Ginger's POV
"Anong ginagawa mo dito?" Matigas na tanong ni tita Elizabeth kay Melissa.
Nawala bigla ang ngiti niya kanina sa pagbati sa akin. Medyo may pagkamaldita na ang dating ni tita. Ngayon ko lang nakita ang side na ito ni tita Elizabeth.
"K-kasi po...tita sorry po sa nangyari nung isang gabi. Ako na po ang humihingi ng dispensa sa pagkakamali ni mommy" paghingi naman ng tawad ni Melissa.
"Bakit hindi siya mismo ang pumunta dito at kailangang ikaw pa ang gumawa nito?" Masungit naman na pagsasaad ni tita.
"Mama, pumunta dito si Melissa para humingi ng tawad, hindi para maghanap ng away" pagsabat naman ni Rin habang umuupo sa sofa at nilalagay yung juice sa center table.
Kailangan pa talagang tumabi siya kay Melissa? Tumayo na lang ako at pumunta sa isang upuan sa sulok ng opisina. Hindi naman ako kailangan doon eh, hindi naman ako kasabay sa usapan nila.
"May problema po kasi ngayon si mommy kaya hindi siya makaharap sa inyo ngayon" paliwanag naman ni Melissa.
"Ano naman ang problema niya at hindi niya ako maharap?" Maldita namang tanong ni tita. Nakakatakot naman palang kausap si tita Elizabeth.
"She took Renzo's death seriously. Hanggang ngayon po ay hindi niya pa rin tanggap ang pagkawala ng kapatid ko" paliwanag naman ni Melissa.
Kaya pala ganun ang inaasal ng nanay niya. Mahirap talaga para sa isang ina na mawalan ng isang anak. Lalo na kung mahal na mahal niya talaga ito.
"Naiintindihan ko naman, pero kailangan niya ba talagang saktan ang anak ko? Kahit kailan ay hindi ko napagbuhatan ng kamay si Jasmin" pangangatwiran naman ni tita Elizabeth.
"Naiintindihan ko po kayo tita, pero sana naman po ay intindihin niyo rin po ang sitwasyon ngayon ni mommy" pagmamakaawa naman ni Melissa.
May point din naman ang babaeng ito. Siguro nga ay mabigat lang talaga ang pinagdadaanan ngayon ng mommy niya.
"Sige, papatawarin ko ang ginawa ng nanay mo sa anak ko, pero from now on, hayaan niyo na muna na manahimik ang anak ko. Palagi na lang siyang nagkukulong sa kwarto niya dahil sa hindi niya pa nakakalimutan si Renzo" saad naman ni tita Elizabeth.
"Okay po. Salamat po tita" sagot naman ni Melissa. Tumingin ako sa orasan ko at nakitang lampas na pala kami masyado sa oras.
Kanina pa dapat nasa studio si Rin dahil marami pa siyang dapat tapusin para sa debut album niya.
Sinubukan kong kunin ang atensyon niya pero parang hindi niya naman ako naiintindihan. Ngumingiti-ngiti lang kasi siya sa akin.
Hay naku... ang hirap talagang paintindihin ang taong ito.
"Uhm... Rin, time to go. Magagalit si manager kapag hindi ka pa bumalik" pagsabat ko naman sa usapan nila.
"Ah oo nga pala, mama kailangan na po namin umalis. Hindi pa po kasi tapos ang practice ko. Baka magabihan po uli ako ng uwi ngayon" pagpapaalam naman ni Rin kay tita Elizabeth.
"Oh sige, mag-iingat kayo" sabi naman ni tita kaya lumabas na kami isa-isa.
"Beatris, ihja. Bumisita ka uli kapag may oras ka. May mga bago akong gawang fashion line" sabi naman sa akin ni tita Elizabeth.
"Opo tita" masaya ko namang sagot sa kanya.
Jasmin's POV
Nakaupo na ako sa upuan ko at nakatingin lang sa table ko. Wala ngayon ang professor Pan Oath dahil may emergency meeting ngayon ang mga professors ng LU.
BINABASA MO ANG
The First And Last
Novela JuvenilHow can you say that Love is Strong? . . Jasmin Janeth Marquez. Isang babae na may masalimuot na nakaraan tungkol sa pag-ibig. Inakalang hindi na ulit iibig pa, pero naging mapagbiro ang tadhana sa kanya. . . A story that will show, how the heart fi...