Jasmin's POV
"Oops!! Ssoooorrryyy...." napaupo na naman ako sa sahig ng choridor. May tinapon kasing balat ng saging ang isa sa mga babaeng palaging nang-aasar sa akin.
Aaminin ko, masakit sa balakan ang nangyaring ito sa akin. Hindi ako agad nakatayo dahil parang bumigat ang balakang ko. Nakita ko na napadaan si Robbie pero hindi niya man lang ako tinulungan.
Tumayo na ako at galit na naglakad papunta ng locker ko. Akala ko ba may ipinangako siya kay kuya, bakit parang hindi niya naman ginagawa ang trabaho niya.
"Masakit ba? Tsk tsk tsk... kung ako sa'yo, papatulan ko na ang mga babaeng yun. Hindi ka ba naaawa sa sarili mo?" Nagulat ako nang bigla namang sumabay si Richard sa paglalakad ko. Hindi siya tumingin sa akin at nauna nang naglakad pagkatapos niya yun sabihin.
Nakarating na ako sa locker ko at same as always, may naka dikit na naman. Wala talagang kasawa-sawa ang mga tao dito.
Kinuha ko na yun at dinikit uli sa wall ng locker ko.
"Kung ako sa'yo, papatulan ko na ang mga babaeng yun. Hindi ka ba naaawa sa sarili mo?" Naalala ko naman yung sinabi ni Richard sa akin. Bakit nga ba hindi ko sila pinapatulan? Siguro dahil ayaw ko ng gulo.
Binura ko na lang sa isip ko ang nangyari kanina. Kinuha ko na ang mga kailangan kong gamit at dumiretso na sa classroom.
"Okay class, ngayon naman ay mag-eexchange uli kayo ng partner. So ibig sabihin naman nito ay girl to girl naman at boy to boy ang mag-uusap" paliwanag sa amin ni Sir Pan Oath.
"Mag-uusap kayo ng kashare ninyo tungkol sa partner niyo, pagkatapos ay icocompare ninyo ang observations niyo tungkol sa taong yun" dagdag pa ni Sir.
Hindi ako umalis ng upuan ko kaya si Chin-Chin na lang ang lumapit sa akin.
"Hi Jasmin" bati niya sa akin. Nginitian ko lang siya bilang sagot.
"So sino ba sa atin ang magsisimula? Ikaw ba o ako? Sino ang uunahin natin? Si Richard ba o si Robbie?" Sunod-sunod niya namang tanong sa akin habang umuupo sa tabi ko. Ang daldal pala ng babaeng ito.
"Ikaw na lang. Magsimula muna tayo kay Richard" ayaw ko kasing marinig kung ano man ang mga observation niya kay Robbie. Lalo na ngayong naiinis ako sa taong yun. Hindi man lang ako tulungan kanina kahit nakita niya naman ang nangyari sa akin.
"Okay, kay Richard muna tayo. Actually, ayaw ko talaga siyang pag-usapan dahil nakakainis siya. Wala na siyang nakita kundi ang mga mali sa akin. Hindi ko alam kung may issue ba siya sa akin o sadyang galit lang siya sa pagkatao ko" napangiti ako sa sinabi ni Chin-Chin. Naalala ko kasi nung si Richard ang kashare ko. Negative nga lahat ang sinasabi niya tungkol kay Chin-Chin pero sa huli ay may sinabi rin siyang maganda.
Feeling ko lang, pero parang may something kay Richard na hindi niya mailabas. Lalo na kung tungkol kay Chin-Chin.
"Oh ba't ka tumatawa? Wait, may sinabi ba siya sa'yo? Jasmin, may sinabi na naman bang masama si Richard tungkol sa akin?" Tanong ni Chin-Chin habang pinipilit ako na magsalita. Ako naman ay mas lalong lumalapad ang ngiti.
Gusto ko sanang sabihin ang nasa isip ko pero baka magalit sa akin si Richard.
♥Clap♥
Nagulat ako, akala ko ay si Chin-Chin ang pumalakpak pero si Richard pala.
"Hoy, maghapon ka na lang bang nakatitig sa kanila?" Narinig kong inis niyang tanong kay Robbie na kanina pa pala nakatingin sa amin ni Chin-Chin.
Nakita ko na napalingon sa kanya si Chin-Chin saka ngumiti. Si Robbie naman ay parang may pinaparating pero hindi ko maintindihan. Tumingin pa rin si Chin-Chin at nakangiti pa rin siya. Mukhang tama nga si Richard na childish nga si Chin-Chin. Parang bata kasi ang galawa niya.
BINABASA MO ANG
The First And Last
Roman pour AdolescentsHow can you say that Love is Strong? . . Jasmin Janeth Marquez. Isang babae na may masalimuot na nakaraan tungkol sa pag-ibig. Inakalang hindi na ulit iibig pa, pero naging mapagbiro ang tadhana sa kanya. . . A story that will show, how the heart fi...