Heartbeat 15↭ Suyo Pa More

156 5 0
                                    

3rd Person's POV

Mabilis na pinaharurot ni Reyrin ang kotse niya papunta sa LU. Wala rin naman kasi siyang ibang ginagawa dahil binigyan muna siya ng break ng manager niya. Halos mag-iisang linggo na kasi siyang straight na nagsasanay.

"OMG! Friend!! Fresh fish!! New student siguro"

"Gosh, parang artista besh"

"Ako siguro ang pinunta niya dito"

"Asa ka, ni hindi ka nga pinapansin ni Robbie, yan pa kaya"

Napuno ng mga malalanding bubuyog ang dinadaanan ni Reyrin papunta sa cr na pinagtataguan ni Jasmin. Nang makarating siya doon, hindi na siya nagdalawang isip pang pasukin yun kahit may mga babae pang gumagamit.

Nagsitakbuhan ang mga babae at nagsihiyawan. Hindi lang yun pinansin ni Reyrin.

"Jaja, are you in here? Nandito na ako" pagtatanong naman ni Reyrin. Nakita niya naman na may dahan-dahang bumukas na pinto at lumabas mula doon si Jasmin na umiiyak.

Hindi na napigilan pa ni Jasmin at tumakbo na para yakapin ang kuya. Si Reyrin naman ay mahigpit na ginantihan ang yakap ng kapatid.

"What happened?" Tanong ni Reyrin. Hindi naman sumagot si Jasmin at nagpatuloy lang sa pag-iyak niya.

Lumabas na silang dalawa sa cr na ikinagulat ng mga tao, lalu na ng mga babae. Nakabalot sa balikat ni Jasmin ang black leather jacket ni Reyrin kaya natira na lang sa kanya ay ang white V-neck shirt niya. Nakahawak lang ang kuya sa magkabilang balikat ng kapatid.

"Jasmin.... I'm sorry... sorry for what happened" mabilis namang lumapit sa dalawa si Robbie habang sinasabi yun. Dahan-dahan na binitawa ni Reyrin si Jasmin saka lumapit kay Robbie.

"Ikaw ba ang nagpaiyak kay Jasmin? Anong ginawa mo sa kapatid ko?!" Matigas na tanong ni Reyrin habang binibigyan ng matalim na tingin si Robbie.

Rinig naman ang nabiglang reksyon ng mga tao sa campus na nakatingin sa kanila. Hindi sila makapaniwala na kapatid ni Jasmin ang gwapong lalaking pumasok sa campus nila.

"K-ka-kapatid?" Gulat naman na tanong ni Robbie kay Reyrin.

"Oo, ako ang kuya ni Jasmin Janeth Marquez, Reyrin Jonathan Marquez. At ako rin ang magiging bangungot mo kapag hindi mo sinagot ang tanong ko. Sinaktan mo ba ang kapatid ko?!" Mas tumalim ang titig ni Reyrin kay Robbie na ikinatakot naman ng binata.

"Sorry po, gusto ko lang naman po kasing makipagkaibigan sa kapatid mo. Kaso lang it seems like there had been a misunderstanding between my girlfriend and the way I treat Jasmin. Pero believe me, wala po akong intensyon na masama sa kanya" mahabang paliwanag ni Robbie.

"May girlfriend ka na pala, ba't mo pa ginugulo ang kapatid ko? Kung gusto mo talaga siyang maging kaibigan, ayusin mo na muna ang sainyo ng girlfriend mo. Sa susunod na mangyari pa ito, hindi na talaga kita papalampasin" humarap naman si Reyrin sa lahat ng estudyante na nakapalibot sa kanila.

"Lahat kayo, kapag hindi niyo tinigilan ang kapatid ko, I will sue this school for bullying. Sisiguraduhin kong magsisisi kayo na dito pa kayo nag-enroll" paliwanag ni Reyrin saka muling inalalayan ang kapatid papalabas ng LU.

Narinig din ng mga professors ang sinabing yun ni Reyrin. Kahit hindi pa naman sikat itong lalaki ay marami na rin siyang mga koneksyon kaya hindi malayong magawa niya nga ang ganung bagay.

Jasmin's POV

I was really thankful na nakita ko si kuya. Kahit na alam kong baka may ginagawa pa siyang iba. Kaso sinalubong pa kami ng Robbie na yun. Natrigger na naman tuloy si kuya.

The First And LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon