3rd Person's POV
"Okay class, I hope you all learned a thing or two about our very last activity. Now, I know na ito ang pinaka hihintay niyong sabihin ko. Ngayon ang last day natin before the summer vacation. I sure hope na maging maganda ang summer break ninyo. Very well, hindi na ako magtatagal pa, see you next school year" pagpapaalam ni Mr. Pan Oath sa kanyang klase.
Nagsihiyawan naman ang mga estudyante na para bang nanalo sa lotto. Nang lumabas na ang teacher ay nagsilabasan na rin sila. Wala na rin lang naman kasing leksyon dahil tapusan na ng klase.
"Kitty, anong gusto mong gawin? Gusto mo kain tayo sa cafeteria" Pagyayaya ni Robbie sa girlfriend niya.
"I'd like to, pero may gagawin pa kasi ako. Pinapatawag ako ngayon ng Dean" sagot naman ni Jasmin sa kanya. Pero sa totoo ay hanggang ngayon, laman pa rin ng isip niya ang nakitang video mula sa dating boyfriend.
"Samahan na kita" pagsusuhestyon ni Robbie. Pero hindi na pumayag si Jasmin. Sinabihan niya na mauna na itong kumain. Hindi na rin yun pinagpilitan pa ni Robbie dahil alam din niya kung ano ang pinagdadaanan ng girlfriend.
Dumiresto na si Robbie sa cafeteria at naglakad na rin si Jasmin papunta sa office. Nang makarating ang dalaga sa isang kanto ay lumiko siya at dumiretso na naman sa mini park na palagi niyang pinupuntahan.
Umupo si Jasmin sa bench doon. Naisip niya uli yung nangyari sa kanya dati. Napagtanto niya na kung hindi yun nangyari, hindi niya rin makikilala si Robbie. 'So, tadhana ba talaga na magtagpo kaming dalawa?' Saad ni Jasmin sa isip niya.
"Beshy, ba't hindi mo kasabay si Robbie na kumain? LQ ba kayo?" Tanong ni Chin-Chin habang nilalapitan ang kaibigan.
Hanggang ngayon ay naninibago pa rin si Jasmin sa pagtawag sa kanya ng Beshy ni Chin-Chin. Kaya medyo nailang siya sa pagsagot.
"Hindi naman, gusto ko lang kasing mapag-isa" paliwanag ni Jasmin.
"Sa bagay, hindi naman sa lahat ng oras ay kailangang magkasama kayo. Sometimes kailangan niyo rin ng space para sa isa't-isa. My mga private life din naman kasi kayo. Very good yang ginagawa niyo, talagang forever na kayong dalawa" saad naman ni Chin-Chin habang nagiging pambata na naman ang boses.
Magaling magbigay ng advice si Chin-Chin, pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang boyfriend. Hindi niya pa rin maipaliwanag kung ano ang pagkakaiba sa friend at sa boyfriend.
Sa buong hapon ay wala na silang ibang ginawa dahil last day na lang din naman nila. Magkasama sina Robbie at Jasmin, pero wala naman ang isip ni Jasmin sa ginagawa nilang dalawa.
Nahalata din ni Robbie na parang bumabalik si Jasmin sa dati niyang pag-uugali na palaging wala sa sarili at malalim ang iniisip.
Sinusubukan niyang maglabas ng kahit na anong topic para malibang si Jasmin at matuon sa kanya ang atensyon nito, pero hindi umubra ang plano niya.
Nang pag-uwian ay pinilit niyang siya na ang maghatid sa dalaga, pero hindi siya nagtagumpay. Sa totoo ay, may gusto pang puntahan na lugar si Jasmin at hindi pa naman siya uuwi sa kanila.
Jasmin's POV
"Sigurado ka bang kaya mong mag-isa?" Tanong sa akin ni Robbie.
"Matagal ko nang ipinagdadrive ang sarili ko mula bahay hanggang campus. Okay lang talaga ako. Sige na, umuwi ka na" sagot ko sa kanya.
"Kitty, kailan ba malalaman ng Mama mo ang tungkol sa atin?" Tanong niya uli. Talagang hindi nauubusan ng sasabihin ang lalaking ito. Kanina pa siya dada ng dada, daig pa ang babae.
![](https://img.wattpad.com/cover/116783041-288-k114148.jpg)
BINABASA MO ANG
The First And Last
Ficção AdolescenteHow can you say that Love is Strong? . . Jasmin Janeth Marquez. Isang babae na may masalimuot na nakaraan tungkol sa pag-ibig. Inakalang hindi na ulit iibig pa, pero naging mapagbiro ang tadhana sa kanya. . . A story that will show, how the heart fi...