Heartbeat 44↭ Ungkatan ng Past

117 4 0
                                    

Flair's POV

Ano naman kaya ang ibig sabihin nito? Hanggang ngayon ay nakatingin pa rin ako sa mga picture na ipinasa sa akin ni Kuya Richard.

Para kasing kakaiba ang symbol na kinuha niya mula sa shop na pinasukan ni Tita Mildred. Tyaka bakit parang hindi naman kilala ang shop na yun?

Nagsearch na ako for information tungkol sa shop na yun pero, wala man lang na ibang info na ibinigay sa akin yung phone ko. Tanging, small advertisement ang nandoon sa sinearch ko.

"Miss Flair, saan ka ba nanggaling? Kanina pa nagkakagulo ang Mommy at Kuya mo sa loob" pagsasalubong sa akin ni Yaya.

Nataranta naman ako at mabilis na pumasok sa loob. Nakita ko si Mommy na nagwawala at si Kuya naman ay nakayuko lang.

"Anong nangyari dito?! Mommy! What happened?!" Gulat kong tanong.

Napatigil si Mommy sa ginagawa niya saka lumapit sa akin.

"Wala ito baby, stressed lang si Mommy. Sige na, umakyat na kayo ng Kuya mo" sabi niya saka ako hinalikan ni Mommy sa noo.

Sabay na kami ni Kuya na umakyat sa taas papunta sa kwarto namin. Nakita ko pa si Mommy na pumunta sa bar corner namin at kumuha ng isang bote ng wine.

"Ano ba kasi yung nangyari Kuya?" Tanong ko na ngayon kay Kuya bago ako pumasok sa kwarto ko.

"Pumunta dito kanina si Jasmin at si Kuya Rin" sagot niya sa akin.

"So kamusta naman sila?" Tanong ko uli sa kanya. Alam ko naman kung ano ang possible happening sa sinabi ni Kuya, pero gusto ko pa ring marinig kung ano talaga ang nangyari.

"Eh di syempre naabutan sila ni Mommy. At dahil sa naabutan sila ni Mommy, kumulo tuloy ang dugo niya. Bakit pa kasi sila pumunta dito? Kita naman na masama ang lagay nila ngayon kay Mommy" paliwanag sa akin ni Kuya.

"Masisisi mo ba sila Kuya? Eh parehas din naman sila naghahanap ng sagot sa nangyayaring ito" paliwanag ko naman ngayon sa kanya.

Hindi nakapagsalita si Kuya ng mga ilang minuto. Siguro narealize niya na totoo naman talaga yung sinasabi ko.

Hindi na siya sumagot pa sa akin at dumiretso na lang sa kwarto niya. Ako naman ay pumasok na rin sa kwarto ko.

Pagkapasok ko ay bumalik naman ako uli sa pagsusuri ng picture na kanina ko pa tinitingnan.

Reyrin's POV

Nakarating na kami ni Jaja sa bahay. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako kinakausap ng kapatid kong  ito. Siguro dahil sa nangyari kanina.

Hindi ko naman talaga kasi intensyon na sumagot doon sa nanay ni Robbie. Hindi lang talaga ako nakapagpigil nang madamay na si Mama sa mga pinagsasasabi niya.

"Jaja, sorry na" hinawakan ko yung braso niya bago pa siya tuluyang makapasok sa bahay.

Tumingin siya sa akin. Hinihintay ko ang galit niyang mukha na nakatingin sa akin, pero nang lumingon siya ay isang blangkong mukha ang nakita ko.

Bigla akong natakot, dahil ito ang mukhang nakita ko nang mawala rin si Renzo sa kanya. Sana naman ay hindi na mangyari pa ang nangyari na nung dati.

Hindi na siya nagsalita pa kaya binitawan ko na ang braso niya. Dumiretso na siya papunta sa kwarto niya.

Papasok na rin sana ako, pero nagulat ako nang nasa kusina pala si Mama.

Mukhang hindi niya nahalata na dumating na kaming dalawa. Nakatalikod kasi siya sa pinto.

"Mama—"

"Ay Kabayong patay!" Nagulat si Mama nang tawagin ko siya. Mukhang hindi niya talaga alam na dumating na kami.

The First And LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon