Robbie's POV
Lumabas na ako mula sa kwarto ni Jasmin. Parang ang bilis ng pangyayari kanina. Hindi ko alam kung ano ang mga pinagsasasabi ko kay Jasmin.
Bakit siya umiyak? Dahil ba ulit yun sa akin?
"Kuya, anong nangyari? Rinig na rinig ang pag-iyak ni Ate Jasmin dito sa labas" pagsalubong sa akin ni Flair.
"Umuwi na tayo" saad ko sa kanya.
"Mauna ka na po Kuya, dito muna ak—"
"Umuwi na tayo!!" Hindi ko alam kung bakit ko yun ginawa pero I decided to go with it.
Naglakad na kaming dalawa habang si Flair naman ay naglakad sa may likuran ko.
"Miss, saan ang room ni Jasmin Janeth Marquez?"
Bago pa man kami tuluyang makaalis ni Flair ay may nakita akong babae na nagtatanong sa information desk nang tungkol kay Jasmin.
Gusto ko sanang tingnan kung sino ang babaeng yun, pero hindi na magawa pang tumigil ng katawan ko sa paglalakad papunta sa parking lot.
"Flair, pasok na" binuksan ko ang pinto ng backseat para papasukin si Flair, pero laking gulat ko nang hindi ko siya nakita sa likuran ko.
Akala ko ba nakasunod lang siya sa akin? Di naman kaya bumalik pa ang batang yun. Lagot talaga siya sa akin kapag nakita ko siya doon.
Elizabeth's POV
Mabilis akong naglakad papunta sa kwartong sinabi sa akin ng isang nurse.
"Jasmin, anak! Ano na naman kasi ang mga pinaggagagawa mo?! Okay ka lang?" Nag-aalala kong tanong sa kanya habang niyayakap siya ng mahigpit.
"Ma, okay lang po ako" sagot naman ni Jasmin.
Tiningnan ko siya ng maigi at nakitang maga ang kanyang mga mata.
"No, hindi ka okay. Umiyak ka ba nak?" Tanong ko uli sa kanya.
Nakita ko na parang naiilang siyang magsalita. Tumingin naman ako sa mga kasama niyang kaibigan.
"Ihja, ihjo, pwedeng makausap ko muna sila" saad ko. Mukhang nakuha naman nila yung ibig kong sabihin.
"Ahh okay po Tita" saad ng babae saka sabay na sila ng kasama niyang lalaki papalabas ng kwarto.
"Ma, okay na po talaga si Jaja. Wag na po kayong mag-aalala" paliwanag sa akin ni Tan.
"Tan, ano bang nangyari? Ba't siya nagkaganito?" Tanong ko sa panganay kong anak.
Tinitigan ko siya at tila ba iniiwasan niya ang tingin ko.
"Dahil po yun sa akin. Ako po ang nanakita sa anak niyo" nakarinig ako ng boses mula sa may pinto.
Nakita ko ang isang binata na pumasok pa lang sa loob. Nakita ko rin na parang pinipigilan siya ng isang batang babae at ng mga kaibigan ni Jasmin na pumasok.
3rd Person's POV
Mabilis na bumalik si Robbie sa kwarto kung nasaan si Jasmin. Nakita niya na nasa labas sina Flair, Richard, at Chin-Chin.
Inalala niya uli yung babaeng narinig niya kanina. Nagsimula na uli siyang maglakad papaunta sa kanila.
"K-Ku-kuya! Akala ko ba uuwi ka na?" Gulat na tanong ni Flair sa Kuya niya.
"Sino ba ang nasa loob?" Tanong ni Robbie.
"Ang Mommy nina Jasmin. Sa tingin ko masyadong nag-aalala yung Mommy nila kay Jasmin. Dumating siya kanina nang hingal na hingal pagkatapos ay mahigpit niyang niyakap si Beshie na para bang matagal na hindi nakita" paliwanag naman ni Chin-Chin.
BINABASA MO ANG
The First And Last
Teen FictionHow can you say that Love is Strong? . . Jasmin Janeth Marquez. Isang babae na may masalimuot na nakaraan tungkol sa pag-ibig. Inakalang hindi na ulit iibig pa, pero naging mapagbiro ang tadhana sa kanya. . . A story that will show, how the heart fi...