Jasmin's POV
Akala ko ay pupunta kami ni Robbie sa dorm ni Kuya pero itinigil niya naman yung kotse niya sa isang fast food chain.
"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko sa kanya. Bumaba lang siya sa kotse niya at pinagbuksan ako ng pinto.
"Hindi ka naman naglunch ng maayos. Kita ko sa kinain mo kanina, ni hindi mo nga naubos. Kaya ngayon, magpapakabusog tayo" paliwanag niya habang hinihila ako papalabas ng kotse.
Pagpasok namin sa loob, sumalubong naman sa akin ang mabangong amoy ng fried chicken.
♥Glub glub glub♥
(⊙////⊙)
"Kitams, hindi talaga natatago ang gutom" nakangiting saad naman ni Robbie.
Nag-order na siya at naghanap na rin ako ng mauupuan namin. Medyo maraming tao ngayon dito kaya mahirap makahanap ng mauupuan.
"Ma'am, may I help you?" Nagulat naman ako nang bigla na lang akong kausapin ng isang babae na nagtatrabaho dito. Syempre hindi niya naman ako tatanungin ng ganun kung hindi siya dito nagtatrabaho.
"Uhhmm... seat for two please" sabi ko sa kanya. Tumango lang siya at nagshow-the-way pose na.
"Okay, this way ma'am" sabi niya kaya sinundan ko na siya.
"Puno na po yung sa public ma'am kaya dito na lang po kayo sa private room namin" sabi ng babae saka pinapasok na ako sa isang room na ginagamit siguro para sa mga conference at parties.
Naghanap na ako ng pwede naming upuan na dalawa. Medyo nakakabingi ang katahimikan dito. Wala kasing ibang tao dito kundi ako lang. Umupo na ako sa isang mesa na pandalawang tao.
Papano kaya ako mahahanap ni Robbie. Sigurado akong naghahanap siya ngayon doon sa matao.
"Excuse me ma'am" nagulat ako nang biglang may naglagay na isang tray ng pagkain sa mesa ko. Napatayo ako sa pagkabigla ko, kaya nagulat din yung lalaking nagdala ng tray. Hindi ko man lang siya narinig na pumasok kanina.
"Sorry, pero hindi naman po siguro yan sa akin" sabi ko sa kanya.
"Pero sinabihan po ako na dito idala sa private room ang pagkain" paliwanag niya naman.
"Baka po sa ibang tao yan. Hindi po talaga yan sa akin" saad ko uli. Nakita ko na tumingin-tingin sa paligid yung lalaki saka tumingin uli sa akin.
"Wala naman pong ibang tao dito ma'am" sabi niya naman. May point nga siya doon. Pero baka nagkakamali lang talaga siya.
"Ah basta, hindi po yan sa akin. Kung gusto mo sa'yo na lang" sabi ko then I cross my arms to show na naninindigan talaga ako sa sinasabi ko.
"Akin yan, sige na po ilagay mo na lang diyan" narinig ko yung boses ni Robbie na kakapasok pa lang ng private room. Papano niya nalaman na nandito ako?
Inilagay na ng lalaki yung tray sa mesa saka umalis na, pero bago siya tuluyang makaalis ay nakita kong napatawa siya ng kaunti. Then it hit me... nakakahiya pala yung inasal ko kanina.
Talagang pinupush ko pa na hindi sa akin yung dinala niya.
"Uy, umupo ka na nga. Tulala ka na naman. Wag mong sabihin na crush mo yung lalaking naghatid ng pagkain" nakabalik naman ako sa sarili ko nang marinig ko si Robbie. Nakaupo na pala siya at kumakain na ng pagkain niya.
Umupo naman ako sa upuan ko at napatitig sa kanya.
"Oh, ano naman ang ibig sabihin ng titig na yan? Crush mo na rin ako"
(⊙╯←╰⊙)
"Asa ka!! Tulala lang may crush na agad?!"
"Ikaw naman, galit agad?! Di ba pwedeng nagbibiro lang. Tulala ka kasi, eh kanina pa naghihintay ang pagkain mo. Ikaw rin, baka mawala ang mga yan"

BINABASA MO ANG
The First And Last
Ficção AdolescenteHow can you say that Love is Strong? . . Jasmin Janeth Marquez. Isang babae na may masalimuot na nakaraan tungkol sa pag-ibig. Inakalang hindi na ulit iibig pa, pero naging mapagbiro ang tadhana sa kanya. . . A story that will show, how the heart fi...