3rd Person's POV
"Uhmm, Ginger, pwede ba tayong mag-usap?" Pagtatanong ni Reyrin nung matapos na ang photo shoot niya.
"Usap? Tungkol naman saan?" Patanong din na sagot ni Ginger.
"Tungkol sa pinag-uusapan natin kani—"
"Tris!!" Hindi na natapos ni Reyrin ang sinasabi nang may biglang sumigaw sa likuran niya.
"Oh my! Reid!! Papano mo nalaman na nandito ako?!" Sigaw din ni Ginger habang tumatakbo at binigyan ng mahigpit na yakap ang binata.
"Well, you know me, I have my ways" pagpapaliwanag naman ng binata. Napatingin ito kay Reyrin kaya kumunot naman ang noo niya.
"Tris, may kasama ka pala" sabi nito. Hinawakan naman ni Ginger ang kamay ni Reid saka dinala papunta kay Reyrin.
"Reid meet Reyrin, Rin, this is Reid" pagpapakilala naman ni Ginger sa dalawang lalaki.
"Ah, ito ba yung—" hindi natapos ni Reid ang sasabihin dahil siniko siya ni Ginger. "Hi, kamusta pare?" bati ni Reid habang inilalahad ang kamay kay Reyrin. Matagal munang tinitigan ni Reyrin ang kamay ng binata bago ito tinanggap.
"Hi, Reyrin pare" pagpapakilala ni Reyrin habang nakakunot ang noo.
"Anyway, Rin, sorry maybe next time na lang tayo mag-usap" sabi naman ni Ginger saka isinama na si Reid papaalis.
Umalis ang dalawa at iniwan nang nag-iisip si Reyrin. Nag-iisip kung sino ang lalaking kasama ngayon ni Ginger, kung bakit mas importante pa siya kaysa sa kanya. At kung ano ba ang namamagitan sa kanilang dalawa.
Robbie's POV
"Since, wala naman tayong pasok mamayang hapon, why don't we just go to my place. Doon na lang natin tapusin itong assignment" pagsasuggest ko. Halos kasi wala nang student dito sa campus. Eh hindi pa naman namin tapos yung kanta.
"Well, okay. Doon tayo sa lungga mo" sagot naman ni Jasmin. Ang kitty talagang ito. Buti na lang at medyo formal ako ngayon.
So niligpit na namin ang mga gamit namin at pumunta na sa parking lot. Kinuha ko na yung kotse ko at kinuha na rin ni Jasmin yung sa kanya.
♡After 15 min♡
"Hi Kuya! Ang aga mo naman ata nga—" sinalubong kami ni Flair, pero napatigil siya nang makita niya si Jasmin.
"Flair, this is Jasmin. Partner ko siya sa class. Siya yung sinasabi ko sa'yo. Jasmin, si Flair nga pala, kapatid ko" pagpapakilala ko sa kanila.
"Oh, so you must be Kitty. Ang palaging bukang—"
♥Poink♥ (siniko)
"Ouch, anyway, Flair Ivy Rigalado. Nice to meet you ate... (tingin sa kuya sabay ngiti) Kitty" saka inilahad ni Flair ang kamay niya kay Jasmin.
"Nice to meet you too Flair, ang ganda naman ng pangalan mo" sagot naman ni Jasmin saka tinanggap ang kamay ni Flair.
"Thanks, alam kong maganda talaga ang pangalan ko, pero syempre mas maganda ako" pagsang-ayon ni Flair sa sinabi ni Jasmin.
"So, let's go inside. Kailangan pa nating matapos yung assignment" pagpapapasok ko sa kanila sa loob.
Umupo na si Jasmin sa sofa, pumunta naman ako sa kitchen para kumuha ng snacks namin habang gumagawa ng assignment. Nang makakuha na ako ng chips at juice, bumalik na ako sa sala. Nakita ko na nagsisimula na pala si Jasmin. Inilapag ko na yung tray sa center table para matulungan ko siya.
♥Swoosh♥
.
♥Splat♥
.
♥Click♥"If you won't mind, dito na rin ako gagawa ng assignment ko" saad ni Flair habang inoon ang laptop niya.
BINABASA MO ANG
The First And Last
Teen FictionHow can you say that Love is Strong? . . Jasmin Janeth Marquez. Isang babae na may masalimuot na nakaraan tungkol sa pag-ibig. Inakalang hindi na ulit iibig pa, pero naging mapagbiro ang tadhana sa kanya. . . A story that will show, how the heart fi...