Reyrin's POV
Nandito ako ngayon sa rooftop ng building namin. Hanggang ngayon ay nag-iisip ako ng excuse para mapauwi muna ako sa amin. Gusto kong makauwi dahil hindi ako natatahimik hanggat hindi ko nalalaman na maayos lang talaga si Jaja, lalo na ngayong may malaki siyang problema.
"Mukhang ang lalim na naman ng iniisip natin ah. Let me guess, si Jasmin na naman yan? Bakit? May nangyari ba sa kanya?" Tanong sa akin ni Ginger habang umuupo sa tabi ko.
"Sana sinunod na lang kita nung time na sinabi mo sa akin na wag masyadong magtiwala kay Robbie" sabi ko sa kanya.
"May problema ba sila ngayon ni Jasmin?" Tanong niya uli.
"Hindi lang sa kanilang dalawa. Kundi sa aming lahat"
"Huh? Bakit pati ikaw nadamay?" Tanong niya.
"It's not just a simple relationship. It's a family matter"
"Paano naman naging sa pamilya ang problema nila? Bakit? Magkagalit ba ang mga pamilya niyo?" Tanong niya uli.
"You can say that. Pero sa totoo, para kaming binato ng napaka sakit na katotohanan" tinitigan ko siya at nakita ko na nag-aalala na siya. Hinawakan ko yung kamay niya para pakalmahin siya.
"Magkakapatid kami, sa ama" saad ko. Nakita ko na pinanlakihan ako ng mata ni Ginger na para bang bigla na lang siyang nakakita ng nakatakot na palabas.
"So you mean, magkakadugo kayo?! Papano na sina Jasmin at Robbie? Kamusta na sila? Siguro nahihirapan sila ngayon" saad ni Ginger.
"Oo, sobrang nahihirapan. Kaya nga nag-iisip ako kung ano ang pwede kong ipalusot ngayon para makauwi ako" paliwanag ko sa kanya.
"Ahh... yun ba? Just leave it to me. Bukas na bukas din, makakauwi ka na" saad ni Ginger.
"Wag ka ngang magbiro. Alam mo naman na madali akong maniwala" paliwanag ko sa kanya.
"Sus, hindi naman kita ilalaglag. Fanboy kita di ba" sabi niya habang nagpapacute.
"Sige, wag mo akong ilalaglag, Fangirl" sagot ko naman sa kanya.
Alam kong baduy man pakinggan pero yun talaga ang tawagan naming dalawa. Fanboy niya ako at siya naman ang Fangirl ko.
Pagkatapos naming mag-usap ay umalis na siya dahil tinawagan na siya ng Manager niya. Hanggang ngayon ay wala pang nakakaalam ng relationship namin. Nagsisimula pa lang daw kasi ako sa industry, paliwanag ni Ginger.
3rd Person's POV
"Sigurado ka ba?" Gulat na tanong ni Jasmin kay Flair habang nakatitig pa rin sa video na inuulit ng bata.
"Opo, sure na sure ako. Magaling mang mag-edit yung taong ito, pero hindi pa rin nakalampas sa paningin ko. Alam ko po and sigurado akong edited ito" paliwanag ni Flair.
Naglakad na sina Chin-Chin at Richard papalapit sa dalawa nang mahalata nila ang gulat na pagmumukha ni Jasmin.
Sinilip nila kung ano man ang tinitingnan ni Jasmin at nagtaka sila nang makita ang video ni Renzo.
"Sino yan Beshy?" Tanong ni Chin-Chin sa kaibigan.
Hindi naman umimik si Jasmin. Nakatitig lang siya sa video na pinapanood.
"Ate Jasmin, kailangan natin malaman kung nasaan ang missing video clip" kinuha na ni Flair ang cellphone niya mula kay Jasmin para makausap na siya ng maayos.
"Huh?" Naguguluhan pa ring tanong ni Jasmin.
"Kailangan natin malaman kung ano ang nilalaman ng nawawalang video clip dito" pagpapaliwanag uli ni Flair.
BINABASA MO ANG
The First And Last
Roman pour AdolescentsHow can you say that Love is Strong? . . Jasmin Janeth Marquez. Isang babae na may masalimuot na nakaraan tungkol sa pag-ibig. Inakalang hindi na ulit iibig pa, pero naging mapagbiro ang tadhana sa kanya. . . A story that will show, how the heart fi...