Heartbeat 51↭ May Tiyaga at Magninilaga

138 5 0
                                    

Flair's POV

"Saan ba kayo galing kanina Kuya?" Tanong ko dito sa magaling kong Kuya na basta-basta na lang kaming iniwan sa mall kanina.

Nasa loob na kami ngayon sa kotse ni Kuya nang sa wakas ay nakita namin siya.

"Ano Pare? Nakascore na ba?" Tanong naman ni Kuya Richard.

"Eww!! Ang bastos mo talaga, ever!" Sagot naman sa kanya ni Ate Chin habang tinatapik ang pisngi ni Kuya Richard na para bang sinasampal siya ng mahina.

"Hindi no! Hindi naman ako ganun. Tyaka kasama ko kanina si Jasmin dahil tinulungan ko siya. Nagkaproblema kasi kanina si Kuya Rin" paliwanag naman ni Kuya habang nagsisimula nang magmaneho at papalabas na sa parking lot.

♡Sa bahay♡

At last ay nakauwi na rin kami. Kanina sa biyahe hindi man lang sumagot si Kuya sa mga tinanong namin tungkol sa mga nangyari sa kanila ni Ate Jasmin habang magkasama sila.

♥Knock knock knock♥

Kumatok naman ako sa pinto ng kwarto ni Kuya pagkatapos kong makapagpalit ng pambahay na damit.

Nang buksan ni Kuya ang pinto niya dumiretso na rin akong pumasok sa kwarto.

"Okay Kuya, spill" saad ko habang umuupo sa higaan niya at niyayakap ang favorite stuffed toy niya.

"Flair...! Ibalik mo yan..." pag-aaburido niya.

Bakit naman kaya cranky siya pagdating sa stuffed toy na ito? Eh luma na rin lang naman at parang inagaw niya pa ito sa kung sinong bata, dahil may tinahian ito sa braso.

Wala naman akong nagawa, baka magalit pa siya sa akin, iba pa naman magalit si Kuya.

"So ano nga po ang nangyari sainyo ni Ate Jasmin?" Pagtatanong ko uli sa kanya.

"Ano ba naman kasi ang gusto mong malaman? Sinabi ko na sainyo yung lahat" sagot naman sa akin ni Kuya.

"Eeehhh... ang sinabi mo lang naman kasi ay yung pinuntahan niyo si Kuya Rin" saad ko sa kanya.

"Eh yun nga lang yung nangyari" sagot niya naman.

"Kuya... kasama mo si Ate Jasmin habang nagdadrive ka papunta sa isang lugar. Now tell me... wala man lang ba kayong pinag-usapan? Ni hindi man lang kayo nagkamustahan?" Tanong ko naman sa kanya.

This time, hindi na siya nakasagot pa sa tanong kong yun.

"So ano nga po ang nangyari during that time?" Tanong ko uli.

Hindi uli siya sumagot pero lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko.

"Wala talaga kaming pinagkwentuhan. Hindi siya nagsalita habang papunta kami doon" pagsisimula niya.

"Naawkward ako, pero nung makita ko siya, parang wala lang sa kanya. Nakatingin lang siya sa labas at wala akong naramdamang awkwardness mula sa kanya. Ngayon ko lang siya nakitang kalmado" paliwanag ni Kuya.

"Hhhmm... so ngayon naramdaman mo na rin yung naramdaman dati ni Ate Jasmin" paliwanag ko naman sa kanya.

"Yung mga time na wala lang sa'yo yung issue ninyo ni Ate Jasmin, tapos siya yung nastessed dahil sa kakaisip kung ano pa talaga kayo. Pakiramdam niya noon ay parang binasura mo lang yung pinagsamahan ninyong dalawa" pagpapaliwanag ko.

Nakita ko si Kuya na parang natamaan ng sinabi kong yun. Eh sa totoo naman di ba. That time na yun, parang naging selfish si Kuya. Ang kailangan lang naman kasi ni Ate Jasmin ay time para mag-usap sila at malinawan.

Robbie's POV

Pagkatapos kong marinig yung sinabi ni Flair ay biglang nanigas ang katawan ko.

The First And LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon