Heartbeat 8↭ Shock Attack

207 6 0
                                    

Elizabeth's POV

Maaga ako ngayong umuwi. I noticed kasi na parang masyado na akong nagiging busy sa work at hindi na ako nagkakaroon ng time para sa mga anak ko.

Pero bago ako umuwi ay dumaan muna ako sa isang grocery store, bumili muna ako ng mga lulutuing pagkain. Magluluto ako ng paborito nilang ulam.

Pagkatapos kong bumili ay sumakay na ako ng kotse at umuwi na. I'm sure magugulat sila na maaga ako ngayong umuwi.

I'm Elizabeth Veronica Marquez pala. Ako ang ina nina Jasmin Janeth at Reyrin Jonathan. Isang designer na nagmamay-ari ng Lamore Boutique.

Mag-isa na lang ako na bumubuhay sa pamilya ko. Maaga kasing nawala ang asawa ko. He had a severe heart desease. Hindi na naagapan kaya maagang sumama kay San Pedro.

Pero hindi naman ako nagsisisi dahil doon. Hindi naman natin hawak ang buhay natin kaya hindi ko naman masisisi ang asawa ko. Baka yun naman talaga ang plano sa kanya ni Lord.

Gusto ko sanang makauwi ng maagad pero ang tindi na naman ng traffic. Oh well, I guess matatagalan ang pagluluto ko.

Jasmin's POV

♥Pak!♥

"That's exactly what it means!! Dahil ba sa wala na ang anak ko kaya maghahanap ka na ng iba?! Remember that Renzo loved you 'till the very end of his breath. At ikaw, kakalimutan mo lang siya ng ganoon lang after he died for 1 year?! Your so unfair!!!"

♥Crash! Splat! Boogsh!!♥

"Jusko ihja!! Itigil mo yan!! Bitawan mo ang hawak mong 'yan!!" Nagulat ako nang marinig si Manang Lilian.

Nakabalik naman ako sa katinuan ko. Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin. Nagulat na lang ako nang nakita na may hawak pala akong isang basag na salamin at naka tutok ito sa pulso ko.

Doon ko rin lang naramdaman ang hapdi sa kamay kong nasugatan dahil sa mahigpit na pagkakahawak sa salamin. Mabilis ko naman yung binitawan.

Namilipit ako sa sakit na nararamdamn sa kamay. Hindi ko alam kung bakit ko yun ginawa. Paulit-ulit kasi sa isip ko ang mga sinabi kanina ni Tita Mildred.

Hindi ko alam kung kanino ako galit, kay Tita ba o sa sarili ko. Nalilito na ako kung ano ang dapat kong gawin. Ayaw ko na sa nararamdaman kong ito.

Naramdaman kong may tumulong luha mula sa mga mata ko. Pinunasan ko naman yun gamit ang kamay ko. Nakalimutan kong duguan pala ang kamay ko kaya nagkalat tuloy ang dugo sa mukha ko.

Dali-dali namang kumuha si Manang ng gamot para gamutin ang kamay ko. Pinunasan niya rin ang nagkalat na dugo sa mukha ko.

Hindi ko gusto ang nangyayari sa akin. Pero kusang gumagalaw ang katawan ko. Hindi ko mapigilan ang mga nangyayari sa akin ngayon.

"Ano bang nangyayari sa'yong bata ka?!" Tanong sa akin ni Manang Lilian. "Anong ipapaliwanag ko sa Kuya at sa Mama mo niyan? Na bigla-bigla ka na lang nagwawala at sinasaktan ang sarili mo?!" Dagdag niya pa.

"Hindi ba ako pwedeng maging masaya? Ayaw ko na nito Manang, it feels like it's all my fault" bulong ko naman sa kanya habang balisa pa rin at umiiyak.

"Ano ba ang nangyayari sa'yo, ihja? May nangyari ba sa school ngayon? Inaway ka ba? Sinaktan ka?" Tanong uli sa akin ni Manang Lilian habang binebendahan ang kamay ko.

"Mas mabuti sana kung inaway na lang ako ng mga estudyante kaysa sa maramdaman ito. Mas mabuti na lang siguro na tiniis ko na lang ang nangyari sa school kaysa nangyari yung kanina" sagot ko naman sa kanya.

The First And LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon