy, ang bastos nun ah" tiningnan ko naman siya ng naweweirduhan. Hindi makapagsink in sa isip ko kung amo ang ibig niyang sabihin.

Then...

~⊙O⊙~

Oh My! Hindi ko alam na nasabi ko pala yun. Akala siguro ni Robbie yung ibang klaseng ibon ang sinabi ko.

"Uy hindi ganun yung ibig kong sabihin ah! Napaka green mo naman! Nagulat lang ako sa pagsulpot mo!" Pagpapaliwanag ko sa kanya. Hindi ko namalayan na tumataas na pala ang tono ng pananalita ko. Lumalabas tuloy na in denial ako.

The First And LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon